Chapter 2: Something's Changed

3.1K 91 0
                                    


IT'S BEEN a year since EJ met Phoenix and it'll be such an understatement to say that he changed her life. Mula noong naging Executive Assistant siya nito ay parang biglang nawala yung bigat sa balikat niya. Every single responsibility that she had with her siblings were covered, yung tuition, yung allowance, yung pagkain, everything. Phoenix, for EJ, is her saviour. Hindi pa din niya natutupad yung pangarap niyang maging chef pero she's enjoying everything she has right now.

Nakatira na sila sa Manila kung saan malapit lang ang school ni Anthony habang si Gabie naman ay inilipat niya para mas mapalapit na din sa Manila. Phoenix even helped with everything. Her siblings treat Phoenix as their kuya, noong una nga ay sir pa din ang tawag ng mga ito kay Phoenix pero he said na kuya na lang para nakakabata.

"Ate! Ang aga mo ata diba mamaya ka pa lala--" hindi na natapos ni Gabie ang sasabihin kasi napatitig na ito sa sumunod sa kanya. Pasaway naman kasi itong si Phoenix, sabi na niya na sa kotse na lang kasi maliit lang ang inuupahan nilang bahay.

"Hi! Kapatid ka ni EJ?" Napatango na lang si Gabie na parang namatanda na sa pagkakatitig sa lalaki. She couldn't blame her sister though. Gwapo naman nga kasi ito at lagi pang nakangiti kaya parang mas nakakagwapo.

"Bago kong boss, Phoenix." Pakilala niya dito.

"Good afternoon po sir," ngumiti ito bago hinanap ang kuya niya. "Kuya! May bisita. Halika!"

"Gabie, ano bang sinisigaw mo diyan?" Mabilis itong pumasok mula sa likod bahay nila.

"Bagong boss ni ate oh!" Walang kalagyan ng saya ang hitsura ni Gabie. Si Tony naman ay tumingin lang kay EJ bago kay Phoenix.

"Mga kapatid ko, si Gabie at si Tony," sabi niya kay Phoenix. "Tony, Gabie, bago kong boss si Phoenix. Kinuha niya akong executive assistant, siya ang may-ari nung restaurant na pinagtatrabahuhan ko."

"Good afternoon po sir, pasensya na kayo maliit lang tong bahay namin. May gusto ho ba kayo?" Tanong ni Tony dito. Parehas naman kasing mabait ang mga ito at masisipag kaya kahit na hirap si EJ ay hindi siya napapagod na palakihin ang mga ito.

"Wala naman, may ididiscuss lang naman ako sa ate niyo at sa niyo." Ngumiti ito, "and I hope you don't mind, tawagin niyo na lang akong Kuya. Hindi ko naman kayo empleyado eh, nakakatanda kasi yung sir."

Halos sabay-sabay silang nagtawanan dahil sa sinabi ng lalaki. EJ can't deny na he looked cute while he laughed along with them. He's becoming more and more of a real person kasi sobrang down to earth lang nito kahit ma mayaman. Ang what he discussed with them started to shift everything, magbabago ang lahat.

Nagmamaneho siya ngayon papunta sa corporate office ng Guzmano Food Manufacturing. Bigla kasing pumasok si Phoenix ngayon kaya kailangan andun na din siya. Mabait naman na boss si Phoenix pero minsan unpredictable. Wala sa schedule nito ngayon ang pagpunta sa office kasi nakabakasyon ito. Si EJ ang nagiging in charge kapag wala ito kaya siya ang nakikipag-meet sa ibang mga kliyente. She came from a meeting in Alabang at papunta sana siya sa Manila para umattend ng isang event ni Gabie pero dahil nabalitaan niya mula sa office secretary na pumasok si Phoenix nabago ang plano at ito na lang ang pupuntahan niya. Maiintindihan naman yun ni Gabie.

"Oh, bakit pumasok ka?" Tanong niya kay Phoenix noong pumasok siya sa office nito.

"Wala lang, bored na ako sa Pangasinan. Hindi kita makulit kapag andun ako eh. " sabi nito. Mula kasi noong naging assistant siya nito ay naging super kulit na nito. He calls her when he's bored, when he's hungry, or just when he feels like it. Minsan nga ay bigla na lang ito susulpot sa doorstep nila with food that he cooked kasi nakakalungkot daw kumain ng mag-isa kaya sasabay na lang daw ito sa kanilang magkakapatid.

Appetite for Love | ✅Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora