[12] Kiss

145 12 10
                                    

A/N: sorryyyy kung natagalan mag UD. Ito po pambawi ko sa inyo...

hope u like it!!!

~ Kiss

*************************************
*************************************

[Dylan's POV]

Halos 20 mins na akong naghihintay dito. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ang kaba na nararamdaman ko.

Hoooo! breath in ... breath out ....

d*mn ... ganito ba ang feeling ng magtatapat? ngayon palang halos mamatay na ko sa kaba.

Sabi naman ni Lalaine. Wag daw ako mag alala. Dahil sure success naman daw. Ay ewan! Kaba layuan mo ko!pls....

Ako pa mismo ang bumili ng dress na isusuot nya ngayon. Simple lang ito at angkop sa personalidad ni Clarrise. Ewan ko nga  ba kung bakit dress ang napili ko nun. E alam ko namang hindi sya sanay magsuot ng ganun.

Never ko kasing nakitang mag dress si Clarrise except nung papunta namin dito. Kaya nga hindi ko maialis ang mga mata ko sa kanya nung oras na yon.

' iba na talaga ang tama ko kay Clarrise '

Dati akala ko hanggang pagkakaibigan lang ang turing ko sa kanya pero takte! narealize ko nalang bigla na mahal ko na pala sya.

Ewan ko kung kailan pa nagsimula basta nung mga panahon na may mga umaaligid na sa kanya at nanliligaw ay doon na ko nainis.

Minsan nga'y tinatakot ko ang mga manliligaw nito. Binabakuran na din madalas. Kaya nga binigyan ko sya ng endearment na 'babes' para iparating sa iba na akin sya . Akin lang si Clarrise. hahaha. Na issue pa nga na kami na daw nun.

Hala 7:45pm na pala. Ibig sabihin nakaka 30mins na kong naghihintay.

'baka naman mabagal lang mag ayos si lalaine'

pwede pero alam ko expert yun sa mga ganyang bagay e. Kaya madali lang yon.

' baka parating na ? '

oo . pwede din. may nautusan nanaman ako na susundo sa kanya.

' pero pano kung may nangyaring hindi maganda ? '

teka nga ! wag ka ngang mag isip ng ganyan dylan! Napaka OA mo naman.

Ang lapit lang ng bunggaloo house sa venue para magkaron ng problema.

Hoooo! relax lang Dylan!

Baka dala lang ng kaba kaya ganyan ka...

tama ! tama !

Matawagan na nga lang si Lalaine ng  hindi ako nag iisip ng kung ano ano.

*********calling Lalaine*************

" oh Dylan? napatawag ka. Musta ? Ganda ba ng pagkaka ayos ko sa love of your life mo? hahaha.  Wag makalimot mag blow out ha? hahaha "

" ha? e kaya nga ko napatawag kasi wala pa sya e "

" imposible Dylan. E kanina pa nga yon naka alis no. Sinundo na nga ng pinag utusan mo e "

" ganun ba baka parating na din salamat nalang lalaine " ibaba ko na sana

" teka nga Dylan . E, halos 20 mins na ng umalis yun dito e . Imposible namang parating palang? "

Sh*t nabalot  bigla ng kaba ang puso ko.

Sana mali itong nararamdaman ko.

"  Sh*t ! I'll call you back. Hahanapin ko na sya bago pa ko kainin ng kabang to "

Mission Failed = Love Success <3 [Slow Update]Where stories live. Discover now