Chapter 38 {Come Back}

10.6K 511 51
                                    

-BLAKE'S POV-

"Oh Onix. Isaboy mo 'tong fairy dust sa pinakatuktok ng puno ha."

Inutusan ko ang alaga ko na isang maliit na tigre, kulay itim ito at may pakpak. Medyo kakaiba nga lang ang itsura niya.

Naalala niyo ba siya? Siya yong sumugod kay Aria nong unang dating nila dito sa paaralan. Nasa harapan ko ang puno ng buhay at kinakausap ito na parang si Aria.

'Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin kita kahit alam ko namang impossibleng makakabalik ka pa at hanggang ngayon ay minamahal pa rin kita.' -bulong ko sa isipan.

Umupo ako at nag alay ng mga pinakamagandang bulaklak sa puno at taimtim na dinasalan ito.

"Blake! Hali ka na! Magsisimula na ang party. Ikaw na lang ang hinihintay." -lumingon ako at nagsabing.. "Susunod ako Ice. Sandali na lang."

Ilang taon na ang lumipas.
Nagsimula ulit ang paaralang Mighty Academy. Gumaling na rin ang mga sugat ng mga Alician sa panahon ng digmaan.

Gumaling na ng tuluyan si Fear dahil nagamot siya agad ng mga healer students samantalang sila Eve at Bea ay ilang buwang nag dusa nong nalaman nila na wala na si Aria. Pati na rin si Fear ay nahirapang tanggapin ang sinapit sa mahal nilang kapatid.

Naparusahan ang mga kalaban na buhay pa at ito ay ikinulong ng pang habang buhay sa black hole. Pero si Demon ay hindi pinarusahan dahil sa hindi maipaliwanag na nangyari sa kanya. Naging isang mortal na tao siya. Walang kapangyarihan.

Baka ginawa talaga ni Aria na kunin ang mahika niya.

Bumalik na sa pagiging hari si dad kaya nailigtas na rin namin ang mga ikinulong at pinarusahan sa Magical World. Kasa-kasama na rin nila Bea, Eve at Fear ang nanay nila.

Si kuya Black naman siya na ang pumalit bilang bagong headmaster ng akademiya.

Nagkaroon ng katahimikan ang kaharian at sa nasasakupan ni ama. Pati na rin dito sa paaralan namin. Pero mas gugustuhin kong sabihin na paaralan ito ni Aria dahil siya ang nagligtas nito.

Si Fear ay sila na ni Floyd.

Si Bea ay M.U. sila ni Drew.

Si Eve, sila na ni rin Steve.

Ako?

Wala..

Lagi akong nalulungkot pero kinakaya ko naman na tumawa kahit minsan lang. Ngayon ay sini'celebrate namin ang 18'th birthday ni Aria.

Sayang, hindi ko man lang siya maisasayaw sa b-day niya.

"Happy 18th Birthday Aria.. Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw lang."- sabi ko kaharap pa rin ang puno. Tumayo na ako at lumakad papunta sa Grand Hall dahil don gaganapin ang b-day party niya.

'Sana masiyahan ka kahit papano sa araw ng iyong kaarawan.. Aria..'

• • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • • •

-ARIA'S POV-

Nagising na lang ako na may humihimas sa pisngi ko.

"Aria.." -tawag niya sakin.

"Prinsesa Sofia."- bumangon ako sa pagkakahiga sa damuhan. Nakasuot pala ako ng puting gown at mukhang bumalik na ako sa dati bilang bata.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Where stories live. Discover now