•Chapter 5: Act it•

120 22 15
                                    

Chapter 5: Act it

[ Marianne's PoV ]

"Deal."

Sinamahan ko siya sa loob ng room namin. Sinalubong naman agad ako ni Stacy. Hindi niya nakita si Dave sa labas dahil nakasandal ito sa pader na medyo malayo sa room namin. Gusto raw kasi niya na doon muna hanggang tawagin ko siya. Tss. Kinakabahan ba siya? Ew. I don't like him for Stacy. Asa naman siyang makikipagbalikan ang beshie ko sa kanya.

"Huy! Okay ka lang ba? Kanina ka pa kaya nakatulala. Problems?" tanong niya sa akin. Umiling ako. Hinawakan ko ang kaniyang mga balikat. Tama ba ang choice na ginawa ko? Tama kayang pinapasok ko pa si Dave dito? "What's wrong?"

"Stacy.." kinakabahang sabi ko. Napalunok ako. I think, I am not ready to tell her this but, my decision is just too dumb to handle. Anyway, I have my plan. I don't need to worry. Gosh! So stupido naman that guy. 'Pag umiyak daw si Stacy, 'di na raw siya bibisita. Hindi niya ba alam na pwede kong paiyakin si Stacy? Anyway, that's my plan.

Paano ko 'to sisimulan? Sinenyasan ko si Dave na pumunta na dito. And then my heart started to beat faster.. And faster... Parang sasabog lang, gan'un. Hindi dahil sa saya, kundi dahil sa kaba.

I can't paint Stacy's face right now. Para siyang nakangiwi na inis na galit. Alam kong halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon.

"Oh my.. Mary, bakit? Anong ginagawa niya dito?" tanong ni Stacy sa akin. Lagot na! Ito na nga ba. I think I should not have invited him. Ano ba iyan, ang sama ko talagang kaibigan!

"Hey, Stacy. Nice to meet you.. Again." sabi nito with matching taas-baba kilay ulit. Inis ko siya tinignan. Inayos niya ang compositon niya. "Anyway, how are you, Stacy? I heard na magkaklase pa rin pala kayo ni Ms. Davis." he told Stacy. Kita ko sa mukha ni Stacy na wala itong ganang makinig.

"None of your business. Anyway, what are you doing here? What else do you need?" mahinahon ngunit bakas ang pagkairita sa tono ng pananalita ni Stacy. I know she's irritated. Kung ako nga, hindi ko naging boyfriend si Dave, naiinis na. Siya pa kaya?

"Bakit siya nandito? Anong nangyayari? Ano?" inis na tanong niya sa akin. Patay na ako! I hate myself. Masamang ideya talaga ang pagpunta ni Dave dito!

"Stacy, I badly want you to cry infront of him." I whispered to her. Kumunot ang noo nito sa akin, and I think she just thought I am joking!

"And why? Anong kalokohan ito? Ayaw ko nang umiyak sa harapan ng lokong 'yan. He's not worth my tears. Damn him." bulong nya din sa akin. Naguguluhan din siya sa akin. Inis akong humarap kay Dave.

"Dave sandali lang ha? May gagawin lang kaming girl talk. Pwede d'un muna kami? Babalik din kami. Okay?" tanong ko. Please, 'wag na sana siyang magtanong pa.

"Oh, okay. Please be fast. I need to talk to her." sabi nito. Nagtakha ako kung ano 'yun pero, 'di bali na. Mabilis kong hinila si Stacy palayo.

Nagmadali kami ni Stacy na umalis sa harapan ng lalaking iyon. She looked at me with serious eyes.

"Stacy, look. We had a deal, that when you cried infront of him, he'll get the hell out of here and never come back." paliwanag ko sa kaniya. Napairap ito. "That's one dumb deal. Anyway, what am I gonna do again?" tanong nito sa akin muli.

"You need to act. Cry! You need to cry and then I'll tell him our deal. We'll kick him out of here. Pfft." natatawa ko pa ring paliwanag. Maski siya ay natawa na rin. "I can't believe I'm doing this." bumutong-hininga pa ito. "Hay, hindi pa rin siya nagbabago. Isa siyang malaking uto-uto. Such a dumb one." puna niya.

"Fine! Let's do it! Iisip ako ng eksena. I'll do it." sabi nito habang nakangiti. Ngumiti rin ako ng nakakaloko. It's time to fool this guy just like how he made Stacy a fool as well.

Maya-maya pa ay pumunta na ulit kami kay Dave. Hinarap namin siya. It's time.

"Hey, Dave. So, ano pala ang gina--." pinutol ni Stacy ang sinasabi ko. Alam ko na ang gagawin nya. Sana effective! Narinig kong huminga ng malalim si Stacy. I looked at her.

"Dave.." mahinang tawag nito kay Dave. Mabilis lumapit si Dave sa kaniya. "I just wanted to apologize for what I've done these past few years.. I really am sorry, hindi ko kakayanin na wala ka sa tabi ko.. Come back to me, please-." sabi ni Dave kay Stacy. Napaawang ang bibig ko. What the hell? Gusto niyang makipagbalikan kay Stacy?

I saw Stacy with tears from her eyes. I hope this is just her acting, I hope she really isn't sad.

"Dave, why? Am I not good enough? May mali ba sa akin? Hindi pa ba ako sapat noon? Ano pa bang kulang sa akin, Dave? Bakit ngayon ka lang nagpunta dito kung kailan ibinaon ko na sa limot lahat ng alaala natin? You just love me when you need me. Tandaan mo, ikaw ang may gusto nito. Leave us alone!" umiiyak na sabi ni Stacy at pinaghahampas sa dibdib si Dave. Malungkot na tumitig sa kaniya si Dave.

"Sorry na.. Stacy I didn't mean to hurt you. Mahal ko pa talaga ang ex ko noon at alam mo 'yun. I can't blame myself on hurting you. Pero, can we be friends?" he asked. Agad napaawang ang bibig ko. Tang ina!Nakakainis na itong lalaki na 'to ah? Friends? Upakan ko kaya siya? Is he out of his mind? Dumbass.

"Are you insane?!" sigaw ko kay Dave. Hindi ko na kaya. He's acting like an asshole.

"Umalis ka na. Do you remember the deal? She cried, okay? Umiyak siya. That's it. Get out. Now! Alis!" sigaw kong muli at tinaboy na siya paalis. "No, Stacy let me explain! Please--."

"Alis! Alis sabi! Shoo! Shoo! Alis na! Napakabobo, eh." pagtataboy ko sa kaniya. Sinamaan ko ito ng tingin pinanood na umalis ang kaniyang sasakyan.

Well, finally, umalis na rin siya. He's so annoying!

"Loko 'yun ah!" irita kong sambit. "Ayos ka lang?" tanong ko. Tumango siya. "'Di ako makaget-over. Can we be friends? What the hell!" dagdag ko. Tinawanan niya ako.

"Yes! Umalis na siya, finally. Effective ang pag-iyak ko girl!" masiglang sabi ni Stacy sa akin. Magdiwang! "You're sure it's just acting, ha?" tanong ko. Tumawa ito. "Of course." sabi niya at hinampas ng marahan ang balikat ko.

"So, Friday naman ngayon.. And uwian na.. Mall tayo? My treat." sabi ko. Yes! Bonding time! I smiled at her and she immediately nodded.

Okay, masasayang na naman pera n'yo.

"Sure! My car?" tanong nya.

"Okay, pero sure ka? 'Wag tayong masyadong gumastos ha!"

"Leggo' shop!"

-----------
•|heartalicien|•

The Heartbroken Princess|✓Where stories live. Discover now