47

19 4 0
                                    

" Sariwang Sugat "

Hindi ko inaakala,
Na sa isang iglap ko'y ika'y mawawala,
Desisyon ko'y suportahan mo sana,
Kahit labag sa puso mo'y pagbigyan na.

Naaalala ko pa kung paano tayo nagsama,
Mga tawanan at iyakan na minsa'ng parte ng ating ala-ala.
Ating nararamdaman ay nababalot ng kasiyahan,
Na minsan ding nakatuklas ng ating pagsasama.

Sa bawat araw na iniisip kita,
Oh iniirog ko sana'y ako'y iyong mapatawad.
Sariwang sugat na nadarama,
Dasal kong ito'y mahibsan na.

Alalahanin mong mabuti,
Ang kahapon nating nagtapos,
Memoryang di' makakalimutan gaya ng araw na'ting nagdaan,
Sapagkat ito'y nasa aking puso't isipan.

Huhugot Lang Ako SaglitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon