[10.3] Date

179 11 7
                                    

etoooo na po:)

Enjoy reading !!!

~ Date part 3

*************************************
*************************************

[Dylan's POV]

" How's the preparations? "tanong ko sa kabilang linya...

" alright.  Good work " sabi ko at tinapos ang usapan.

Binalikan ko si Lola marga na nag eenjoy sa tanawin.

Si Clarrise nalang kasi ang hinihintay namin. Napagpasyahan naming pumunta sa tabing dagat. Alas tres na naman at saktong hindi mainit.

2days kami mag stay dito para narin ma relax si Clarrise at makapag bonding sila ng Lola nya. Alam kong sobrang ginugugol nya ang sarili sa trabaho at kasabay ng pag aaral nya.Kaya ito ang naisip ko kaya dinala ko sya dito sa resort. Sakto namang sabado ngayon.

Kung ako lang ang masusunod ay pinaalam ko na sa kanya ang nakaraan nya at kung anong meron sya pero dahil ipinangako ko kay Lola Marga na isekreto muna ay napapayag narin ako.

May part sakin na gustong sabihin sa kanya at meron ding part na pumipigil sakin dahil ayaw ko masaktan sya.

Naalala ko pa yung pag uusap namin ni Lola Marga ng puntahan ko ito.

[Flaskback]

" She suffered all this years Dylan. Tingin ko ay nakatulong din sa kanya ang pagkakaron ng amnesia, kahit masakit para sakin bilang lola nyang makita ito sa kalagayang yon ay wala akong magawa " napansin kong nangingilid na ang luha nito .

" Pero darating ang araw na hindi sya papatahimikin . At kapag nangyari yon, Baka masaktan nanaman ang apo ko " at don na ito umiyak.

lumapit ako kay lola marga at yinakap ito . Malapit din si lola marga sakin hindi lang dahil kay clarrise but I feel like having a grandmother also.

" Please iho, protect my grand daughter. Alam kong ikaw ang makakagawa non . I trust you "

" yes lola "

[END OF FLASHBACK]

Kung tatanungin nyo ako kung ano talaga ang nalalaman ko sa buong pagkatao at nakaraan ng mahal ko .... LAHAT LAHAT...

Kaya ganito nalang ako sa kanya.

Totoo ang pinapakita ko kay clarrise at sa pagkakataong ito...  hindi ko na hahayaan pang makalapit ang mga nagbabalak manakit sa kanya...

Gusto kong malaman nya ang totoo kong nararramdaman sa kanya.

At sisimulan ko na yon ngayon. Sana lang ay maging maganda ang resulta.

---------------------------------------------

" apo,  mukhang ang lalim ng iniisip mo ha? " -lola marga

" ah.  Wala naman po medyo kinakabahan lang para mamaya" alam ni lola na may surpresa ako para kay clarrise.

" yun lang ba? "

" o-opo" alangang sagot ko. Hindi totoong yun lang ang iniisip ko pero dahil nahalata narin ni lola marga ay nagpatuloy na akong magsalita "Natatakot lang po ako. Pano kung....  "

" maalala nya na ang lahat?  " pagpapatuloy nito.

Yun nga. Sobrang takot at pangamba ang bumabalot sakin ngayon.

Mission Failed = Love Success <3 [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon