ESPIRITO NG HANGIN

378 9 0
                                    

HAUNTER FILES
Espirito ng Hangin
by Rg Joseff Sibugon

Isang malamig na simoy ng hangin ang hindi nagpatulog sa akin ngayong gabi sapagkat ang katawan ko ay giniginaw. Ang mga kumot at sweater jacket kasi ay nilabhan kaninang umaga para bumango ulit sabi ni mama.

Dahil sa sobrang lamig, napagpasyahan kong lumabas sa kwarto at tumungo sa kusina para magluto ng noodles at makapagtimpla ng kape.

Habang ako ay nagluluto ng noodles at nagpapakulo ng tubig, biglang may kumatok.

"Sino yan?" maikling tanong ko at tumingin ako sa orasan. Alas diyes ng gabi.

Kaya naisip ko si mama dahil siya lamang ang umuwi ng ganitong oras.

Napagdesisyunan ko nang buksang ang pinto ng bahagya lang. Yung tipong mailalabas mo yung ulo mo para dumungaw. Pero wala namang tao bagkus tila itinulak ako ng malakas na hangin papasok ng bahay at muli nanaman akong gininaw.

Sinara ko na lang ang pinto at muling bumalik sa kusina. Naabutan ko ang niluluto ko na kumukulo na at agad ko itong hinain para makain na.

"Tanya! isara mo nga iyong mga bintana at umakyat ka na!" wika ni Tita Lilith na nasa loob ng banyo.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay nilantakan ko na lamang ang noodles at paunti unting hinigop ang kape.

Nang matapos kung maubos ang nondles ay tumungo ako sa banyo para umihi.

"Tita? antagal niyo naman! pa ihi po!" sabi ko pero walang sumasagot.

Kaya binuksan ko na lang at nagulat ako dahil wala naman tao. Baka kasi ko na napansin dahil kumakain ako at umihi na lang ako.

Umakyat na ako pagkatapos at humiga. Tumitig ako sa kisami at pinatay yung lampshade na nakapatong sa ibabaw ng cabinet na nakatabi at sintaas ng kama ko.

May kung anong nahagip ang mata ko kaya binuksan ko ulit ang lampshade.

Magtatalukbong na sana ako ng kumot ng makita ko ang nilalang na purong puti ang mata, walang bibig at gutay nitong damit.

Sa takot ko ay binato ko siya nang unan pero tumatagos lamang ito sa kanya.

Sa isang kisap mata, magkatapat na ang mukha namen at agad niya ako sinakal.

Humagikgik siya pero wala naman bibig. Sa pakakataon na ito sinubukan kong sumigaw subalit binalibag niya ako at bumungo ang katawan ko sa sahig.

Muli ko nakita ang mukha niya pero nawalan na ako ng malay.

Pagkagising ko nasa kama na ako ako at walang salawal pangibaiba.

Wala akong maalala at kumuha na lang ako sa cabinet ng salawal at nang isinara ko iyon, muli kong nakita ang nilalang mula sa salamin ng cabinet at naalala ko lahat ng nangyari kagabi.

Tahimik na nakatingin sa akin dahilan para sumigaw na ako ng napakalakas.

End.

Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)Where stories live. Discover now