2

94 4 0
                                    

Panaginip lang ito. Tama... Bangungot lang to. Sinubukan ko kurutin yung pisngi puta ang sakit!! Totoo ito!!!

Nagpalinga linga ako sa paligid ng kwarto ko. Parang may kakaiba.. Bat sobrang tahimik? Kahit ugong ng hangin o tunog ng hangin wala akong marinig?

Hindi na normal ang nanyayare. Huminga ako ng malalim at kumuha ng post it notes sa drawer ko pati ballpen.
Hindi ko alam kung anong mangyayare sa akin kaya mabuti ng magpaalam na ako kay kuya at baka balikan nya pa ako dito. Nag umpisa na ako magsulat. Hindi talaga ako mapakali dahil sobrang tahimik. Pakiramdam ko nag iipon ng lakas yung gumagaya kay mommy para madali silang maka pasok dito sa kwartopilit

"Habang binabasa nyo ito ngayon, baka wala na ko... Hindi ko alam kung anong nanyayare pero isa lang ang sigurado ko. Hindi sila tao!! Kuya, kung sakali man umuwi ka at di mo na ko maabutan aalagaan mo sarili mo ha? Salamat sa lahat lahat.. Ngayong gabi.. Ngayon.. Baka patayin ako ni mommy! Wala sya sa sarili nya. Hindi ko alam kung anong nangya--

*BLAG!*

P-puta. Ano iyon? May kumalabog sa bintana! Lalapit na sana ako para silipin iyon pero Biglang bumukas yung bintana ko! What the heck! Ni lock ko iyon!

Kinuha ko yung dagger na nilagay ko sa bulsa ko kanina. Meron ako nito dahil paranoid akong tao at mahilig ako sa actions. Tinaas ko yung dagger na parang handa na sa laban. Kahit na nanginginig pa ako

" S-Sino iyan?" Unti unti akong lumapit sa bintana at hinawi ang kurtina.

"Dette!!!" Biglang pumasok sa bintana si Kib at niyakap ako.

Nakahinga ako ng maluwag at di ko na mapigilang mapaiyak lalo na at nalaman kong buhay pa sya. Pero teka. Kailangan ko ng explanations! Anong meron, Anong nangyayare?

Humiwalay ako ng yakap sakanya at tinignan ang muka nya. Madami syang sugat. May natuyong dugo pa sya sa gilid ng ulo nya.

"Kib, anong nanyayare? Bakit, bakit ganun?"

"H-Hindi ko din alam. S-Si Chyna! Sinubukan nya akong patayin! Tangina! Papatayin ako ng girlfriend ko! Nagpaalam lang sya saglit sakin na may kukunin sa guard house. Pag balik nya iba na yung itsura nya a-at may dala syang baril. Sinubukan nya kong patayin pero n-naunahan ko sya. Tangina napatay ko sya!" Napaiyak sya at napahilamos yung kamay nya sa muka nya.

"Kib! Look at me! Hindi sila iyon. May mali dito. Merong mali! Tila sila possessed na Ewan. Pero isa lang ang alam ko. Gusto nila tayong patayin!"

"Andito ka lang pala anak...."

Nan laki ang mata ko habang naka tingin sa likod ni kib. Naramdaman nya naman yun at Napatingin din sya sa likod nya.

"Iho... Hindi ko pinapaligawan ang unica iha ko."

Dalawa silang naka pulang damit at nakangiti habang naka tingin samin ang luluwa na nilang mata. Hindi ko sila kayang tignan! Nakakatakot ang itsura nila!!!

"Dette.." Binulungan ako ni kib. Tumingin ako sakanya at sinenyas ko yung pinto na nasa likod namin di kalayuan.

"Anak. Pwede mo bang gawan ng pabor si mommy?" Nakangiting sabi nung mahinahon na nasa kaliwa.

Lumalapit sila unti unti kaya umaatras naman kami ni kib. Magkahawak ang kamay namin at nararamdaman kong nanginginig na yung kamay nya.

"Hindi ikaw ang mommy ko" ayan nalang yung sinabi ko at hinayaang tumulo yung luha ko. Gagang to! Sya daw nanay ko eh ang Pangit nya.

"Anak pwede bang mamatay ka na?" Sabi nya ng nakangiti at lumakad ng mabilis papunta samin tangina! Tumakbo agad kami ni kib at mabilis na binuksan ang mga lock ng pinto. Nabuksan naman namin ito kaagad at lumabas kami. Pagka labas na pagka labas namin sinarado agad namin ang pinto. Naramdaman naming pilit nila itong binubuksan.

"Anak! Tangina mo! Buksan mo to! Papatayin ko kayo!" Sigaw nung nasa loob.

Di na napigilan ni kib kaya hinampas nya yung pinto habang pilot pa din nya sinasara yung doorknob ng pintuan.

"Gago! Anong klaseng nanay ka!" Sigaw nya.

Nagkatitigan kami ni kib at tumaas ang kilay nya. Tumingin sya sa hagdan at parang na gets ko naman kung ano ang gusto nyang manyare.

"Bibilang ako ng tatlo dette."

"S-Sige" ayan nalang ang nasagot ko pero sa totoo lang natatakot ako! Baka madapa ako at maabutan ako nila mommy!

"Isa... Dalawa..." Nag umpisa na sya

"Teka!!! Before 3 ba o after 3?" Tanong ko sakanya. Inirapan nya lang ako

"Tatlo! Takboooooo!" Sigaw nya. Tumakbo naman agad kami pababa ng hagdan, putcha naman inunahan pa ko ni kib kaya medyo nagka yugyugan kami. Narinig ko naman yung hakbang ng mga paa na parang nakasunod sa amin.

"Anaaaaaak!" Sigaw nya gamit ang matinis na sigaw. Pareho kaming napatakip ni kib ng tenga.

"Gago yun ah. Sakit sa tenga putcha!" Sabi ni kib.

Dumiretso agad kami sa pintuan pagka baba namin ng hagdan. Hindi na kami lumingon pa dahil baka mag panic lang kami lalo.

"Shit! Naka lock!"

Nakarinig kami ng halakhak. Naka tayo silang dalawa at parehong nag apir pa at naka hawak sa tyan habang humahalaklak. "Anak, ang tanga mo! Tingin mo makakalabas ka dito ng di ka namamatay? Huh?" Sabi nya sabay tawa ulit at may binunot sa likod nya.

Isang kutsilyo!!!! Nakasaksak sa likod yung kutsilyo nya at binunot nya ng ganun ganun lang! What the fuck! Sino ba talaga sila? Ano ba sila?!

Naka tingin sya sa Mata ko ng deretso at parang ngumiti pa ng nakakaloko. "Tumakbo kana anak. Anjan na si mommy!" Sabi nya sabay takbo papunta sakin. Tila ako na pako sa kinatatayuan ko. Di ako makagalaw! Putcha naman!

Naramdaman ko na pumunta sa harapan ko si kib at hinarang ang sarili nya. "Bring it on bitches!" Sigaw nya at tinaas ang hawak nyang palakol. Teka. Saan nya nakuha yun?

"S-Saan galing yan?"

Tumingin lang sya sakin at kumindat. Umamba sya ng hampas at dineretso hampas sa ulo ni mommy na syang dahilan ng pagkapugot ng ulo nito. Tumalsik yung ulo nya sa dulo ng hagdanan sa paahan nung isa pang kamuka ni mommy. Naka tingin na sya sakin ngayon at tinignan ako na parang gusto nya akong kainin. Natatakot na ako!

Lumapit sya sa akin unti unti at tumigil lang sya nung nasa tapat na sya ng pintuan, kinuha nya yung susi sa bulsa nya at binuksan ang pinto.

Gulong gulo man kami sa nanyayare nakakapit pa din ako sa braso ni kib. Naka leather jacket sya at ang lambot ng jacket nya. Parang ang sarap madikit dito.

"Pagka bilang ko ng Lima dapat naka labas na kayo..." Sabi nung babae sa mahinhin na tono. Pinagmasdan ko ang muka nya at parang seryoso naman sya na papalabasin na nya kami. Pero bakit?

Di na ako nag aksaya ng oras at tinulak tulak ko na si kib palabas ng pintuan at bago pa ko makalagpas ng pintuan ay may humila ng buhok ko at sinabunutan ako! Wth!

"Akala ko papaalisin lang kita ng ganun ganun lang?"

Wrong move bitch! Nakalimutan mo yatang sanay ako sa action. Lumingon ako at siniko ko kaagad yung muka nya sabay tadyak sa tyan nya.

Napatilapon sya sa ginawa ko kaya sinamantala na namin ang pagkakataon kaya tumakbo na kami ni Kib paalis.

Takbo lang kami ng takbo sa kalsada hanggang sa guard house ng subdivision namin. Teka, parang may iba. May ibang ambiance sa lugar na ito. Walang katao tao at parang sobrang tahimik. Ganitong ganito yung napanuod ko sa walking dead! What the heck! Anong nanyayare sa mundo?!

IntrudersWhere stories live. Discover now