Epilogue

4.1K 133 56
                                    

"Every story has an ending. But in life every ending is just a new beginning."

🌻🌻🌻

Walang mapaglagyan ang ngiti sa labi ko. Umikot ako sa harapan ng salamin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.

Ako ba talaga 'to?

Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari ngayon. Basta ang alam ko lang ay napakasaya ko. Naputol ang aking pagmumuni nang may kumatok sa pintuan.

"Come in."

Sinunggaban naman ako ng yakap ni Haley.

"Beshie! Are you excited na ba?" natutuwa niyang sabi sa'kin.

"Sobra, pero kinakabahan din."

"Basta beshie, enjoy you lang ang moment okay?"

"I will."

Ilang minuto pa ang nakakaraan, may biglang pumasok. This time, it's sissy.

"Bunso! Ang ganda mo!" pagbibigay niya ng papuri sa'kin.

"Mana sa'yo e, hahaha!" pabiro kong pahayag.

"Proud make-up artist here," singit naman ni Haley. At 'yon na nga, nagtawanan na kami.

Marami pa silang kinuwento sa'kin para 'di ako maboring. Pero kahit ano yatang pakikinig ko sa sinasabi nila, hindi pa din maalis sa sarili ko na kabahan.

Ganito pala ang pakiramdam na ikakasal?

"Sige beshie, we're aalis na. Nandiyan na si tita e."

"Bunso, don't forget to smile? Dapat maganda ka."

Tanging tango na lang ang sinagot ko. Sa sobrang lipad ng utak ko, hindi ko namalayan na nandito na pala si mama at mommy.

Nagulat pa nga ako nang makita sila na naiyak.

"Tigilan niyo ang pag-iyak. Baka mapa-iyak na din ako dito," nakangiting pahayag ko.

"Masaya lang kasi ako na makita ka na ganyan. Parang dati lang, sanggol ka palang at inaalagaan kita. Ngayon, ikakasal ka na," madamdaming sambit ni mommy. Halos manlambot naman ako sa narinig ko.

"Mommy, sayang effort ni Haley sa pagme-make up sa'kin. 'Wag niyo po ako pa-iyakin."

Pinipigilan kong 'wag maluha. Pero kapag pala lalo mong pinipigilan, lalong mangyayari.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Napatingin naman ako kay mama.

"Natutuwa ako para sa'yo, anak. Siguradong natutuwa ang papa mo kapag nakita kang ganyan."

Napangiti naman ako. Alam kong masaya si papa para sa'kin. Siya pa ba? He's the second man I've ever loved. Siyempre, first man na mahal ko ay si God.

Then the third? Itago nalang natin siya sa codename na honey.

"Naiiyak na talaga ako!"

Heaven's Last Cry (COMPLETED)Where stories live. Discover now