Prologue

822 17 0
                                    

Sabi nila masarap daw mag mahal , sobrang saya daw na hindi mona ma explaine.Pero hindi daw ma iiwasan ang masaktan, parte pa naman daw yon nag pagmamahal , kaya dapat kung mag mahal ka handa kanang masaktan.

Nag mahal ako ng maling tao,ang taong kahit kailan ay hindi ako nagawang mahalin,ang sakit pala noon na ako lang yong nag mamahal at ako lang din yong nasasaktan sa tuwing egnorahin nya ako na para bang hindi ako nag eexist dito sa mundo.Sobrang sakit na mahal ko sya pero may mahal syang iba.Ang tanga ko no ? Mag mahal na nga lang yong may sabit pa.

Pero yon siguro talaga yon,naka tadhana na siguro akong masaktan,siguro ito na yong papel ko dito sa mundo,ang masaktan at ang mag pakatanga sa isang taong hindi ako mahal.

Ginawa kona  lahat,sunubukan kong hindi sya pansinin,hindi tignan at pigilan ang nararamdaman ko pero ako lang din ang nag papahirap sa sarili ko.Hindi ko kayang hindi sya kausapin,hindi sulyapan,hindi ko yon kaya pakiramdam ko noon para akong inuunti-unting pinapatay.

Kaya kong tiisin lahat ,huwag nya lang akong iwan,huwag nya lang akong pabayaan.Hindi naman kasi kami ganito noon,pero bigla nalang syang nag bago nang malaman nyang buntis ako at sya ang ama,nag pakasal kami dahil sa nalaman yon ng pamilya ko at ayaw nilang masira ang pangalang HIDALGO,at alam naman nilang boyfriend ko sya at nag mamahalan kami,pero yon ang akala nila,Hindi na nya ako mahal simula noong nabuntis nya ako.

Naging cold sya,hindi na nya ako pinapansin,minsan nalang sya umuuwi,akala ng parents namin masaya kami at matatag,pero sa ikalawang pagkakataon,mali uli sila.

Were just pretending when there around,at sobrang sakit noon.Sa ngayon isang buwan na akong buntis peRo hindi ko pa din na ramdaman ulit ang pag mamahal nya ,ang pag mamahal nya noon,siguro hindi nya talaga ako mahal at ayaw nyang mag ka anak kaya sya nag ka ganoon, pero hindi ako susuko sa kanya hanggat kasama ko sya ipaparamdam ko sa kanya na sya lang ang mahal ko at wala nang iba,at sana maramdaman nya din yon at ma alala nya na nandito pa ako at buhay na buhay ,dinadala ang anak nya na sana ay mahalin nya kahit ito lang..

Nagising ako dahil sa alarm clock na tumunog ,ang ibig sabihin lang noon umaga na at kailangan ko nang bumangon para upag handa ang pam paligo ni Mark at ang susuotin nyang pang upisina.Mark Joseph Fajardo ang full name ng asawa ko ako naman ay si Angela o Angelica Hidalgo--Fajardo.

Tatlong linggo na kaming kasal,pero hindi ko pan nasilayan ulit ang sweet gesture ni Mark at ang pag ngiti nya sa tuwing makikita nya ako.Sobrang miss kona ang ugaling yoon.Linggo palang kaming kasal kaya hindi ko sya susukuan,siguro naman babalik pa yong dating kami.

Agad akong bumangon ng maka ramdam ako ng pag susuka kaya deretso agad ako sa bayo at dumuwal sa sink,pakiramdam ko,pati laman loob ko lalabas na,wala namang lumalabas na kahit ano pero na duduwal pa din ako.Ang hirap ma buntis na walang uma-alalay sayo,walang karamay sa lahat ng bagay ,pero para sa magiging baby ko, kakayanin ko kahit wala si Mark sa tabi ko tuwing ganito,ayos lang atleast hindi nya ako iiwan.

Nag mumug ako ng maramdaman kong hindi na ako na susuka,nag hilamos na rin saka nag bihis at hinanda na yong pampaligo ni Mark at susuotin nya.Saktong pag labas ko ng banyo ay siyang pag dating nya sa kwarto.Tuwing umaga kasi ay nag jo-joging sya at pag dating ng alasais impunto ay uuwi na sya para mag handa sa trabaho nya.

Hindi nya ako napansin dahil busy sya sa pag punas ng pawis nya sa katawan,hindi ko naman mapigilang titigan ang buo nyang katawan,para talaga syang greek god,sobrang gwapo nya,at ang perfect ng katawan ,pag sinabi kong perfect ,perfect talaga na halos kabaliwan ng lahat ng babae,kahit na nga bakla,kinakabaliwan sya,pero sorry na lang sila dahil kasado na ang kinakabaliwan nila at ako yong asawa nya.

"Good morning "Agaw ko sa atinsyon nya,at nag tagumpay naman ako dahil nilingon nya ako,pero parang gusto kong tumakbo palabas dahil sa sobrang lamig nang pag titig nya sa kin.Hindi sya umimik,nag lakad lang sya patungo sa kin na agad na mang kina react ng katawan at puso ko.Na nginginig ako at sobrang kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba,shit anong gagawin nya.Napa hinga ako ng maluwag ng nilag pasan nya lang ako at dumeretso na sa banyo, rinig ko ang pag sara nito,nilingon ko ang pintong yon.

Kailan mo ako bigyan ng halaga Mark ? Kailan mo ako mahalin ulit ? Kailan mo ibabalik ang dating tayo ?.

                         ~*~ 

"Good morning manang "Masigla kong bati kay Manang Linda ang kasama  namin dito sa bahay.Buti pa tong si Manang pinapansin ni Mark peron ako na asawa nya ni sulyap di nya magawa.Sobrang kasalanan na bang ma buntis nya ako ? Hayyyy..

"Gising kana pala , halika na't kumain na " Agad ko syang sinunod ayukong mapa galitan nya no. Ayaw na ayaw nya kasing pinapabayaan ko yong sarili ko lalo na't buntis ako. Baka daw kasi mapano ang bata,e sa ayaku kong mapano ang baby ko kya sinusunod ko sya.

"Kamusta , nagsuka ka nanam ba kanina ? Ayus na ba pakiramdam mo anak ? Wala bang masakit ?" Hayy kung ganito lang siguro ka ma alalahanin si Mark masayang masaya na ako,kaso si manang lang naman ang nag aalala sa kin ng ganito,isali na din natin ang parents namin ni Mark.

"Ang hirap po palang mabuntis manang, kada umaga nalng nag susuka ako pero wala namang lumalabas,pakiramdam kopo mamamatay ako"Pag susumbong ko sa kanya na ikina tawa nya nang mahina

"Ikaw talagang bata ka, natural lang ang ganoon sa buntis, dapat masanay kana,may mas malala pa dyan,mag lilihi kapa ng kung ano ano,tapos palagi kang aantukin,magiging matakaw ka at papangit ka "

"Manang nakakatakot na man yon,parang ayuko na pong mabuntis ulit "Mas lalo syang natawa sa sinabi ko.

"Pero worth it naman lahat ng hirap pag nai silang muna ang baby mo,huwag kanang matakot dyan"

"Exited na po akong lumabas sya "Naka ngiti kong sabi.

"Ano bang gusto mong gender ng bata ,nak ?"

"Kahit ano manang,wala akong paki alam sa gender,basta malusog sya at ma alagaan sya ng husto"Napa ngiti sya sa sinabi ko.

"O siya tama nang kwento, kumain kana,at baka gutom na si baby,si Mark ba hindi pa din tapos sa itaas ?"

"Naliligo na po sya pag kababa ko Manang "Sagot ko.

"Ganoon ba ,osige kain kana,bababa na din yon pag tapos na"Kumain na ako ng hinanda ni manang na almusal , tinimplahan nya na din ako ng gatas.Gusto ko sana kape,kaso bawal sa baby,yon ang sabi ni manang,daming bawal pag buntis,pero okay lang.

                         ~*~

Mga ilang sandali ay bumababa na din si Mark with his usual suit.Ang gwapo talaga ng lintek.Kahit siguro pasuoti to nang basahan,gwapo pa din,sana kung lalaki ang anak namin,magiging kamuka nya at kung babae naman dapat kamuka ko.Dapat lang no ako ang ina no,ako ang nag silang kaya dapat ako ang kamuka pag babae.Pag katapos kumain ay kay manang lang siya nag pa alam,hindi nya man lang ako tinpunan ng tingin,basta nalang sya nag lakad pa labas ng bahay.Nag katingina kami ni manang at malungkot nya akong tinitigan .

"Masasanay din ako manang"Malungkot kong pag kakasabi.

"Huwag kalang sumuko anak at ipa kita mong mahal mo sya,mag babago din yon"Ngumiti nalang ako sa kanya,bago sya tumalikod ay may binuling pa sya na hindi ko naman na rinig dahil sa sobrang hina nito.

"Sana huwag kang mapagod sa kanya ,sana hindi pa huli ang lahat pag nangyari yon"

~jard~

Journey Of Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon