Scene 6

21.5K 52 2
                                    

Scene 6: Ang Digmaan

Laura: Diyos na mahabagin, huwag mo pong itulot na mapahamak si Florante. Patnubayan niyo po siya ng iyong mapagpalang kamay.

Narrator: Kinabukasan, ang hukbong patungo sa Krotona ay handang-handa na.

Narrator: Ang mga kawal at si Florante kasama si Menandro ay tumungo na sa Krotona.

Florante: Iyan ang Krotona Menandro, kailangang magsipaghanda na tayo.

Menandro: Gawin nating bigla ang pagsalkay upang malito ang mga kalaban.

Narrator: At gaya ng kanilang plano. Tila limbas na nagsisilakay sina Florante at Menandro.

Florante: Sugod mga Kasama!

Narrator: Sa marahas na pagdaluhong nina Florante. Ang mga moro ay nagulo at hindi matutuhan ang gagawin. Nakipaglaban ang lahat hanggang magtapat sina Florante at Osmalik.

Mga kawal: *nag-aaway*

Heneral Osmalik: Kung ako ang hinahanap mo, magpakatatag ka na, mayabang na Heneral.

Florante: Ikaw pala ang sinasabi Osmalik, masusubukan ko ngayon ang tapang mo!

Mga kawal : *fighting in the background*

Florante: Ito ang nababagay sa iyo! Ito na ang wakas mo, Osmalik!

Menandro: Nagsitakas ang iba, nagtagumpay tayo, Florante! Isang kilabot na girero Florante, nagapi mo ang bantog na Heneral ng mga Moro.

Florante: Ikaw naman Menandro, kahanga-hanga ang iyong tapang tayo na sa Palasyo.

Mga kawal: Mabuhay! Mabuhay ang tagapagligtas!

FLORANTE AT LAURA SCRIPTWhere stories live. Discover now