Chapter 10

2K 109 22
                                    

Chronicles ng Babaeng Torpe

Chapter 10

 

One Week after seeing Ivo for the first time.

 

Akala ko iyon na anghuli. Lunes ko siya nakita. MWF at TTHS ang pattern ng mga schedule dito pero hindi ko naman siya nakita noong last Wednesday at Friday. Baka nga abnormal na naman ang schedule ni Ivo. Pero ilang linggo na ang nakakaraan nang magsimulaang klase, hindi ba dapat sa panahon na iyon nagkatagpo na kami somewhere somehow? Bakit ngayon lang?

At bakit na naman ngayon?

Miyerkules.

Kakalabas ko lang ng Room 203, ang classroom na nilabasan ko noong huli ko siyang nakita. Medyo natatakot na nga ako na ako ang nagbubukas dahil baka mamaya nandoon na naman siya sa labas.

Pero ngayon wala kaya naman tuluyan ko nang binuksan ang pinto.

Kakahinga ko palang nang maluwag pero agad akong napabawi sa aking hininga. Pagharap ko sa kananko, si Ivo.

Si Ivo.

Putangina.

Malayo siya pero alam kong nakita na niya ko. (Or assuming lang ako.)

Heto na. Magkakasalubong na kami.

Ngingitian ko siya.

Heto na talaga.

No more turning back.

Confident na kong naglalakad, iniwan ko na nga si Mage eh mabati lang si Crush—ehem! Ex-crush pala.

Ten steps.

Eight steps.

Six steps.

"Ivo!"

Napahawak ako sa bibig ko. Ako ba 'yun? Ako ba tumawag sa kaniya? Shit.

"Uy!" paglingon niya sa isang grupo ng mga kalalakihan sa kaniyang kanan.

Phew. So hindi ako 'yun. Shit nakakahiya kung tatawagin ko siya out of nowhere.

Pero mas lalong shit.

NGUMITI SIYA.

Fuck.

Ipalibing niyo na ko.

Shit...

Sa isang buong sem ko na nakikita siya na once a week bibihira ko siyang makitang ngumiti. Rare sight! Nabiyayaan ako ng ngiti ni Ivo. Shit. Shit. (Kahit hindi naman para sa'kin okay lang.)(At mas lalong hindi akoang dahilan. Ouch.)

Pero shit...

'Yung puso ko!!!

Ang pogi niya.

Lintek.

Ganda pa ng ipin. Kainis.

"Hoy ba't ka nangunguna?!" reklamo ni Mage. "Ikaw nagyayayang kumain diyan tapos nang-iiwan?"

"Sorry naman," nakita ko si Crush eh—I mean, Ex-crush pala. "Bagal mo kasi eh. Tara na nga."

That was the second time I saw Ivo. But definitely not the last.

Chronicles ng Babaeng TorpeWhere stories live. Discover now