Where are you?
Sinubukan naming balikan ni Luna ang mansyong pagmamay-ari ng pamilya ni Jade pagkatapos ma-kumpirma ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ngunit sa kasamaang palad, wala nang nakatira doon. Ang naabutan lang namin ay ang mga trabahador na abala sa paglilinis at pag-aayos ng bahay. Marami kaming itinanong pero ang tanging naisagot lang nila ay "Wala ho kaming alam."So Luna and I decided to go home. Sabi ko sa kanya baka makakuha ako ng impormasyon kay tita kasi nagtatrabaho pa rin siya kay Misis Henares. Pero bigo pa rin ako.
Sabi niya nangibang bansa na ang mag-asawa kasama ang anak. Hindi pa na-meet ni tita ang anak nito and she have no idea that the heiress and I had this connection with each other na mas napatindi pa dahil nagbunga na nga ang lahat.
Yes I love Jade. Aminado ako, I still love her. Pero hindi na nga lang katulad ng dati bago ko malaman ang totoo. It's really hard to define the love I have for her now. Pero susubukan ko, kahit mahirap, kahit imposible, susubukan kong baguhin ang pagkatao niya. I already accepted Jade of who she truly is, and I hope it will somehow help me to make things go easier.
I have made different characters inside my head.
From Brigid Avalon Rees – An Innocent little Girl, Belle Gilligan – The Sunshine Killer. And now, she's Jade Olivia Henares – still unknown.
This is your fresh start Jade. – I said, determined.
I will help you create your own character in a way that no one will be harmed.
I swear, not again.
Hindi ko alam kung anong umudyok sa akin para gawin 'to pero sigurado na ako sa desisyon ko. Gusto ko siyang makausap at sana ay mapagkasunduan namin ang mga bagay-bagay na kailangang pagtuunan ng pansin.
One month has passed again and I still don't know where she is. Sinubukan kong humingi ng tulong kay Rafael sa pamamagitan ng pag-contact sa kanya through facebook pero sabi niya sakin ay pinutol na niya ang lahat ng koneksyon kay Jade simula nung pagkikita-kita namin.
Pagkatapos ng graduation ng kaibigan kong si Luna ay doon na ulit ako tumira sa bahay-panuluyan na pinapa-rentahan ng pamilya niya. Kung dati ay lima kaming pilit na pinagkakasya sa isang silid, ngayon ay naiwan akong mag-isa. That's when I realized how huge the room is. Malaking espasyo para sa iisang tao.
Nakakapanibago, yung sobrang saya niyo dati at halos mabulabog ang ibang boarders dahil sa ingay namin, yung sama-sama kaming namamalengke at tulung-tulong sa paghahanda ng makakain tatlong beses sa isang araw. I thought it will be my daily routine for as long as I'm here. But change is really inevitable.
Luna went home to her parents in Davao before working as an intern in Aedas – an AR firm. Sally already gave up her dream of becoming an architect and decided to manage her family's coffee shop in Ramontes. Sina Paul at Abby naman ay nabalitaan kong magpapakasal na sa susunod na buwan. They invited me, and so as Luna and Sally. Hindi ko lang alam kung pupunta sila. Sana lang magkaayos na para bumalik ang lahat sa dati.
And as for me, well, I'm still looking for the woman who, as of the moment, is carrying my own gene. Ngayong nagsimula ulit akong mag-aral ay mas naging mahirap sa akin ang lahat. Kailangan kong bumawi para hindi ulit ako magkaroon ng palpak na marka. At kalahati ng oras ko ay ang paghahanap pa rin sa kanya.
Hindi ko maintindihan kung bakit niya ginagawa ito. Siguro nga para pahirapan ako, para ipamukha sa akin na hanggang ngayon ay siya pa rin ang mahal ko at kailangang ako naman ang maghabol.

YOU ARE READING
The Welsh Maiden
Romance"Everything I want will come to me at the perfect time. She's mine to keep. Only MINE." WARNING: This book explores themes about obsession, death, childhood trauma, depictions of violence, explicit sexual content, and other possible triggers. Reader...