Nalalasing ako
Naliliyo ako
Sa tuwing nakakatikim ng alak
Kamay mo ang gusto laging hawak
Tumabi ka sa akin
Alam mo na ang dapat gawin
Ang kailangan ko'y presensya mo
Ang kailangan ko'y atensyon mo
Maingay ang iba nating kasama
Pero nakakabingi ang katahimikan sa pagitan nating dalawa
Naramdaman ko ang akbay mo
Narinig ko ang binulong mo
"Tama na, lasing ka na."
Inihiga ko ang aking ulo sa iyong balikat
Mas lalo mong hinigpitan ang iyong akbay sa akin
Ipinikit ko ang mga mata kong malalalim
Buong gabi kang nakaakbay sa akin
Habang naririnig ang ingay at tawanan sa paligid natin
Nandyan ka tuwing nagwawala ako
Nandyan ka para pakalmahin ako
Hindi ko alam 'tong nararamdaman ko
Pero isa lang ang alam ko
Lagi ko nang hinahanap-hanap ang akbay mo
Miski na hulas ako
YOU ARE READING
Unsaid Feelings
PoetryThis is a collection of poems. (English and tagalog) Whenever I feel something, I write. I just write the feelings away.