Chapter 3: Complications

2.7K 85 0
                                    


"ATE, MAY flowers ka uli sa baba." Narinig ni EJ na sabi ng kapatid niya noong kumatok ito sa kanyang kwarto.

She can't help but smile kasi alam na niya kung kanino iyon galing. She's been receiving bouquets of flowers for over two months now. Para ng garden ang buong bahay nila. Phoenix sends them everytime he's out of the country or can't see her in the office. He's been seeing her a lot, calling her and texting to see how she's doing.

"Ate, para na tayong may garden dito sa bahay. Hindi pa ba kayo ni Kuya?" Tanong ni Tony sa kanya noong bumaba siya para kumain.

"Hindi naman nanliligaw yun." She said. Kahit naman kasi sobrang sweet na nito ay hindi parin ito nagsasabi sa kanya. Alangan namang sagutin niya ang lalaki eh hindi naman nagtatanong sa kanya.

"Hala sya! Ate, andami nang bulaklak oh. Ano ka santo? Inaalayan ka lang ni Kuya ng bulaklak." Sabi naman ni Gabie na naghahain sa lamesa.

"Umayos ka nga Gabie. Hindi niya ako tinatanong. Ayaw ko mag-assume." Umupo na siya at naglagay ng pagkain sa plato. "Okay na ba yung niluto ko? Dalawang lalagyan yun kasi nag-favor si Phoenix sa akin na may dalhan akong friend niya na may sakit."

Everyday naman ay nagdadala siya ng pagkain na good for Phoenix and her. Matagal na kasi nito sinasabi na gusto nito ang luto niya kaya kahit sa ganoong simpleng bagay ay inaalagaan niya ito.

"Free ka na ate na mag-assume. As if naman papadalhan ka ni Kuya ng ganito kadaming bulaklak kung hindi ka niya gusto." Nakangiting sabi ni Gabie. "Tapos lagi mo pa siyang pinagluluto."

"Lunch lang yun, ginagawa ko naman na yun dati pa!" Medyo naging defensive siya dun kaya parehas natawa ang mga kapatid niya.

"Uy, defensive si ate."

"Tumigil ka Tony, bilisan mong kumain kasi aalis na ako. Sasabay ka diba?" Sabi niya dito pra matigil na lang sa pang-aasar sa kanya.

Looking at it, tama naman ang mga kapatid niya. She could freely and fully assume kasi lantaran naman si Phoenix sa ginagawa nitong pagsuyo sa kanya. She would say 'yes' in a heartbeat pero hindi naman ito nagtatanong. Nagsimula lang naman lahat to mula noong hinalikan siya ng lalaki. Noong una akala niya pinagtitripan lang siya nito pero hanggang sa naging tuloy-tuloy na.

"Good morning Rapunzel!" Bati sa kanya ni Sandy noong papasok siya ng opisina.

"Ano nanaman yun Sandy?" She smiled. Madalas na kasi uli siya inaasar nito kasi ng alantaran naman si Phoenix sa mga ginagawa nito. Kahit nga madaming tao ay nakaakbay o kahawak ito sa kanya.

"Wala lang, baka kasi maapakan ko yung buhok mo sa haba." Tumawa pa ito bago may hinalungkat sa drawer. "Nga pala, sabi ni Sir Phoenix di siya makakapasok ngayon. Baka daw hindi mo mabas ang text niya. He'll just see you later daw."

"Ah, ganun ba?" She felt a little bit disappointed kasi may dala siyang ulam para dito. Di bale, she'll just deliver the food dun sa kaibigan nito. Since wala si Phoenix at wala siyang kahit na anong meeting ay ayus lang naman na puntahan niya muna yung kaibigan ni Phoenix.

Pangalawang beses na niyang napuntahan ang condo ng kaibigan ni Phoenix pero noong una ay iniwanan lang naman niya iyon sa information desk kasi nagmamadali siyanh umalis. Sinabi niya na lang kay Phoenix kaya yung kaibigan na lang nito nag bumaba para kuhain iyon.

Appetite for Love | ✅Where stories live. Discover now