Kabanata Two

4.4K 155 8
                                    

"Kuya! Can I come with you?" Nagpapa-cute na tanong ni Michelle sa kuya nitong si Miguel. Napa-iling-iling sa Miguel bilang hindi pag-sang-ayon nito sa kapatid.

"Please kuya! First time kong makakapanuod ---"

"Don't be stubborn Michelle. You're still 17, you are not allowed to that kind of place." Pagbabawal ni Miguel pero inirapan lang siya ng kapatid nito.

"Kuya! I am already entering multiple clubs tapos hindi pa ako pwede doon? You're so OA! Come on kuya, isama mo na ako sa'yo. I'll behave I promise! Besides, hindi kita titigilan hanggang hindi mo ako ---"

"Okay fine Michelle! In 10 minutes, if you're still not done packing your things! I am going to ---" Hindi na nito natapos ang dapat sabihin sa kapatid dahil mas mabilis pa kay flush na tumakbo ito papasok sa kwarto niya. Napa-iling-iling si Miguel dahil sa kakulitan at kaartehan ng kapatid.

IHINAGIS ni Miguel ang dalang kulay itim na bag sa compartment ng kotse ng kapatid, tuwang-tuwa na lumabas si Michelle dala ang maliit na kulay pink na maleto nito. Pero nang makita nitong naka-sandal si Miguel sa kotse ng kapatid, nawala ang ngiti ni Michelle.

"Yung kotse ko?! Come'n kuya, lett's use your sports car! Para naman maranasan kong sumakay sa kotse mong yun." Signhal ni Michelle sa kapatid nito. Pero sinamaan lang siya nito ng tingin.

"Hop in. Pinadala ko na ang sports car ko, and just so you know, hindi ako nagpapasakay ng babae sa sports car ko." Inirapan nito ang kapatid tska sumakay sa kotse. Maarteng umirap si Michelle sa ere tska dali-daling sumakay sa kotse niya. Pinaandar na ni Miguel ang makina at lumisan. Nakakaramdam ng excitement si Michelle dahil ito ang pinaka-unang pagkakataon niya na makakasama sa paligsahan ng kapatid nito, car racing.

ALAS-OTSO na ng gabi at kapansin-pansin ang usap-usapan ng mga tao na mayroon daw ganap sa kabilang bayan. Huminto sa paglalakad si Maria, gayundin sina Isko at Manuel kasama ang barkada nito.

"Ano ang mayroon Isko?" Mahinhin na tanong ni Maria tska tingnan ang mga kababaihan na sobrang lakas ng hagikgik dahil sa kilig. Napa-kamot sa ulohan si Isko.

"Wala iyan Maria. Halika ihahatid ka na namin." Pilit ang ngiti ni Isko at nag-umpisa ng mag-lakad, tumango-tango na si Maria at sumunod na rin sa pag-lalakad. Pero biglaang may lumapit kina Maria, si Gerlyn.

"Pauwi kayo?! Ano ba naman, mag-uumpisa na ang car racing sa kabilang bayan! Dapat tayong manuod ano ba!" Kinikilig-kilig na saad nito habang tumatalon-talon pa at pumapalakpak.

"Ano ang mayroon binibini?" Napangiti si Gerlyn dahil sa pag-tawag sakanya ni Maria. Puno ng hinhin at marespeto talaga ang isang ito.

"Car racing Maria! Maraming pogi doon na makalaglag panty at mga magagarang sasakyan! Kyaaaah!" Tumitiling saad nito na kumikinang-kinang pa ang mga mata.

"Ohoy Gerlyn! Baka nakakalimutan mong si Maria ang kaharap mo." Singhal ng isang barkada ni Manuel kay Gerlyn, napa-kamot ito sa ulo at ngumuso.

"Hoy gerlyn huwag mong itulad sa Maria sayo ah! Umalis ka na nga!" Singhal ni Isko at iniangat ang kanang kamay para upakan na si Gerlyn pero agad itong humalik sa pisngi ni Maria at nagpaalam tska dali-daling tumakbo.

"Mukhang iyon nga ang pinag-uusapan nila." Nakangiting saad ni Maria. Hinarap nito sina Isko. "Tara at pumunta tayo sa kabilang bayan, gusto kong masaksihan ang kanilang pinag-uusapan."

"Maria. Hindi ka nababagay roon, ihahatid ka na namin." Sumbat ng isang kaibigan ni Manuel at nagsi-tanguhan sila.

"Dinadala ako ng kyuryosidad, gusto kong makapunta roon. Maaari ba?" Puno ng kyuryosidad na pagsusumamo ni Maria. Napa-irap si Isko sa ere, ang plano ay ihahatid nila si Maria sa bahay nito atska sila pupunta sa kabilang bayan upang makapanuod pero hindi nila inaakalang makakasama si Maria. Pero wala silang magagawa dahil wala namang kasama si Maria sa bahay nila dahil umalis ang ina nito at nag-tungo sa kabilang probinsya.

Modernong Maria ClaraWhere stories live. Discover now