EPILOGUE

42.3K 1.2K 127
                                    




            "Elaina!"

            Napalingon siya sa tumawag sa kanya at napangiti ng makilalang si Olivia iyon na may bitbit na mga lobo.  Mabilis siyang lumapit dito at tinulungan sa mga dala.

            "Bakit hindi ka tumawag sa akin para natulungan kita," sagot niya dito.

            "Sus, wala naman ito.  Siyempre gusto ko bonggang – bongga ang first birthday ng mga inaanak ko 'no," sagot nito at isa – isang ini – arrange ang mga lobo sa paligid.

            "Kumpleto naman na halos lahat ang mga kailangan.  Nandiyan na rin ang host and magician.  Mga bisita na lang," natatawang sagot niya.

            "At ang tatay nila," umirap pa si Olivia ng sabihin iyon.

            Napatawa siya sa inakto nito at tumulong sa pag – aayos ng mga lobo.  Muntik na siyang mapatalon ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran at humalik sa kanyang pisngi.

            "Speaking of the devil," sabi pa ni Olivia.

            "Ikaw naman, lagi ka na lang galit sa akin," natatawang sabi ni Lorenzo at lalong niyakap ng mahigpit si Elaina. Alam naman niyang ito ang paraan ng pagbibiruan ng dalawang taong mahalaga sa buhay niya.

            "Paano kasi, mula ng pakasalan ka ni Elaina, nawalan na siya ng time sa akin.  Lagi na lang si Enzo.  Si Enzo.  Nakakainis ka na," at umirap pa ito ng parang bata.

            Pareho silang natawang mag – asawa.

            "Kung nagbo – boyfriend ka na kasi, 'di hindi mo na nami – miss ang maganda kong asawa," sagot pa nito at bumaling sa kanya.  "Where are the kids?"

            "With your mom.  I – check mo na nga.  Kanina pa nag – iiyakan ang mga anak mo dahil ilang beses ng papalit – palit ng damit.  Hindi malaman ng mommy mo kung anong isusuot ng mga bata," natatawang sagot niya.

            Napangiwi si Lorenzo.  "Oh my.  My poor babies," at mabilis itong pumasok sa bahay.

            Sinundan ng tingin ni Elaina ang asawa habang patakbo itong papasok sa loob ng bahay.  Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi.  She cannot believe that she will have her happy ending.

            "You know, I am really happy for you," narinig niyang sabi ni Olivia.

            "I still cannot believe that this is really happening.  Parang fairy tale.  I really have my own family," sagot niya.

            "I know, he really loves you and your kids.  Pero, hindi ka ba kinakabahan na madalas siyang wala?  I meant, sa mga races niya?  Saka, hindi ka ba nagseselos?  He is always surrounded with beautiful women," sabi pa nito.

            "I trust him.  I trust him that he will not tear our family apart," sabi niya.

            Nakita niyang hindi nakasagot si Olivia at parang nagugulat na nakatingin sa likod niya.  Taka siyang napalingon at bahagya pa siyang napaurong ng makilala kung sino ang naroon.

            Hindi siya makapaniwala na naroon si Esmeraldo Pacheco.  Pero kaiba sa una nilang pagkikita, bagsak na bagsak ang katawan nito.  Parang maysakit.

            "Elaina," sabi nito sa kanya.

            "A – anong ginagawa 'nyo dito?  Kung manggugulo lang kayo, umalis na kayo." Sabi niya at tinalikuran na lang ito.

            "Elaina, please talk to me.  Just give me five minutes." Pakiusap pa nito.

            "Mr. Pacheco, busy ho kami.  Birthday ng mga anak ko."

            "I just want to see my grandkids," basag na basag ang boses nito.  Parang halatang pinipigil ang pag – iyak.

            "Kausapin mo na ang tatay mo.  I'll leave you two alone," sabi ni Olivia at iniwan sila.

            Hindi niya alam kung anong gagawin niya.  Narito sa harapan niya ang taong kinasusuklaman niya ng sobra.  Pero kahit baligtarin man niya ang mundo, hindi maikakailang ito ang tatay niya.

            "I have stage three stomach cancer.  I will be leaving for US for an operation," at ngumiti ito ng mapakla.  "God knows what will happen.  And before I go, I just want to ask for your forgiveness.  For everything I have done to you and your mother," sabi pa nito.

            Tama ba ang naririnig niya?  Si Esmeraldo Pacheco nga ba itong nasa harap niya?  The high and mighty Pacheco is asking for forgiveness from her? 

            "I want to make things right, Elaina.  I hope it's not too late to be a father to you.  Matagal ko ng pinagsisihan ang mga nagawa ko.  You are the only family that I have," at tuluyan na itong napaiyak.

            Hindi niya maintindihan pero parang nawala lahat ang bigat sa dibdib niya at kahit na katiting na galit para sa taong ito ay nawala na.

            Marahan niyang kinuha ang kamay nito at nagmano.

            "Kahit anong nangyari, you are still my father.  Let's start over again.  If you will allow me to be your daughter," pigil na pigil ang pag – iyak niya.  Hindi niya maintindihan ang saya na nararamdaman niya.

            Doon na tuluyang napahagulgol ang matanda at mahigpit siyang niyakap.  Ganoon na rin siya.  Tuluyan na siyang napaiyak dahil kahit sa panaginip ay hindi niya inaasahan na mangyayari ito.

            "Patawarin mo ako.  Patawarin mo ako," paulit – ulit na sambit nito.

            "I already forgave you a long time ago," tanging sagot niya.

            Humiwalay ito sa kanya at mabilis na pinahid ang mga luha at napatawa.  "At least, I already have a reason to be alive after my operation."

            Noon niya nakita si Lorenzo na nakatayo hindi kalayuan sa kanila.  Bitbit nito ang mga anak nila at nakatingin lang sa kanya.  Tumango lang siya dito at lumapit na ito sa kanila.

            "Lorenzo," tanging sabi ng tatay niya.

            "Pacheco," seryosong sabi ng asawa niya.

            Napatawa lang ang matanda at napatingin sa mga bata.

            "Are these my grandkids?  Come here.  Come to grandpa."

            Kitang – kita ni Elaina ang kasiyahan sa mukha ng ama niya habang nilalaro nito ang mga anak niya.  Hindi na niya namalayan na tumutulo na ang luha niya.  Nagulat na lang siya ng pahirin iyon ng asawa.

            "What are those tears for?" malambing na tanong nito.

            Napangiti siya. 

            "Akala ko sa panaginip lang ito lahat.  God gave me you and our kids.  And this.  My father accepted me."

            Napatango – tango si Lorenzo habang nakatingin sa matanda na naglalaro kasama ang mga bata.

            "Pero alam mo, mayroon din akong dapat na ipagpasalamat kay Pacheco," sabi pa nito.

            Takang napatingin siya sa asawa.

            "Because without him, I will never meet you."

            Napangiti siya at mahigpit na yumakap dito.  Wala na siguro siyang mahihiling pa.  Lahat ng pinangarap niya na magkaroon ng sariling pamilya ay narito na.

            End -

CLOSER TO LOVEWhere stories live. Discover now