HIKBI

98 7 0
                                    

UHS HAUNTER FILES

"HIKBI"

By.Mister_Antipatiko

Tuwing sasapit ang hatinggabi ay palagi na lamang akong nagigising, may bahid ng luha sa aking mga mata, pagod na pagod, habol ang paghinga, at balisa.

Ilang araw pa ang lumipas na ganito pa rin ang aking sitwasyon halos hindi na ako makatulog, ilang araw na rin akong hindi nakakapasok sa eskwelahan at alalang-alala na ang aking ina sa biglaan kong pangangayayat dahil halos hindi na ako ginagahan kumain.

Isang gabi nagpaalam sa akin ang aking ina na pupunta sa bahay ng aking ninang dahil huling lamay na nang anak nitong si jamaica. Hindi ako kumibo o sumagot man lang pumasok ako sa aking silid at doon nahiga, hindi ko namalayan na nakatulog na ako, nagising lamang ako nang maulinigan ko ang isang paghikbi, hinanap ko ito sa kabuuan ng aking silid pero wala akong nakita!, sinubukan kong tumayo pero gaya nang dati ay hindi ko na naman maigalaw ang aking katawan.

Patuloy pa rin ang paghikbi at tila ito ay palapit na nang palapit, ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata at umusal ng panalangin.

Nahinto ang paghikbi, pinakiramdaman ko ang aking paligid nang hindi ko na maramdaman ang kanyang presensya ay unti-unti kong iminulat ang aking mata, ramdam ko ang pag-uunahan ng aking luha mula sa aking mata pababa sa aking pisngi at ako'y nagsalita.

"Patawarin mo ako jamaica! Patawarin mo ako!"bulong ko sa sarili na humihikbi.

"Walang kapatawaran ang iyong ginawa!, madumi ka! Pagkatapos kitang pagkatiwalaan ay walang awa mo akong ginahasa at pinatay"Galit na sambit nito na nakaibabaw sa kanya.

"Nakikiusap ako! Handa akong magbayad sa kasalanan ko--"

"Pwes! Mamatay ka!"anito at ipinasok sa kanyang ulo ang garbage bag gaya nang kanyang ginawa kay jamaica.

Nagpupumiglas ang binata habang kinakapos ang paghinga, ilang sandali pa ay hindi na ito gumalaw pa, nawalan na ito nang lakas para makawala, at unti-unti na rin nawala ang paghikbi nito at pagmamakawa-- dahil gaya nang dalaga siya ay patay na.

WAKAS

Haunter Files (Flash Fiction Horror Stories)Where stories live. Discover now