22. No Other Choice

6.3K 189 5
                                    

Isang mabining halik ang naramdaman niya sa kaniyang pisngi. Naalimpungatan siya mula sa pagkakatulog. Pero pinili niyang pumikit ulit.

"Mom, wake up! Today is my birthday." gising sa kaniya ng anak niya. Pinugpog siya nito ng halik sa pisngi. Bawat umagang gumigising siya ay ito ang nagsisilbing inspirasyon at pampa-good vibes niya.

"Grandma will be here soon Mom. Kasama niya ang gift ko, kaya bumangon ka na diyan..please!" hinila siya nito sa kamay. Bigla siyang napamulat sa sinabi nito.

Gift? From her mother? Oh! Halos dalawang buwan na ang nakakaraan.Kaarawan na ng kaniyang anak ngayon at darating ang kaniyang ina kasama ang gift na sinasabi ng anak niya. Naalala niya bigla ang usapan nila ng ina noong bago sila umuwi sa araw ding iyon.

"Uuwi na kami Ma." humalik siya sa pisngi ng ina.

"Sige." malungkot nitong sagot.

Huminga siya ng malalim. Mahirap sa kaniyang iwan ang kaniyang ina na ang kasama lang nito ay mga kasambahay. Pero wala siyang choice. Ayaw din naman nitong sumama sa kanila ng anak niya.

"I'm sorry Ma, but we have to go. May pasok pa si Luke bukas." nasa loob na ng sasakyan niya ang anak.

"Kung sana..Kung sana dito nalang kayo, Isabelle. Ang luwang ng bahay para sa akin. Kailanfan ko kayo ng apo ko." madramang pahayag ng ginang.

"Ma. Alam mo naman ang sitwasyon namin. Alam mo din ang dahilan ko, diba? Sana maintindihan mo ako." walang gana niyang turan.

"Bakit hindi mo nalang ipaalam sa kanila ang tungkol sa bata? I know, tatanggapin nila ang apo ko. At kapag nangyari iyon, hindi niyo na kailangang magtago. Magkakaaama na ulit tayo." suhestiyon ng kaniyang ina. Napakunot noo siya sa sinabi nito

"Here we go again Ma. Alam mong ayaw kung naririnig ang mga iyan. Dalawang araw kaming nandito pero iyan lang ang narinig ko mula sa iyo!" matigas niyang sabi sa ina.

"Pero, karapatan nilang malaman ang tungkol kau Luke, Isabelle!" ang ina niya.

"No! Wala silang karapatan sa anak ko. Huwag mo ng ipilit ang gusto mo Mommy. Kahit kailan ay hindi mangyayari 'yan. Bye Ma. Magkita nalang ulit tayo sa kaarawan ni Luke." sabi niya at tumalikod na siya dito.

"Hindi mo maitatago ang katotohanan Isabelle." Napatigil siya sa paghakbang. "Asahan mong darating ako sa kaarawan ng apo ko, at idadala ko ang hinihiling niyang regalo. His precious gift." pahabol ng kaniyang ina.

"Youre crazy Mom!" hinarap niya,pero nakapasok na ito sa loob ng bahay nila..

"Hey Mom!" nagulat siya sa biglang pagsampa ng kaniyang anak sa kama."Bangon ka na diyan please." pangungulit nito.

"Halika nga." niyakap niya ito ng mahigpit at pinahiga sa tabi niya."Happy birthday sweetheart. Mommy loves you so much!" pinugpog niya ng halik ang mukha nito. Nanggigil siya sa anak.

"Mommy! Stop!" pilit nitong kumakawala sa kaniya.

Pinakawalan niya ito. "Sige na, maligo ka na. At mamaya, magluluto tayo ng paborito mo." hinalikan niya ulit ito bago tuluyang pinakawalan.

"Okay Mom. Pupunta din ang friends ko Mom. So I'll better get ready na po." excited nitong turan.

Hinabol niya ng tingin ang anak na palabas sa kwarto niya. Sana baby ka nalang. Sana hindi ka nalang tatanda. Natatakot kasi ako anak.

.
.
.
.
.
.
"Happy birthday apo." isang halik ang ibinigay ng kadarating na ina kay Luke. Agad siyang sinalubong ng anak.

"Thank you grandma." nakangisi ang kaniyang anak dito. Alam na niya ang ibig sabihin ng mga ngiting iyon."Where's my gift grandma?" tanong ng anak.

Nagkatinginan silang mag-ina. Sa totoo lang natakot siyang totohanin ng ina ang sinabi nito noon. Kanina pa siya kinakabahan habang hinihintay ang pagdating nito. Hapon gaganapin ang plano niyang birthday party ng anak. Mga malalapit niyang kaibigan ang kaniyang inimbitahan. At mga classmate ng anak.

"Luke, apo. Pwede bang utang muna ni lola ang regalo niya ngayon?" pakiusap ng ina niya sa anak.

"But you promised..Wala po si Daddy?" naging malungkot ang itsura nito.


"But sweetheart, mayroon akong dalang regalo sa iyo. Siguradong magugustuh-"

"No! You are liar, grandma! Ang sabi mo isasama mo si Daddy ko. You promised me!" umiiyak na ang anak. Nilapitan niya ito.

"Anak, lola bring you a gift naman. Huwag ka ng umiyak." alo niya dito.Niyakap niya ito.

"I want Daddy! Gusto ko lang ang Daddy ko!" Umalis siya sa pagkakayakap niya at mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

"Luke!" Tawag niya sa anak. "Comeback here baby." Tiningnan niya muna ang ina bago sinundan ang anak.

Isang malakas na tunog ang narinig niya. Mabilis siyang lumabas. Bigla siyang kinabahan. Parang may bumangga malapit sa kanila. Luke!
Nasa gate na siya. Bigla siyang nanghina sa nakita. Isang bata ang nakahandusay sa daan.

"Luke?" dahan dahan niyang nilapitan ang bata. Para siyang matutumba ng makita ito. "Anak? Luke? Oh!" biglang bumuhos ang luha niya ng makumpirmang si Luke ang batang iyon.Agad niya itong dinaluhan."Baby, wake up! Oh!" napansin niya ang lalakeng kanina pa sa harap niya. Aligaga ito, nanginginig."Please help me! Dalhin natin sa hospital ang anak ko! Please!" Agad naman siya nitong dinaluhan. Hindi mahalaga sa kaniya sa sandaling iyon kung ito ang nakabunggo sa anak niya. Ang importante ay ang mailigtas ang anak niya.

Ilang minuto pa ay nakarating na sila sa pinakamalapit na hospital. Nanghihina siya habang nakatingin sa anak niyang nakahiga sa stretcher, na itinatakbo ng mga doctor sa emergency room.

Luke, anak! Don't leave me please! Napaupo siya bigla. Iyak siya ng iyak. Hindi niya alam kung anong gagawin. Parang bumabalik iyong pakiramdam na 'yon anim na taon na ang nakakaraan. No! Lord, please! Save my son! Gagawin ko ang lahat, isalba monlang siya. Nasapo niya ang kaniyang mukha.

"Misis Fuentes?" isang tinig ang biglang nagpaanga ng ulo niya. Nakita niya ang doktor na nakatayo sa kaniyang harapan.

Tumayo siya bigla." Yes Dok. Ako nga po. Ano po ang lagay ng anak ko? Is he okay now? Ligtas na po ba siya?" sunod sunod niyang tanong dito.

"Nagkaroon ng fracture sa kaniyang righy leg. Good to hear is, he's out of danger. Pero may isang problema Misis Fuentes."

"Ano Dok?"

"Kailangan niya ng dugo. Maraming dugo ang nawala s kaniya.Rare ang blood type ng anak niyo, kaya hindi kami makahanap ng ka match niya."


Bigla siyang nanlumo at kinabahan. Alam niya, hindi pa ligtas ang anak niya."Ano pong kailangan kung gawin Dok?"

"He can have your blood, because he is your son kaya match kayo." sagot nito.

Napaupo siya bigla. Tiningala niya ang ulit ito. "Wala na po bang ibang paraan para makakuha ng dugo na magma-match sa anak ko Dok?"

Umiling ang doktor."Ang unang option ay sa pamilya ng pasyente. Matatagalan pa bago makahanap outside the hospital. Kailangan na ng pasyenteng masalinan agad ng dugo,para tuluyan na siyang makaligtas kaniyang kondisyon ngayon.'' paliwanag ng doktor.

Npalunok siya. "Sige Dok." sagot lang niya dito. Nagpaalam na ito sa kaniya

Bigla siyang napaluha.

God, is this your way? Ito ba ang paraan mo para bumalik sa aking nakaraan? You gave me no option Lord! I don't have any choice kundi ang lumapit sa kaniya! Gagawin ko iyon kahit mahirap. Para sa kaligtasan ng anak ko.

Makakaharap ko ulit ang lalakeng, sumira sa buhay ko....Muli kong haharapin ang naging bangungot ng buhay ko.


Magkikita ulit tayo...Kiel Zandro!





_iamtamz

Abangan ang muling pagkikita..











A Beautiful Disaster (Kiel and Kat)Where stories live. Discover now