Chapter 12

4.1K 102 9
                                    

ALTHEA


"Angeline, labas!" sigaw ko habang malakas na hinahampas ang pinto ng kaniyang kwarto gamit ang dalawang kamay ko.

Nakaligo na ako at nakasuot ng black pants, white T-Shirt at isang pares ng sneaker. Samantalang tulog parin siya't aba, naka-lock pa ang pinto!

Hahampasin ko pa sana ulit ito nang bigla itong bumukas. "Ano na naman ba Althea?" tanong niya saka kinamot ang kaniyang magulong buhok. Halata ngang natulog siya.

"Girl, samahan mo nga ako!" sabi ko sa kaniya ngunit imbes na sagutin niya ako ay humikab siya nang malakas, gets ko naman ang ibig niyang sabihin. "Sige, matulog ka na lang ulit!" bulyaw ko saka malakas na isinara ang pinto.

Gusto ko lang naman ng makakasamang pumunta sa library. Hindi rin naman kasi ako nakatulog kanina at time check, 3 pm na.

Si Aubrey na lang kaya? May punto nga pero saan ko naman siya hahanapin? Wala nga akong ideya kung nasaan siya ngayon. Hayss, bahala sila sa mga buhay nila!

✂-----

Medyo nahirapan ako sa paghahanap kung nasa'n ang library nitong school. I'm expecting something magical, kaya lang ay mukha rin naman pala itong isang normal na library. Wala man lang lumilipad na libro kagaya ng mga nababasa ko sa Wattpad.

Dapat pala eh hindi ako nag-expect. Masakit pala kapag hindi naabot 'yung expectations mo sa isang bagay. Oh, well. Ang importante ay narito na ako ngayon.

Hindi kasi ako pinapatulog ng aking isip. Kanina pa kasi tumatakbo sa isipan ko 'yung mga bagay na kailangan ko pang malaman. Like, ano bang meron sa Academy o sa mundong 'to.

Iginala ko ang tingin sa paligid habang patuloy ako sa paglalakad, at napakalawak talaga ng library na 'to. Saan ko naman kaya hahanapin ang librong hinahanap ko?

Tumingala ako para tingnan ang mga karatulang may nakasulat. Napakamot ako dahil napagtanto kong ang shunga-shunga ko. May mga section pala na tinatawag ang isang library. Ba't ngayon ko lang naisip 'to? Grrr.

"Nasaan ba kasi 'yung tungkol sa mga history-history na 'yan?" bulong ko sa 'king sarili nang marating ko ang history books section.

Hindi ko kasi masabi, I mean ayaw lumabas sa dila ko 'yung nasa isip ko. Like, may nakikita akong libro dito na about sa history pero tungkol naman sa mga buildings at mga sinaunang tao. Mukha ba akong interesado do'n? Siyempre, hindi. Next time na lang ako magbabasa ng gano'n.

Patuloy ko lang ako sa pagkuha ng libro at tinitingnang mabuti ang bawat sulok ng bookshelf. Inisa-isa ko ang pagsiyasat sa title ng mga libro, kapag hindi ito nakukuha ng interes ko ay ibinabalik ko ito sa shelf.

Hanggang sa mahawakan ko ang isang libro na wala man lang pamagat, ang weird.

Hindi siya kakapalan at sa tingin ko'y nasa mga 180 pages 'to. Ang laki nito ay maihahalintulad sa libro ng elementary ako. 'Yung sa mga second hand book na hindi man lang na cover-an. Nalalanghap ko rin ang mabangong amoy ng lumang libro at naiiwan talaga ito sa ilong ko ang amoy!

Alam ko na ang tawag sa librong 'to, ang talino-talino ko talaga. Vintage book. Brown kasi 'yung kulay and hindi 'to masakit sa mata. Pasok na para maging isang lumang libro.

"Ba't wala kang title?" tanong ko sa libro. Baka lang kasi biglang sumagot nang makikipag-chikahan naman ako.

Nang mapansin kong maalikabok ito'y agad kong inihipan para mawala 'to. Napahigpit ako nang pagkakahawak at napatitig sa libro nang bigla itong binalot ng nakakasilaw na liwanag dahilan upang mapapikit ako.

Hindi na masakit ang mata ko, siguro naman ay huminto na 'to sa pag-ilaw. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. "Woah," ani ko nang masilayan ang dating walang pamagat na libro na sa ngayon ay nagkaroon na. "The Morore Land," bigkas ko.

Bubuksan ko pa sana 'to ngunit napahinto ako nang may magsalita sa likod ko, pamilyar ang boses ng lalaking 'to ah. Kaya dahan-dahan akong lumingon at hindi nga ako nagkakamali, siya ay walang iba kundi si Tyler.

Nakapamulsa siya at as usual, hindi ko parin mabasa ang ekspresyon na meron siya sa kaniyang mukha. Ano bang pakialam ko sa mukha niya eh feeling gwapo at cool naman 'tong si Tyler.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya. Siyempre, masungit 'tong lalaking 'to at walang modo, hindi ako magpapatalo.

Ngunit wala akong narinig na sagot mula sa kaniya. Hanggang sa dahan-dahan siyang humakbang palapit sa 'kin dahilan nang pag-atras ko.

"'Wag kang lalapit, ibabato ko 'tong libro sa mukha mo!" banta ko sa kaniya saka ipinakita ang librong hawak ko.

Ngunit hindi 'to naging sapat dahil hindi man lang natakot ang loko at patuloy parin siya sa paglapit sa 'kin!
Ano bang dapat kong gawin ngayon?

Sadyang mabilis ang pangyayari at na-corner na niya 'ko. Napako ako sa bookshelf at hindi makagalaw. Ang kaniyang kanang kamay ay nakatungkod sa bandang kanan ko.

Napalunok ako nang maramdaman ko ang paghinga niya. Ang lapit na pala ng mga mukha namin sa isa't isa! "Relax," aniya dahilan para maamoy ko ang mala methos niyang hininga.

Mas inilapit niya ang kaniyang mukha kaya napaiwas ako nang tingin. Hindi ko na kaya 'tong mga nangyayari! Nakakainis talaga 'tong lalaking 'to, balak ba niyang kunin ang first kiss ko? Heck, no way!

"I've come to get this book," sagot niya saka hinablot ang hawak kong libro. Wala pala siyang balak na halikan ako. Pero dapat maging masaya ako! Yes, woooh!

Buong pwersa ko siyang itinulak palayo kahit na mas malaki ang katawan niya kumpara sa 'kin at hindi naman ako nabigo.

"Akin na nga 'yan!"

Sinubukan kong agawin mula sa kaniya ang libro subalit hindi ko nagawa dahil sadyang matangkad siya, sapagkat itinataas niya ang kamay niya sa tuwing sinusubukan kong kunin mula sa kaniya ang hawak niyang libro.

"I give up! Sa 'yo na nga lang 'yan. Lunukin mo pa't pakasalan mo kung gusto mo!" maktol ko saka tumalikod sa kaniya. Wala akong ideya kung saan ako ngayon pupunta pero gusto kong makalayo sa lalaking 'to. Nakaka-stress!

Napahinto ako sa paghakbang nang maramdaman ko ang pagtama ng isang bagay sa ulo ko. "Aray!" daing ko.

Nilingon ko ang tumama sa 'kin at ito ay ang libro na dapat ay babasahin ko.  Naiinis akong sumulyap kay Tyler. Sisigaw pa sana ako pero na-realize ko na nasa library ako. Wala akong magagawa kundi ang pagmasdan na lang ang papalayong pigura niya. Nakapamulsa pa talaga at akala mo naman walang nangyari!

Nakakainis!

Dinampot ko ang librong nahulog sa sahig. Iginala ko ang aking paningin nang sa gano'n ay makahanap man lang ako ng pwedeng maupuan. Para naman happy ako sa pagbabasa.

Lumabi ako nang wala akong makitang bakanteng upuan, puno ang mga lamesa at upuan ng iba't ibang grupo ng estudyante. Maliban sa lamesa sa pinakagilid nitong library kung saan may natutulog do'n na lalaki.

Ay ang angas, ba't dito pa sa library nais matulog? Pero wait, pamilyar ang lalaking 'yun ah!

Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon