CHAPTER 15: CRAZY

204 19 3
                                    

CHAPTER 15: CRAZY

.

*LEANNE'S POV*

.

"Sshh.Wag ka ngang umiyak. Pumapangit ka lalo e." -hinde ko alam kung masisiyahan ako kasi parang may concern sya sakin o maiinis kasi nilalait nya ako. Pero nagpapasalamat na lang ako kasi kahit papano nababawasan yung nararamdaman ko na hinde ko naman alam kung ano yun. Kahit naiiyak na ako, napangiti na lang ako bigla. Kasi sa lahat ng pwedeng nakakita sakin at samahan ako, sya pa talaga. E alam naman ng lahat hinde kami magkakasundo. Ang hirap nya kasi basahin lalo na kapag titignan mo lang sya sa mukha. Kakaiba kasi ang aura nya.

Hay! Buti na lang talaga na sya yung nakabangga ko kahit nakakahiya na yung pagmumukha ko ngayon. Ngayon, I just confirm to myself na hinde ko na mahal si Kenn kasi may iba na akong mahal.

Oo, mahal ko na ata sya. Kahit napakasungit nya sakin noon gusto ko pa rin sya. At nang dahil sa nangyari ngayon, lalo lang ako nahulog sa kanya.

"Crazy." -sabi nya sa mahinang boses pero narinig ko pa rin yun.

Kahit sinabi nya yun hinde ko pa rin magawang mainis sa kanya kasi si Damon yan e. Mahal ko sya kahit hinde nya ako kayang mahalin. Masakit man isipin pero okey lang. Ganun naman talaga palagi kapag nagmahal ka diba? Masasaktan ka talaga.

Yah! I'm crazy! I'm CRAZY for you Kristof Damon Willborn.

.

.

.

Pinahiran ko ang luha ko gamit yung panyo na inabot nya sakin. Ang bango bango ng panyo nya kasing  bango nya. Gosh! Hinde ko to lalabhan. :3

"Ah.. Thank you pala ha?" -sabi ko sa kanya.

Tumingin sya sakin pero as usual walang syang kaemoemosyon. Napakablanko na naman ng mga tingin nya. Minsan, hinde ko talaga sya magets.

"Para san?" -napakacold nyang tanong.

"W-wala... gusto ko lang magthank you.." ewan ko ba pero hinde ko masabi sa kanya na nagpapasalamat ako dahil sa pagcomfort sakin. Pero baka sabihin lang nya na hinde talaga nya gusto ecomfort ako. Ang sakit naman nun kung sakali.

Tumayo sya bigla at naglakad papunta sa pintuan ng music hall. Hinde naman sya sumagot ulit.

Tumayo rin ako. Mukang aalis na nga sya.

"Ah.. Kristof." tawag ko sa kanya. Napatigil naman sya. This is the first time na tinawag ko sya ng Kristof. Siguro nagulat sya sa pagtawag ko sa kanya nun. "Ah.. salamat sa pagdala mo sakin dito.. I feel okay now.. thank you." -sabi ko habang nakangiti kahit hinde naman nya yun nakikita kasi nga nakatalikod pa rin sya sakin.

AKO TANGA IKAW MANHID [ON-GOING]Where stories live. Discover now