Ten

37.6K 805 12
                                    

Chapter 10
Article

**

It's been two days since Hero and I talked. After that, nag-text na siya sa akin ng isang beses. Nasabi na pala niya kina Sir Kevin na nililigawan niya ako. Ang sabi pa nga niya ay nagulat daw sila nang malaman iyon. Sinabi na lang niya na nagkagusto raw siya sa akin pagkatapos ng date namin.

Ibinalita niya rin sa akin na pumayag na raw ang management na huwag nang gamitin si Chelsea para lang lumago pa ang career niya. Pumayag na rin daw sila na isama siya sa concert tour ng Famoso bilang special guest.

Masaya naman ako para sa kanya. I know that he's happy, too. Alam kong dito na magsisimula ang pagtupad niya ng pangarap niya na makapag-perform worldwide.

Nandito ako sa coffee shop ngayon para magtrabaho. Break time namin ngayon ni Aries. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch namin sa employees lounge sa likod ng coffee shop nang bigla na lang napahampas sa mesa si Aries. Gulat na gulat akong napatingin sa kanya. Mabuti na lang at kami pa lang ang naglu-lunch ngayon kaya walang ibang tao rito maliban sa amin.

"Anong problema mo?" nakakunot-noong tanong ko.

Nakahawak na naman siya sa cellphone niya habang ngumunguya. Nanlalaki pa ang mata niya habang nakatingin sa akin. Binigyan ko siya ng tubig nang ma-realize ko na hindi niya magawang makapagsalita dahil sa kinakain niya. Kinuha naman niya iyon at agad na ininom.

Pagkatapos niyang uminom ay ibinagsak niya ang tumbler ko sa mesa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy! Grabe ka! Masira naman iyang tumbler ko," inis na sabi ko bago ko kinuha ang tumbler ko para i-check. "Ano ba kasing problema mo?"

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na nililigawan ka pala ni Hero?" pabulong pero mariin niyang tanong.

Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman iyon? Saka hindi naman ako totoong nililigawan ni Hero. Pero paano niya nalaman iyon?!

Sa pagkakaalam ko, kami lang ni Hero ang nakakaalam no'n. Kung may iba mang makakaalam, ang sabi ni Hero, si Sir Kevin, Ate Leona at Sir Lucas lang ang makakaalam. O siguro pati ibang dapat makaalam sa agency nila. Ipinangako rin sa akin ni Hero na hinding-hindi iyon malalaman ng fans o ng mga tao dahil hindi naman talaga totoong nililigawan niya ako. It's just for show to prevent his agency to use Chelsea for his career!

But what if GAE revealed it without Hero's permission?

"Saan mo nalaman iyan?" kinakabahan kong tanong.

Imbes na sumagot ay ipinakita niya sa akin ang cellphone niya. Maraming article ang nakasulat doon pero ang dalawang nasa top 2 spots ang nakakuha sa atensyon ko. It's about Hero.

The #2 article says, RUMOR: Is Hero Valiente dating? while the #1 article says, CONFIRMED: Hero Valiente is courting a girl. I clicked the #2 article first and read it.

Last night, a rumor started spreading around Facebook about the famous singer in the country today, Hero Valiente. The rumor started when an alleged picture started circulating online. The picture shows Hero with a girl in front of a house. The picture clearly shows Hero's smiling face while only the girl's back was revealed. See picture below:

Tiningnan ko ang picture na sinasabi at nanlaki ang mata ko nang makita ang picture. Medyo madilim sa paligid dahil gabi na pero malinaw na malinaw ang kuha. Ako nga ang babaeng nasa picture pero nakatalikod ako kaya tanging si Hero lang ang nakita. Pilit kong inalala kung kailan ito at doon ko na-realize na ito 'yong araw kung kailan hiningi ni Hero ang tulong ko. It was just two days ago!

Fuck! Sino ang kumuha nito? A stalker? Baka stalker ni Hero na sinundan siya hanggang sa bahay namin? Or paparazzi? Oh my gosh!

Napalunok ako. Binasa ko pa ang katuloy ng article.

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Where stories live. Discover now