Twenty

32.6K 912 37
                                    

Chapter 20
Choose

**

Nang sumunod na araw ay wala kaming ibang ginawa kundi ang mag-swimming at mag-picture taking. Talagang sinulit namin ang buong araw dahil sa susunod na araw ay uuwi na kami.

Kasalukuyan akong nakaupo sa sun lounger at nagpo-post sa Instagram. Tumingin ako sa kanila nang matapos ako. Si Saff ay hawak si baby Sofia dahil mukhang kagigising lang nito. Si Joseff ay nagtitimpla ng gatas. Si Eunice at Niel ay nag-aayos ng mga pagkain sa mesa para sa tanghalian namin. Sina Andrea at Zoey ay kasama sina Jasper at Natalie para tulungan si Hero sa ginagawa nitong sand castle.

Nagpasya akong lumapit sa kanila para panoorin ang ginagawa ni Hero. Natawa ako nang makitang hindi niya matapos-tapos ang ginagawa niya dahil sinisira iyon ni Jasper. Nilingon niya ako nang tumabi ako sa kanya.

"Hindi mo talaga matatapos iyan kasi nandiyan sina Jasper at Natalie," sabi ko.

"It's okay. Diyan sila masaya, eh," natatawa niyang sabi.

"Kids, kakain na! Hero, Bree, kumain na muna tayo!" tawag ni Eunice sa amin. Nauna nang pumunta roon sina Zoey at Andrea. Tumayo naman kami at binuhat ko na si Natalie. Binuhat naman ni Hero si Jasper.

Nang makalapit kami sa kanila ay napakunot-noo ako nang makita ang nanunuksong ngiti ni Saff. Ano na naman kaya ang nasa isip ng babaeng ito?

"Alam niyo, mukha kayong one happy family. Kailan mo ba balak sagutin si Hero, Bree?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Iyan din nga ang tanong ko, eh," sagot ni Hero habang iniaabot si Jasper kay Joseff. Ibinigay ko na rin si Natalie kay Eunice.

"Kami na naman ang nakita mo. Kung ano-ano na naman ang pinagsasasabi mo diyan, Saff," saway ko sa kanya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Hero sa tabi ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "Ikaw rin. Hindi kita sagutin diyan, eh."

Bigla naman siyang huminto sa pagtawa at tumikhim. Napangisi ako. Umupo na ako at umupo naman siya sa tabi ko.

"Ewan ko, ha? Pero hula ko, hindi mababasted si Kuya Hero," sabi ni Andrea habang kumakain. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Napakunot-noo naman ako.

"What do you mean, Andrea?" Eunice asked.

She shrugged. "Hula ko lang naman. 'Di ba ang dami nang nanligaw kay Ate pero hindi naman nagtatagal kasi binabasted niya agad? Pinakamatagal na nga ang limang araw, eh. Pero tingnan niyo naman, mahigit isang linggo nang nanliligaw si Kuya Hero. What do you think that means?"

Napapalakpak si Saff. "Oo nga, 'no? Wala ka na palang dapat ikabahala, Hero."

Mabilis naman akong umiling sa sinabi nila.

"Hindi rin! Iba naman kasi 'yong mga manliligaw ko noon kaysa kay Hero. Araw-araw kaya nila akong pinupuntahan sa bahay at kinukulit. Si Hero, paminsan-minsan lang naman kami nagkikita. Saka hindi naman iyon ang basehan ko, eh. Wala sa tagal ng panliligaw iyan. Nasa nararamdaman ko pa rin iyon," mahaba kong sabi.

Natahimik silang lahat sa sinabi ko. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Hero sa gilid ko.

"There's no need to rush. Kaya ko namang maghintay. Let's just let Bree decide if she's going to say yes or not. Kung sakali mang mabasted nga ako, tatanggapin ko. I will respect her decision," nakangiti niyang sabi bago bumaling sa akin.

Hindi na nila in-open pa ang topic na iyon pagkatapos no'n. Nagpatuloy na lang kami sa pagkain at pagkatapos ay ako na ang nagprisintang maghugas ng pinagkainan namin. Nagulat pa ako nang pati si Hero ay nagprisinta para tulungan ako.

Dating My Sister's Idol (The Neighbors Series #3)Where stories live. Discover now