Chapter 13

3.1K 54 17
                                    

ALTHEA

"Excuse me, sir. Pwede bang umupo rito?" turo ko sa bakanteng upuan na katapat niya. Ngunit hindi ko alam kung may aasahan ba ako sa lalaking 'to dahil nakasubsob siya lamesa at mukhang natutulog—Oo nga.

Inilapag ko ang hawak kong libro sa lamesa. May nakasulok na Harry Potter style na eye glasses sa tabi ng braso niya. Ang cool siguro ng lalaking 'to.

Dahan-dahan akong umupo kahit na wala akong nakuhang sagot mula sa lalaking kaharap ko ngayon.

Yumukod ako at inilapat ang braso ko sa lamesa at ginawang unan saka ako humarap sa kaniya. Ang lalaking 'to ay si Seiko. Ang kinis ng kaniyang mukha at napakatangos din ng kaniyang ilong. Kumurap-kurap ako dahil hindi pa rin ako makapaniwala na may ganitong kagwapo na lalaking nage-exist.

Hanggang sa nagmulat siya ng kaniyang mata, oh no. Siyempre, dahil magaling akong um-acting, agad kong ipinikit ang aking mga mata, best actress 'to 'no. Mahirap na baka mahuli pa niya akong nakatitig sa kaniya at kung ano pa isipin ng lalaking 'to.

Naramdaman kong parang hindi na siya nakasubsob dahil gumalaw nang kaunti ang lamesa, it means gising na rin siya. Sana lang talaga at umalis na ang lalaking 'to.

"Stop that. I know you're awake and pretending to be asleep," dinig kong sabi niya. Ang gwapo ng boses niya, ang lalim na ang sarap sa tainga. Pero 'wag kang magpapadala self. Kaya hinding-hindi ako magmumulat ng mata!

"Hindi naman ako kumakain ng tao e, unless. . . gusto mong kainin kita?" sabi niya kasabay ng mahina niyang pagtawa.

"Pagbilang ko ng tatlo, kapag 'di ka pa bumangon—" Naramdaman kong lumapit siya sa 'kin kaya mas lalong diniinan ko ang pagpikit ng aking mata. "Right now, I'm thinking of raping you," bulong niya dahilan ng pagdampi ng mainit niyang hininga sa 'king tainga at nagdulot ito ng kakaibang kiliti sa 'kin. Jusko po!

"One," seryosong sabi niya.

"Two."

"Th—"

"Yamete kudasai, kyah!" sigaw ko saka agad na iniangat ang aking ulo at umupo nang maayos.

"I'm still a virgin." Napatakip ako ng bibig nang ma-realize ko kung ano ang mga salitang nabigkas ko. Ba't ganu'n ang lumabas mula sa bibig ko, jusko!

Napatingin ako sa kaniya at nagtama ang aming mga mata. Mula sa seryosong mata niya, naging mapungay ito at naningkit. "Hahahaha," pagtawa niya. And, he's totally cute and a perfect boyfriend material. The way he laughed, hindi siya nakakarindi na pakinggan at nagmimistula itong musika sa aking pandinig.

However, hindi ko pa rin talaga lubos maisip kung may topak ba ang lalaking 'to. Iba pala ang description ni Aubrey sa lalaking nasa harap ko ngayon. Wala man lang tumama ro'n! Maling-mali.

This naughty na topaking SSG president, nakakainis siya. But at the same time, ang cute niya ah.

Short, straight black hair styled in an undercut tapos nakasuot pa 'yung parang eyeglasses ni Harry Potter sa kaniya. Mukha siyang live action ni Levi ng Attack on Titan. Mukha namang titan 'yung personality, rawr!

Ang lalaking nasa harap ko, Levi Ackerman na naubusan ng gas ang maneuver kaya nahulog at nabugok ang ulo dahilan para makalimutan ang good manners and right conduct. Seiko Morris, at ako naman si Althea Morris. Not now, but soo—self, anong pinagsasabi mo?

Ngayon ko lang napansin na tumigil na pala siya sa pagtawa at nakangisi siyang nakatingin sa 'kin. "Are you done on checking my face, Ms. Virgin?" I'm a virgin.

Napalunok ako, "Jojowain."

"Anong jojowain?" Kunot ang noo na tanong niya sa 'kin. Anong jojowain? Pinagsasabi ng lalaking 'to? "What does it mean?"

