Chapter 46 *Ang Layunin ng mga Superior*

1.2K 49 0
                                    

Naningkit ang mga mata ni Dustin nang makita ang malaking gagamba.
Saan galing ang halimaw na ito? tanong niya sa isip.
Sandali niya itong pinahinto gamit ang kapangyarihan niya ng pagkontrol sa oras.
Nang tanggalin niya ang kapangyarihan, bigla itong kumilos. Agad na sumugod sa kanya.
Bago pa ito makalapit ay binigyan na agad ito ni Dustin nang malakas na suntok sa tiyan.
Bigla nitong nailuwa ang ilan sa mga nakain, kabilang na si Sy.
Napangiwi si Dustin. Hindi niya masikmura ang sinapit ng mga bilanggo na nakain ng gagamba. Lapnos ang mga balat at puno ng malalagkit na laway.

Susugod muli ang gagamba pero di na pinagbigyan ni Dustin. Sinipa niya ito dahilan upang tuluyan itong bumagsak.

"Nagawa niya!" Manghang-mangha ang mga prisoners.

"Sabihin mo. Saan nanggaling ang halimaw na 'yan?" Tiningnan ni Dustin ang Pinuno ng Third Region. Nakita niya na nakasubsob ito sa lupa. Hindi magawa na makatingin sa kanya. "Ano ba talagang nangyari rito?" tanong pa ni Dustin.

"Superior!" Lumapit sa kanya si Mist. "Ang gagamba ay galing sa labas."

"Ano?" Nanlaki ang mga mata ni Dustin. Muli siyang napatingin sa gagamba. " Kung gayon... gawa siya ng mga Intruder?"

"Sy..."

Narinig ni Emerald ang pagsambit ni Nikela sa pangalan ng nasawing Hashke.
Tiningnan niya si Nikela. Napatakip siya ng bibig nang makita na may mga luha na umagos mula sa mga mata nito.
Hindi na rin niya napigilan ang sarili na mapaiyak.

"Sy..." Dahan dahang humakbang si Nikela. Gusto sanang lapitan ang kasamahan, subalit nakakaramdam siya ng panghihina. Hindi siya makakilos. Sumuka uli siya ng dugo.

"Nikela!" Napasigaw si Emerald.

Narinig iyon ni Dustin kaya agad itong tumuon sa direksyon nila. "Anong nangyayari kay Nikela?" tanong ni Dustin.

"Nalason siya ng galamay ng gagamba!" sabi ni Lamb bago ito tumakbo palapit kay Nikela.
Tiningnan niya ito.
"Masama ito. Kumakalat na ang lason."Napabulalas si Lamb.

"Sy!" Pinilit ni Nikela na makalakad.
"Sandali! Saan ka pupunta?" habol ni Lamb.
"Nikela! " tawag ni Emerald.

Di sila pinansin ng lalaki. Tuloy tuloy itong naglakad patungo sa direksiyon ni Sy.

"Sy!" Lumapit din sina Aion at Bill.

Maging ang ibang mga bilanggo ay lumapit upang tingnan ang katawan ng mga kasamahan nila.

Hinawakan ni Aion si Sy. "Hindi ka puwedeng mamatay!" sabi nito. Sinubukan nitong gisingin ang lalaki. "Ano ba! Gumising ka!" Inuga nito ang katawan ni Sy, ngunit wala na. Patay na ito.

"Sy!" Napahagulgol si Bill. Hindi makapaniwala sa sinapit ng kanilang pinuno. "Sy! Sy!" Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan nito.

"Aaaah!" Napasigaw si Nikela.
Isang sigaw na puno ng hinagpis.
Puno ng kalungkutan.

Ngayon lang nakita ni Emerald ang ganitong bahagi ni Nikela. Sa puntong ito, alam niya na labis itong nasasaktan. Sino bang hindi? Sinong hindi masasaktan kapag nawalan ng kaibigan? Siya rin ay nakadama nang labis na sakit nang mawala si Jo. Siguradong ganoong sakit din ang dinadala ngayon ni Nikela.

"Nikela..." Gusto niya itong lapitan subalit di niya magawa. Ayaw kumilos ng mga paa niya.
Bakit?
Namanhid na ba siya dahil sa takot? Ano namang dahilan at matatakot siya?

Pinilit siyang humakbang. Nagtagumpay siya. Nalapitan niya si Nikela.
"Nikela..."
Ngayon naman hindi niya ito mahawakan.
Natatakot ba siya na walang magawa para pagaanin ang nararamdaman ng mahal niya o baka naman natatakot siyang hawakan ito dahil alam niya na may nagawa siyang pagkakamali?

Prisoners in VenusWhere stories live. Discover now