SLY 2

2.2K 40 3
                                    

"Grabe... ang cute nya! Super!"

Narining kong tili nung ka-seatmate ko.

Ang pangalan eh Princess.

Isang linggo na din ang nakakaraan mula nung first time namin sa klase.

Ako naman ng mga sandaling yun eh nakaupo lang sa desk ko.

Hawak ko ang Ipad ko at nagbabasa ng story sa Wattpad.

"Alam nyo yun.. Pag ngumiti sya. As in----" Tas tumili na naman. Grabe manhid!

Makasigaw wagas.

"Campus Hearthrob daw talaga yun. Kaklase kasi yung nung pinsan ko." Anas naman ng kausap nya. Si Isa. "Mapababae at Lalake hindi mapigilang mapalingon sa kanya." Dagdag pa nito. Kahapon pa yan sila eh. Kahit nung 1st day ganyan lagi pinag-uusapan.

haaay Pwede ba mag-aral muna kayo?

haha nagsalita naman ako?

akala mo eh nag-aaral din.

Eh nagbabasa lang naman ng Wattpad.

Kaso nakakainis.. Hindi ako makapagbasa ng ayos. Nadidistract ako sa sobrang ingay nila.

Ganda pa naman ng binabasa ko.

Makapagsulat na nga lang..

Kinuha ko yung journal at ballpen ko.

Nag-isip ng isusulat.

"My Future Forever"

sulat ko sa first page ng journal ko.

Take note, naka Center pa yun..

Tapos inisip ko kung ano yung mga characteristics yung hinahanap ko para sa taong mamahalin ko. hmm

Ideal
Backslapper  yung tipong kahit anong gawin nya, matatawa ka.
Pleasant
Dainty
Lovely

Yan yung mga gusto ko.

bonus na lang yung physical appearance.

Sa 2nd page ko nilagay yan.

Napatigil naman ako sa pagsusulat ng may magtilian na naman.

At sa lakas ng tilian nila eh tinakpan ko na talaga yung tenga ko.

Grabe! Over na talaga tong mga to.

"Anong meron?" Actually sarili ko lang yung kausap ko nun. Nagulat naman ako ng may sumagot. Si Isa.

"Si Bea yan" Ikling sagot naman nya.

Napaisip naman ako.

Para kasing narinig ko na yung name na yun eh.. San nga ba?

"Oh tapos? Sino naman yun?" tanong ko sa kanya nung wala kong matandaan.

"Campus hearthrob." dagdag pa ni Isa.

Grabe tong isang to.. Isang tanong isang sagot eh..

Magtatanong pa sana ko ng biglang nagtilian naman sila.

Nakita ko na lang na pumasok yung medyo may katangkaran na babae na pamilyar saken.

Tas nagpunta sa Teacher's table.

Actually ang ginawa ko lang nun eh tinitigan sya.

Tas naalala ko sya nga pala yung girl na kumausap kila Mich and friends after akong ihatid sa room ko nung 1st day ng klase ko.

Kaya naman pala makatili tong mga kaklase ko eh sa talaga namang maganda yung Bea. Ang cute nya ngumiti .

NakuCute-an lang ako sa kanya.. Hanggang dun lang yun.

Ibinalik ko na lang yung atensyon ko sa iPad ko.

Pero naririnig ko pa ring nagsasalita si Bea..

About sa try-out ng volleyball.

Hindi ako interesado mag-tryout.
Hindi naman dahil sa ayaw ko. Actually, I really really love volleyball. Yun nga lang, after ko ma-ACL, hindi pa ko pinayagan nila mamu maglaro.

Naramdaman ko na lang na papaalis na sya ng marinig ko yung pagprotesta ng mga kaklase ko.

Saka ako nag-angat ng tingin.

At sa pag-angat ko ng tingin eh di ko naman inaasahan na makakasalubong ko ang mga mata nya.

Ewan ko kung aksidente lang ba o sadyang sakin talaga sya nakatingin.

Feeling lang eh no?

Ayun pagkatapos ng 5seconds na titigan kuno namin eh tuluyan na syang lumabas.

---
"Nakasimangot ka?" maang na tanong ko kay Ponggay ng makita ko yung hitsura nya. Mas nauna akong umuwi sa kanya since iba yung schedule namin.

"Bwiset" singhal naman nya.

"ako? Bwiset?" react ko naman.

"hindi! Yung babaeng yun! Huh! Kala nya naman madadala nya ko sa modos nya!" gigil na wika ni Pong. Makikita mo talaga na gigil sya kasi yung mga unan sa upuan namin nasa sahig na lahat.

"Bakit ba kasi?" kulit ko naman.

"Bigla akong inakbayan ate ehh! Ang kapal ng mukha.. feeling close ba! Shibs yata ehh!"

"Talaga? Tapos, anong ginawa mo?" Curious kong tanong sa kanya.

Si Ponggay kasi yung tipo ng taong di basta-basta magpapaloko kahit kanino. Ako naman ehh marunong lang sumakay.

"ehdi ayun, sinuntok ko!"

"Ano?!!! Baka ma-expel ka naman nyan!" anas ko.

"Don't worry. Sa labas naman ng campus nangyari yun eh." Biglang ngiti ni Pong.

Ayos din eh.

Parang kanina lang galit na galit sya tapos ngayon, ngiting ngiti na.

Pagkatapos naman namin magkwentuhan ni Ponggay eh dumiretso na sya ng kwarto nya.

Samantalang ako naman eh kinuha ko yung journal ko.

August 14, 2014

I don't know kung kelan ko makikita si I.B.P.D.L. Well, I'm not rushing things naman eh.

I'm willing to wait.

Pagkatapos kong magsulat eh natulog na rin ako.
---

(a/n)
Ayan na lang muna haha
Gang ngayon di ako makaget-over sa moments ng JiBea last saturday haha :)

Secretly Loving You (JiBea) COMPLETEKde žijí příběhy. Začni objevovat