Scene 7

20.3K 46 3
                                    

Scene 7:

Narrator: Iniisip ni Florante ang kanyang minamahal na si Laura. Bumalik sila agad sa palasyo ngunit may roon napansin si Florante.

Florante: Menandro, hindi ba ako namamalik mata lamang? Tingnan mo. Ang watawat ng Moro ay nasa itaas ng palasyo ng Albanya.

Menandro: Nasasakop ngayon ng moro ang Albanya! Pinasok nila habang tayo'y nasa Krotona!

Kwala: Tila may kasama silang babae, Heneral!

Florante: Hindi ko gaanong maaniga...Diyos ko...si...Laura, siya nga.

Menandro: Si Laura nga, Florante!

Florante: Mamamatay kayong lahat sa ginawa niyo!

*insert fighting in the background*

Florante: Laura, aking Laura! Ano ang nangyari?

Laura: Florante, salamat at ako'y nailigtas niyo sa tiyak na kamatayan! Ang buong kaharian ay nasa kamay ng mga Moro! Ang aking ama at si Duke Briseo ay kasalukuyang nakakulong.

Florante: Wag kang mag alala, ngayon din ay sasalakayin namin ang palasyo! Mga kawal, mga kaibigan tayo'y maghanda. Tayo'y lulusob ngayon sa palasyo upang gupuin ang mga Moro. Lumusob na tayo.

*insert fighting scene again*

Narrator: Walang lakas at katapangan ang nakahadlang sa kanila. Ang mga kaaway ay parang dinaanan ng salot. Kabi kabila ang mga bangkay na Moro. At pag katapos rin nu'y agad agad nilang pinasok ang palasyo upang ilabas sa piitan ang hari at ama.

Florante: Ama! Haring Linceo! Nasaktan po ba kayo?

Duke Briseo: Florante, anak ko! Maayos naman kami ng hari!

Hari Linceo: salamat at inabot nyo kamingbuhay! Hindi ako nagkamaling hirangin kang Heneral ng aking Hukbo. Ikaw nga mandirigma na dumalaw sa aking panaginip.

Narrator: Subalit may isang hindi natutuwa - si Adolfo...

Adolfo: Talagang sa kanya na humaling ang hangal na hari. Kung mayroon mang anay na sumisira ng kahoy. Ako ang anay na yaon na sisira sa inyong lahat.

Narrator: Ang tagumpay ni Florante ay sinundan pa ng lalong marami at malaking kapanalunan. Labing pitong kaharian ang gumalang at sumuko sa kanyang katapangan. Ilang buwan ang lumipas, muling sinalakay ang Albanya, pumasok ang mga Turko sa pamumuno ni Heneral Miramolin. At sa kahuli hulihan ay nanalo uli sila laban sa mga Mapanakop na nilalang. Nasa kaharian ng Etolya sina Florante pagkatapos ng laban ng may dumaring na liham galing kay Linceo.

FLORANTE AT LAURA SCRIPTΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα