SLY 14

1.3K 35 3
                                    

Pagkatapos nilang magpaalam saken.

Bumalik ako ng classroom.

Gusto kong matulog.

Ikaw ba naman ang habulin, ewan ko lang kung hindi ka mapagod.

Thankful naman ako kasi pagdating ko ng classroom​, walang tao.

Nasa labas lahat.

Walang iistorbo saken.

Dun nga ako pumuwesto sa may bandang bintana.

Pipikit na sana ako ng may marinig akong sunod-sunod na yabag na akala mo eh tarantang taranta.

Please Lord! I wanna sleep.

"Dito dali!"

"Ipasok nyo."

Kahit nakapikit ako alam ko kung sino-sino yung mga nagsasalita.

"Aray masakit"

"Dahan-dahan!" Narinig ko pa.

Si Kim ba yun?

Dumilat nga ako agad.

Anyare kay Kim?

Tumayo ako nun pagkakita kong pinagtutulungan nilang buhatin si Kim at dahan-dahang pinaupo.

"Anong nangyari kay Kim?" Concern na tanong ko.

Yung mukha kasi ni Kim, halatang namimilipit sa sakit.

"Bakit dito nyo dinala?" Sabi ko naman.

"Saan ba dapat?" Si Deanna yun.

"Eh malamang sa clinic! Isip-isip din pag may time!" Nakasigaw na ako nun.

Dala na rin siguro ng pag-aalala kay Kim. Mukhang maiiyak na sya.

"Sabi kasi nito dito daw." React naman ni Maddie tas binatukan si Deanna.

Frustrated naman ako.

Sa dami-dami lina, wala man lang nakaisip na dalhin si Kim sa clinic.

Nandun naman si Princess at si Isa.

Maliban kay Deanna at Maddie may kasama pa sila.

Kasamahan ata nila Kim mag-try out sa volleyball.

Wala sa kanila ang nakaisip nun?

Ang pinaka tanga pa dun, iniakyat pa talaga nila dito sa classroom eh nasa 2nd floor kami.

Pumalahaw naman ng iyak si Kim nun.

Hindi na ata kinaya ang sakit.

Agad-agad ulit nilang binuhat.

Hayyy naku.

Ibababa na naman nila.!

*************

"Nurse, pwede ng pumasok?" sabi ko sa nurse na kalalabas lang ng clinic. Nag-antay kasi kami nila Princess at Isa.

"Oh sige, hindi muna sya pwedeng lumabas ha? Baka mamayang hapon pa. Nadislocate kasi yung ankle nya. Dapat mapahinga nya muna yun. Pinagbawalan ko na rin muna syang ipagpatuloy ang pagpapractice ng volleyball. She can't make it on her situation now." Malumanay na sabi sa amin nung nurse.

Nalungkot naman kami nun para kay Kim.

Gustong-gusto pa naman nang sumali sa team.

Bukas na kasi yung laban nila ng volleyball against sa kabilang school.

Pumasok naman kami nun sa loob.

Nakita namin si Kim nakahiga, nakatalikod sa amin at tahimik na umiiyak.

Secretly Loving You (JiBea) COMPLETEWhere stories live. Discover now