56

40 13 85
                                    

Kapag sinabi kong mahal pa rin kita
-

Sa paglipas ng mahabang panahon, hindi ko inaasahang darating sa akin ang pagkakataon
Nagdaan ang iba't ibang okasyon, lumipas ang tag-araw, pati na ang tag-ulan
Sumibol ang araw at muling lumubog ang buwan
Sa hinaba-haba ng panahon,
Sa dinami-rami ng mga pangyayari
Iba't ibang uri ng tao ang dumating, nakilala, at umalis
Hindi ko aakalain
Na hanggang ngayon
Ay masasabi kong
Mahal, ikaw pa rin

Pero mahal, kapag sinabi kong mahal pa rin kita,
Hindi ko nais na bumalik ka pa
Hindi ko gustong habulin ka pa

Dahil mahal, kapag sinabi kong mahal pa rin kita,
Ang ibig kong sabihin ay ayos lang kahit may bago ka na
Ayos lang kung sa kan'ya ka na masaya
Ayos lang kung hindi na ako
Pero pasensiya na mahal,
Pasensiya na kung ikaw pa rin kahit hindi na ako

Dahil mahal pa rin kita,
Pero kapag sinabi kong mahal pa rin kita,
Ang ibig kong sabihin ay tanggap ko na
Tanggap ko nang wala na
Wala na talaga
Tanggap ko nang hindi na maibabalik pa ang dating tayo
Dahil kahit mag-ipon pa ako ng pamasahe pabalik sa dating 'tayo'
Ay hindi na aabutin dahil mayroon nang 'kayo'
Ayos lang, dahil tanggap ko na

Dahil mahal,
Kapag sinabi kong mahal pa rin kita,
Ang ibig kong sabihin ay masaya ako para sa inyong dalawa
Masaya ako, dahil masaya ka sakaniya
Ganun naman talaga e, kapag mahal mo, masaya ka kahit hindi na ikaw ang nagpapasaya sa kaniya
Ayos lang, tanggap ko na...

Ayos lang, tanggap ko na
Na maaari mo palang mahalin ang isang tao, pero may hangganan
Tulad ko, hanggang dito lang
Hanggang dito lang...

Mahal, hanggang dito na lang
Mahal pa rin kita
Ngunit kapag sinabi kong mahal pa rin kita
Ang ibig kong sabihin
Ay ayos lang, dahil tanggap ko na.

Huhugot Lang Ako SaglitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon