//pito//

6 0 0
                                    


Nakalipas ang tatlong buwan hindi ko na napigilan.
Sinabi ko na sayo ang totoo nagulat ka dahil akala mo nagbibiro lang ako. Akala mo lahat ng mga pinapakita ko sayo ay pangkaibigan lamang.
Hindi mo napansin na with feelings na pala ang mga kilos ko para sayo.

Ganun ka ba talaga ka bulag?

Sa mga araw na nagdaan, nakikita ko ang mga ngiti mong hindi na duguan, mga kilos mong patuloy ang laban kahit sa kabila ng bagyo babangon ka, bumangon ka kahit ilang beses ka nang nadapa.

Nakakatuwang makita na hindi ka na malamya.

"Ito na ba ang simula?"
Ang bungad ko sayo ng nagkita tayo sa parke kung saan binilhan mo ko ng cotton candy dahil nadapa ako nung mga bata pa tayo.

Diary ng isang matalik mong kaibigan.Where stories live. Discover now