1

134 2 0
                                    

"Yon! Sige pa! Talunin mo yan! Yah! Wooh galing!!!"
Galing talaga ni Jackie chan. Pinapanuod ko ulit yung rush hour. Mahilig talaga ako manuod ng action movies, madalas nga ako mapagkamalang tomboy ng mga kaybigan ko pati si mommy. Eh anong magagawa ko, na bobored ako sa mga love stories na palabas. Puro pabebehan.

"Dette! Bumaba ka na. We're going to eat na!" Sigaw ni mommy sa baba.

Naks tumataglish si mudra. Pinatay ko na ang DVD at TV. Nilagay ko din muna sa fan yung aircon bago binuksan yung pinto.

"Psssst"

Napalunok ako at sumilip sa siwang ng pintuan ko. Sino iyon? Nilabas ko ang ulo ko sa pintuan at luminga linga.

"Psssst"

Nangagaling yung tunog sa kwarto ni mommy na katapat ng kwarto ko.

"Pssssst , dette"

Nanlaki ang mata ko ng nakita ko si mommy na nakasilip din sa pintuan. P-Paano nangyari yun eh kakatawag nya lang sakin na kakain na kami sa baba!

"M-mommy?"

"Anak narinig ko yung tumawag sayo sa baba. Wag kang bababa!" Sabi nya sa mahina na boses.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nagpapawis na din ako. Natatakot ako. Nanginginig akong tumango at sinarado ang pinto ng kwarto ko. Napasandal ako sa kwarto ko habang hawak ang dibdib ko. Nadidinig ko na tibok ng puso ko. Shet. Anong nangyayari?!

"Dette! Ano ba! Bumaba ka na jan! Kakain na!!!" Sigaw nung impostor sa baba.

Anong gagawin ko?!

"O-Opo my! Teka iihi lang ako!" Sigaw ko din. Baka mahalata nyang Alam ko na di sya ang mommy ko.

Pero kaboses nya si mommy. At yung nasa kwarto ni mommy kamuka ni mommy kaya Alam ko na sya talaga yun.

Tumunog ang cellphone ko sa higaan kaya nilock ko muna ang pintuan, tatlo ang lock ng pintuan ko. Para laging handa sa action lol.

Pumunta ako sa higaan at nakita Kong may text doon si Kuya niel.

Sender: Kuya Niel pogi

Oy panget! Tumawag si mommy sakin. Di daw sya makakauwi ngayon kasi wala daw sya maparang sasakyan. Dun daw muna sya kila Tita Claus. I lock mo yung gate ah! Dito na din ako matutulog kila Kean. Ingat ka jan.

A-Ano? Wtf is happening?

Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Anong nangyayare? Paano nangyare yun? Andun si mommy sa kwarto! Nakita ko sya! Nakasilip yung muka nya sa pinto, sya yun! Narinig ko din boses ni mommy sa baba, alam ko din na sya yun! Kilalang kilala ko ang mommy ko. Pero may iba. Merong iba...

"DETTE! ANO BA TANGINA MO AH BABABA KA O KAKALADKARIN KITA?"

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Naiiyak na ko. Never akong minura ng mommy ko! Sobrang tahimik ng paligid, naririnig ko ang bawat hakbang paakyat sa hagdanan papunta sa kwarto ko. Umaakyat sya!

ANONG GAGAWIN KO?! Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko. Malapit na mag 5pm. Medyo maliwanag pa sa labas ng bintana, dinikit ko ang tenga ko sa may pintuan para mas marinig ko pa yung hakbang. pero wala akong narinig. Walang tunog na kahit ano. Sumilip ako dun sa eyepiece ng pintuan ko

"Bulaga"

Napaatras ako at napaupo. Hindi sya ang nanay ko!! Iba ang itsura nya! At a-alam nyang sisilip ako sa eyepiece! Nakaabang sya na sumilip ako!

Nanlalaki ang mata nya! Kapareho nya ng muka ang mommy ko pero mas maputla sya at malalaki ang mata nya na akala mo luluwa na ang eyeballs nito. Nakangiti sya at nakatingala sa eyepiece. Pakiramdam ko nakikita nya ako! Suot nya din ang favorite na red dress ni mommy!

Hindi ko na napigilan at napahagulgol nalang ako. Bakit ganun? Anong nanyayare? Anong mangyayari sakin? Mamamatay na ba ako? Papatayin ba nila ko?

"Anak buksan mo to"
Isang malumanay na tinig
"BUKSAN MO ANG PINTO!"
Sumisigaw sya!
"Anak sige na. Buksan mo na ito"
Isang malumanay at mahinang tinig nanaman
"BUKSAN MO SABI EH!!!"

Nagulat ako at natataranta na, anong gagawin ko?! Dalawa sila sa labas! Tingin ko dalawa sila! Paiba iba ang tinig nila ng pagsasalita pero magkaboses sila! Kaboses ni mommy!

"BUKSAN MO ANG PINTOOOOOOO!"
Napatakip ako sa tenga ko sa sobrang lakas ng sigaw nya! Anong gagawin ko?!
Nag umpisa na din kumalabog ang pinto na parang itinutulak ito.

Kailangan ko mag isip ng gagawin. Hindi ako pwede mamatay dito! Hindi! Alam kong may ibang nanyayare. Aalamin ko yun!

Napatingin ako sa bintana at hinawi ang kurtina. Mataas ang kwarto ko dahil nasa second floor ito. Hindi ko kakayanin mag ala jackie chan at tumalon dito. Baka mabalian ako ng buto at lalo nila ako mahuli. Hindi ko alam kung anong kayang gawin sakin ng mga taong yun!

"Anak sige na. Buksan mo na ang pinto"

"BUBUKSAN MO ANG PINTO O SISIRAIN KO ANG PINTO MO. HAHAHAHAHA"
"Hahahahahaha"

Ayokong  marinig ang tawa nila! Nakakatakot! At mukang galing sa ilalim ng lupa ang tawa nila. Mababaliw ako kapag nagtagal ako dito, kailangan ko na umalis!

Kinalabog na nila ang pintuan at kinakatok ng napaka lakas. Hinila ko ang small table sa tabi ng kama ko at hinarang sa pinto. Kung lalabas ako ng bahay kailangan ko ng mga gamit! Kinuha ko ang backpack ko at kumuha ng mga damit sa cabinet. Kinuha ko na din yung pepper spray ko na never ko pang nagamit. Kumuha na din ako ng Tubig at soda sa mini ref ko.

Wooh. Eto na, ready na ko. Anong susunod kong gagawin?

Nakatanaw lang ako ngayon sa bintana ng kwarto ko...

Luminga linga ako sa labas at nag antay ng dadaan sa street namin pero wala! Walang taong dumadaan!!

Teka...

Tumigil ang kalabog sa pintuan. Wala na ba sila? Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko, shet! Walang signal. Impossible! Bakit wala?

IntrudersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon