CHAPTER 18: CONFESSION

217 19 15
                                    

CHAPTER 18: CONFESSION

.

.

*Leanne's POV*

.

Napatayo na lang ako bigla sa sinabi ni Purple. Napatingin ako kay Dayne. I don't know kung anong magagawa ko sa nalaman ko ngayon. Parang nasapian na ako ng lahat ng demonyo sa mundo! Hinde ko alam kung pano nya nagawa to sakin. No, Kung pano NILA nagawa to sakin!

"Leanne, are you okay?" -nag-alalang tanong ni Chan sakin.

"Ah-- yea." -sinungaling!

"No, you don't look okay. I know you well, Yan." -oh, si Dayne yan. Nakita ko ang sama ng tingin ni Pilipe kay Dayne. I know, ramdam nya na galit ako kay Dayne! Galit na galit. Kakaayos lang namin tapos magkagalit ulit kami ngayon. Ano bang problema ng mundo at parang ako yung pinagtripan nila? At kung makapagsalita sya na kilalang kilala nya ako, di man lang naisip na magagalit ako sa mga ginagawa nila.

"wala to. I gotta go." -paalam ko sa kanila. Ayoko makaharap sya ng matagal pero hinde ko alam kung bakit hinde ko kaya ipaalam sa kanya yung nalaman ko ngayon.

Naramdaman ko na nakasunod si Purple sakin.

"Hoy bakla! Hintayin mo naman ako. Kanina pa nahahaggard yung pretty face ko sayo ah." -sigaw ni Purple sakin. Hinde ko na lang sya pinansin. Parang syang temang kasi.

.

.

.

Natapos yung 2 subjects namin na hinde ko kinakausap si Dayne. At wala talaga ako sa mood ngayon. Gusto ko ng umuwi. Parang naiinitan na ako e.

Tumayo ako para pumunta ng CR. Naiihi ako e.

"Leanne!" -tawag bigla ni Kelf sakin. Sya kasi katabi ko ngayon. Nag-exchange sila ng seat ni Chan e. Nilingon ko lang sya giving him a what-look.

"You've got stains in your skirt." -nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Kelf. Sheet!

Napatingin lahat ng classmates ko sakin including Dale and Damon. Geez! Nakakahiya >.< Anong gagawin ko? Shumay, di ako makagalaw. Talagang nakita pa ni Damon. Shit lang talaga. I never thought na ngayon na pala dalaw ko.

"Ley." -biglang tawag ni Chan sakin kaya natauhan naman ako. Agad ako lumabas ng room at tumakbo papuntang cr. Shit! Wala akong dalang extra skirt e. Nasa locker ko yun. Naghugas lang ako. Wala akong dalang sanitary pad, undies and sh*t, hinde ko alam san ako kukuha nun at pano!

Nakaupo lang ako sa bowl. Mga ilang minutes na din ako nag-iisip dun kung pano ako makakabihis nito.

Naramdaman kong may pumasok sa cr. Hihingi na lang kaya ako ng tulong?

Magsasalita na sana ako kaso may biglang naglagay ng isang plastik papasok sa cubicle kung nasan ako. Ano naman kaya to? Kinuha ko yung plastic at binuksan. Nagulat na lang ako sa nakita ko. Isang uniform na skirt, may undies at err.. a sanitary pad.

Agad akong nagbihis at lumabas sa cubicle. Sino kaya nagbigay nun? Hinde man lang ako nakapagpasalamat. Hinanap ko sya sa labas ng cr pero wala naman tao.

Kung sino ka man, thank you.

Napangiti na lang ako. Kanikanina lang, nakakunot yung noo ko kasi PMS nga diba? Tapos ngayon, nakakatuwa lang kasi kung kelan may kelangan ako, may dumating agad.

Pagbalik ko sa room, wala na ang mga classmates ko dun pero may dalawang estudyante ang nag-uusap dun sa sulok ng room. Isang babae at isang lalaki. Hinde ko alam ko sino sila. Nakatalikod kasi sila sakin.

AKO TANGA IKAW MANHID [ON-GOING]Where stories live. Discover now