//labing dalawa//

3 0 0
                                    


Nakaupo ako sa fountain na malapit sa mall hindi ko inaasahang nagkatagpo ulit tayo pagkatapos ng dinami daming taon na hindi tayo nagkita.

"Uy kamusta na?"  Agad na bati mo sakin.

Kamusta na? Ayon namiss kita, namiss kitang kulitin, namiss kitang pagalitan, namiss kitang kasama at higit sa lahat namiss ko ang aking matalik na kaibigan.

Siguro hindi ko na maibabalik ang nakaraan, hindi ko na rin maipipilit pa ang sarili ko sa taong hindi talaga saakin nakalaan.

May mga bagay talaga kasing dapat iwan nalang at kalimutan, tanggapin nalang natin ang katotohanan.

Hindi man sya si THE ONE, pero andyan pa rin sya sa iyong likuran.

"Kanina ka pa dito? Sorry nalate ako"

Liningon ko sya at nginitian. Oo sya, nahanap ko na din ang the one.

"Okay na ako. Una na kami"

Kinawayan ko sya at tumalikod na..

Tiniklop ko na yung notebook ko dahil tapos ko nang basahin lahat ng sinulat ko noong mga panahong nagpakamartyr pa ako.

May mga bagay talagang dumadaan lang sa ating buhay na minsan akala natin ay iyon na talaga, akala lang talaga matin yun. Sadyang mapaglaro ang tadhana sa mundong ibabaw.

Diary ng isang matalik mong kaibigan.Where stories live. Discover now