chapter 11

8.3K 439 370
                                    

A/N

Medyo mabigat pa rin po itong mga susunod na tagpo. Pasensya na kung may mga hindi nagugustuhan ang madramang kwento. Pero ito po talaga ang uri ng kwentong isinusulat ko.

Para sa'yo 'to StephenDamasco !!! Cheer up na!! Kaya mo 'yan!! 😊😊

Paki-play din po ng paulit-ulit ang nasa media na song kung feel n'yo. 'Yan po ang theme song para sa chapter na ito. (Song title: Dance With My Father by Luther Vandross.)

----> si Randy po sa media.

----------

RANDY's POV

"Sigurado ka na ba dito?" pag-aalala ni Rigo.

Mahigpit n'yang hawak ang aking kamay habang nasa tapat kami ng isang pinto dito sa ospital.

"Hindi ka naman aalis 'di ba? Dito ka lang naman 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Sigurado akong kahit anong mangyari, hindi ako aalis dito. Ikaw lang ang inaalala ko." malungkot n'yang saad.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya. 

"Salamat, Rigz." wika ko at saglit na tumigil. "Pero ikaw na rin ang nagsabi, kailangan kong harapin ang takot ko. Kailangan kong balikan ang lahat para na rin sa ikatatahimik ko." dugtong ko pa rito.

Hindi s'ya nakapagsalita, nanatili ang pag-aalala sa kanya.

"Don't worry, Rigz. Gagawin ko ang makakaya ko para malampasan 'to. Basta dito ka lang ha?" paniniguro ko sa kanya.

Sa wakas ay nakita kong ngumiti s'ya.

"Oo naman, pangako." sambit n'ya lang.

Matapos iyon ay binitawan n'ya ang kamay ko. Inangat n'ya ang kanyang mga kamay at inilagay iyon sa magkabilang pisngi ko.

"Liam, ito na ang hinihintay mo. Lahat ng gusto mong sabihin, lahat ng gusto mong itanong, lahat ng gusto mong isumbat, sabihin mo sa kanilang lahat. Hindi kita pipigilan. Kung ito lang ang tanging paraan para makawala ka na ng tuluyan, susuportahan kita. Hindi ako aalis sa tabi mo. Kasama mo ako hanggang sa paglaya mo." mahaba n'yang saad habang diretsong nakatingin sa aking mga mata.

Tumango ako habang suot pa rin ang tipid na ngiti ko.

Matapos ang pagtugon kong iyon ay marahan na inilapit ni Rigo ang kanyang sarili at binigyan ako ng masuyong halik sa labi.

"Kaya mo 'yan, Liam. Nandito lang ako, hindi ako aalis kahit isang segundo." wika n'ya matapos ang masuyo n'yang halik.

"Salamat." tangi ko lang nasambit.

Muli akong humarap sa pinto. Hawak pa rin ni Rigo ang kamay ko at sa pagkakataong ito ay mas mahigpit na iyon.

Kahit ipinapakita kong kalmado ako sa mga oras na ito ay hindi ko maitatanggi sa aking sarili na nakakaramdam pa rin ako ng labis na takot. Mabilis ang tibok ng puso ko at nanginginig ang buong katawan ko. Alam kong ramdam din iyon ni Rigo dahil hawak n'ya ang kamay ko.

Ilang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko inangat ang isa kong kamay para pihitin ang doorknob.

Dahan-dahan ako sa pagtulak ng pintong iyon. Ilang beses din akong napalunok para mapanatili ang pinapakita kong pagiging kalmado.

Nang tuluyan kong mabuksan ang pintuang iyon ay bumungad sa akin ang dalawang babae na dati kong itinuturing na mga pinakamahalagang tao sa buhay ko. Nakaupo ito sa mahabang sofa na bubungad sa pinto kapag pumasok ka rito.

NO STRINGS ATTACHEDWhere stories live. Discover now