Nanlaki ang mata ko at agad akong nag-iwas ng tingin nang ma-realize ko ang sinabi ko. Jusko po Althea! "Ah, wala. Ano, guni-guni mo lang siguro 'yun," pagsisinungaling ko pero mukhang hindi siya nakumbinsi dahil mas lalong kumunot ang kaniyang noo.

"Ay, ano—magbabasa pa 'ko, oo. Sige, matulog ka na ulit diyan," ani ko saka kinuha ang librong nasa lamesa. Binuklat at ginamit ko ito para maitago ang mukha ko mula sa kaniya, 'yung siguradong 'di niya ako makikita.

"Why? Nahihiya ka ba, eh ang ganda-ganda mo nga," aniya. Parang musika ang sinabi niya sa 'kin at talagang nag-echo pa sa isip ko ito. Ang ganda-ganda ko raw.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng kabog nito ro'n. First time kong masabihan ng isang lalaki na maganda ako. Buong buhay ko, hindi ko pa narinig 'yan dahil lang sa isa akong nerd sa paningin nila. Maraming tigyawat sa mukha at mga pimple marks, but thanks to magic, nawala na ang mga 'to kahit 'di ko alam kung paano.

Isinilip ko ang mata ko at mula sa isang ngisi, unti-unting gumuhit sa labi niya ang isang mapang-asar na ngiti. "Don't tell me, in love ka na agad sa 'kin?"

"Huy alam mo Seiko, mas makapal pa 'yung mukha mo sa hawak kong libro. 'Yung confidence mo, ibang level. Tapos 'yang ugali mo, hindi ko ma-explain at mukha ka ring titan!"

He smirked. "You know what, humahalik ako ng babaeng matalim ang dila," aniya saka siya tumayo mula sa pagkakaupo. Ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa lamesa saka siya yumukod. The last thing I know, I felt his lips on my forehead. He kissed me!

O-M-G. . .

Itinaas ko ang kanang kamay ko at sinubukan ko siyang sampalin ngunit nabigo ako dahil pinigilan niya ang kamay ko sa pagdapo sa kaniyang mukha. He smiled at lumitaw ang maputi at pantay niyang mga ngipin.

"Oh, wild. I like it," he said as he winked. Bad trip talaga ang lalaking 'to, mas nakakainis pa compared kay Tyler.

"Bitawan mo 'ko, Bastos!" bulyaw ko at binigyan ko ito ng pwersa. Despite of what I've said, I felt butterfly in my stomach. Parang may something sa sarili ko na gusto ko ang scenario na 'to with him—'di pwede 'to!

"Bwiset ka, naughty President!" sigaw ko't um-echo ang boses ko sa buong library. And now, all eyes on me. Nagtataka sila at 'yung iba parang galit na galit at gusto nang manakit.

I don't know how to handle my situation anymore. Ang gusto ko lang ay makalabas na sa lugar na 'to. Sahig, um-open ka please, baka naman.

Narinig ko ang mga boses nilang nagbubulungan pero hindi ito malinaw sa 'king pandinig kaya hindi ko alam ang sinasabi nila.

Buong lakas kong hinigit ang aking kamay at nagtagumpay naman ako. "K bye," sabi ko saka ako naglakad papalayo sa kaniya. I didn't bother to look back at nakayuko akong naglalakad. Ayokong makita ang mga reaction ng estuduyanteng nakasaksi sa katangahan ko. Baka ma-issue pa ako sa kaniya, pero sure. . .why not—no way!

Palabas na ako ng library nang, "Aray naman!" daing ko nang mapahinto ako sa paglalakad dahil bumangga ako sa matigas na bagay.

Nang itaas ko ang aking tingin, it wasn't the door or wall, it's Tyler's chest. Ang sama ng tingin niya sa 'kin, there's something in his eyes that makes me anxious. Kaya bago pa ako sapakin nito, as usual, I acted as if walang nangyari.

"Hala, ang tanga ko naman. Ba't ako bumabangga sa pader. Hayss, sorry pader. Love you, kbye."

Hahakbang na sana ako palayo nang bigla niyang hawakan ang braso ko. Sinusubukan kong kumawala, "Aray! Tyler ano ba," giit ko nang maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya rito.

"If you're going to leave, I'll kiss you right here."

Wait—ano raw?








Morore AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon