PAGBABAKASAKALI

870 17 0
                                    

Nakatingin sa langit

Nakikinig sa mga awit

Nagbabakasakaling

Maalala mo ulit

*

Maalala ang lahat

Ang iyong pagtatapat

Ang pangarap nating dalawa

Hanggang pangarap nalang pala

*

Mahal, natatandaan mo pa ba ang mga panahaon na magkausap tayo?

Tayong dalawa lang, walang pakialam sa mundo

*

Naaalala kita tuwing pumapatak ang ulan

Nagkaroon tayo ng kasunduan

Sa panahon na dumaan

Ikaw lang ang nasa isipan

*

Pero mahal, sabi nila walang bagay ang nagtatagal sa mundo

Hindi ko inintindi ang sinabi nila basta ang alam ko masaya ako sa'yo

Pero kung walang tayo, walang tayo

*

Mahal, natatandaan mo pa nung sinabi mong magtutulungan tayo?

Positibo man o negatibo

Basta nandito tayo para sa isa't isa

Pero ngayon, ako nalang mag-isa

*

Napapangiti, naluluha, nasasaktan

Inaalala ang mga nakaraan

Pero mahal, nandito pa rin ako

Kahit ikaw mismo, wala sa tabi ko

Unsaid FeelingsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora