chapter 6

12.2K 442 242
                                    

A/N

Hi guys! Mabilis na 'tong one week dahil nakapag-update ako. Medyo busy talaga.

Shout out kay Raoul Baltazar Paoil! Hello dear! Eto na 'yung request mo, salamat sa support! Hehe.  

Anyway, sana ma-enjoy n'yo ang chapter na 'to dahil halo-halong emosyon ang meron dito.

----> si Randy po sa media.

----------

RANDY's POV

Nagising ang diwa ko dahil sa liwanag na nagmumula sa kung saan. Tumatama ang sinag nito sa aking mukha dahilan para mabulabog nito ang mahimbing na pagkakatulog ko.

"Punyeta!" maaga kong pagmumura at napabalikwas ako.

Agad akong nabahala dahil hindi ako nagising sa alarm ng cellphone ko.

Nang lingunin ko ang aking tabi ay wala na doon ang katabi kong natulog kagabi, si Rigo.

Mabilis akong kumilos para bumaba sa aking kama.

"Punyeta talaga. Iniwan na yata ako." mahina kong sambit habang tinutungo ang pinto palabas ng aking kwarto.

Ngunit nang nasa pinto na ako ng kwarto kong iyon ay narinig ko ang ilang mga pagkaluskos na nagmumula sa labas.

Huminto ako. Dahan-dahan ay binuksan ko ang pinto ng aking kwarto. Sinilip ko ang aking kusina at nakita kong abala si Rigo sa ginagawa nitong pagluluto.

Nakahinga ako ng maluwag dahil ang akala ko ay umalis na ito. Pero naisip ko rin, paano s'ya makakaalis kung wala ako? 'Di ba nga date daw namin dalawa ngayong araw na ito?

Sa halip na magtagal pa akong lalo ay minabuti ko na lamang na magpunta sa banyo para gawin ang morning routine ko.

Habang nagtu-toothbrush ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Maganda pa rin naman ako, kaso nga lang ay may lumitaw na eyebags sa akin ngayon dahil kinulang ako sa tulog kagabi.

Hindi ako excited.

Hindi ako excited sa date namin ni Rigo kaya alas tres na yata ako ng madaling-araw nakatulog kakaisip sa mangyayari sa date naming dalawa ngayon.

Inuulit ko, hindi ako excited.

Matapos kong maghilamos at magtoothbrush ay lumabas na ako ng kwarto.

"Bakit naman hindi mo ako ginising?" bungad kong reklamo sa kanya nang makarating ako ng kusina.

Nakatalikod ito sa akin habang abala sa paglalagay ng kanyang niluto sa plato.

Agad n'ya akong nilingon at nagbitaw ng matamis na ngiti nang magtagpo ang aming mga mata.

"Good morning!" masaya n'yang bati.

Hindi ko s'ya sinagot. Umupo na lamang ako sa silya habang nakabusangot ang aking mukha. Nakaramdam kasi ako ng inis dahil mukhang tapos na s'yang maligo at nakabihis na rin s'ya.

'Yung totoo? Mag-isa lang s'yang aalis? Ide-date n'ya ba ang sarili n'ya?

Inilapag n'ya muna ang mga inihanda n'yang pagkain sa mesa bago n'ya ako nilapitan at hinalikan sa noo.

"Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita inistorbo." nakangiti n'yang sagot sa akin at itinuloy ang paghahanda ng aming almusal.

"Pinatay mo ang alarm ko?" nakasimangot ko pa ring tanong. At para mas dramatic ang pag-iinarte ko, nag-cross arms pa ako.

NO STRINGS ATTACHEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora