•Chapter 9: I'm The Muse•

85 19 13
                                    

Chapter 9: I'm The Muse

[ Marianne's PoV ]

Sumakay ako sa sasakyan niya. Hindi nagtagal ay huminto kami at agad akong tumingin sa paligid. Tumigil siya sa isang bahay. Tingin ko mansion ito? Psh. Basta! Sobrang laki nito then.. May garage. Doon kami nagpark. Bumaba siya. "'Wag ka munang bumaba." sabi niya at tumango ako. Binuksan niya ang pintuan sa pwesto ko at inalis ang seatbelt ko. Magkalapit na kami ng mukha. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Napalunok na lamang din siya. "Baka hindi ko mapigilan, mahalikan kita." bulong niya.

Ano raw? Aish! Dapat nilakasan naman niya ang bulong. Pero, nonsense rin. Bakit pa naging bulong, diba? "Ha?" Tanong ko na sinagot niya ng iling.

"Pasok na tayo." sabi niya ng nakangiti. Para rin bang excited siyang ipakita kung ano ang nasa loob nito. 'Yung totoo? May surprise kaya siya sa akin? Ahh! I can't help but to imagine!

Imagination~

"Surprise! Will you be my girlfriend?" tanong niya. Napanganga ako. This is it! Ang araw na pinakahihintay ko! Waa!

"Yes! Yes!" sagot ko at niyakap siya. Unti-unting naglalapit ang mga mukha namin at akmang mahahalikan ko na siya nang..

End of Imagination~

"Marianne? Marianne? Uy, are you alright?" tanong niya at tinatapik ang balikat ko. Bumalik ako sa katinuan. Aish! I'm getting weirder and weirder each day.

"Ah.. I'm sorry. Just being clouded by thoughts, haha.. Teka lang, bahay-- I mean mansion ninyo ito?" tanong ko. Kanina ko pa ito gustong itanong! Nawala nga lang ako sa katinuan.

"Ah.. Yes, it is. Sorry ah? Hindi ko agad sa iyo sinabi na dito tayo pupunta ha? Gusto ko kasing masurpresa ka." nahihiyang sabi nya. Namumula ang mga tainga nito. "A-ah.. 'Wag kang mag-alala! Gumana naman 'yung surprise mo! Hahaha! Nagulat nga ako eh.." biro ko. Tumawa na lamang din ito.

N'ung pumasok na kami, napanganga ako! Oh my goodness! May chandeliers sa gitna, tapos may mga malalaking paintings pa. Medyo mas malaki ito sa mansion namin. Ang alam ko kasi, anak siya ng may-ari ng school namin. Swerte ko nga din eh! Wait, bakit ko pala sinasabing swerte ako? Aish. I'm really crazy today.

Nakita ko sina Bruce, Ace, Leo... Teka si Dave ba yun? At saka si Aaron? Tsk! Ang dalawang taong kinaiinisan ko ay narito ngayon sa bahay ni Jack. Psh, magdadala lang sila ng virus eh.. Lagot ako nito. Baka mahawa pa ako! Oh noes!

"Uhm.. Guys isinama ko si Marianne dito sa meeting natin about the varsity. Okay lang ba?" tanong niya sa mga kabarkada niya. "Even if I'd object, wala ring sense. Mananatili pa rin siya." Aaron suddenly bursted out. Tinaasan ko siya ng kilay. Wow, akala naman niya gusto ko rin siyang narito? The feeling is mutual, boi. "Aaron." babala ni Jack dahil ramdam niyang magsisimula na naman kami ng bangayan. Aaron just rolled his eyes on him. Hmp!

Anyway, for your information, ako lang po ang babae rito, pero okay lang. Narito naman si Jack. Pero nagtatakha lang talaga ako. Anong gagawin nila sa akin? Bakit pa nila ako isinama rito? Ano 'yun?

Gagawin nila akong lalaki? Psh. Saka, teka nga, bakit kailangang kasama ako sa meeting ng varsity? Dapat pala nagsama rin ako ng babae rito like si Stacy, para kahit papaano hindi ako out of place. Tsk.

"Uhm.. Marianne, pwede ka bang maging muse ng team? Ikaw lang kasi ang kaclose kong babae na pwedeng isali ko dito. Tutal, you're a charming girl.. So, please?" pakiusap ni Jack. Nagpuppy eyes ito kaya agad akong namula.

Oh shit, shit, shit! 'Di ako ready sa ganitong offer! Ah~ What to do?

I'm blushing! Totoo bang tinawag niya akong charming? Gosh.. Nakakaflutter eh! Ikaw kaya tawaging charming ng crush mo, angal ka pa ba?

The Heartbroken Princess|✓Where stories live. Discover now