A Musical Love: For the Love of Sparks

369 4 4
  • Dedicated kay Raymond Reyes
                                    

Chapter 1: First Day......First Impression

3 words to describe this day,Masaya mainit at nakakapanibago.Nagtataka siguro kayo kung bakit may salita nanakakapanibago. Nakakapanibago kasi bagong salta ako sa papasukan kong school. Bago ko na rin makalimutan, ako nga pala si Karisse Emma L. Ramirez . Karisse na lang for short. Isa lang naman akong third year highschool student na transferee sa St.Jerome Emiliani Institute. Yupp, kung kailan graduating student na next year, doon pa lang naisipang lumipat. Ganoon talaga ako kagulo magdesisyon. And the story behind that will just take decades kung iisa-isahin ko pa. But don't worry, mapapasama pari ito sa aking istorya.

Unti palang ang mga estudyante,medyo maaga kasi akong hinatid ng service ko. Correct! Third year highschool na pero hinahatid-sundo pa ako. By the way, I went all my way through the hallway. May kahabaan ito at nahahati sa dalawang building. Tinungo ko ang daan patungong 4th floor kung saan naghihintay ang magiging bagong buhay ko bilang isang highschool student. Emptiness covers me as I step closer to my new classroom. I feel like I'm on a foreign land who does not know or even recognize the faces that welcomed me as I enter the classroom.

"Goodmorning Ate!" bungad sa akin ng isang lalaki.

T-teka, tama ba ang classroom na napasukan ko? I must be on the wrong classroom... Pero hindi e. III- Justice ang section ko at III- Justice ngang etong napasukan ko. So, ito nga iyon. May isa ring lalaking lumapit sa akin.

"Hello, New student ka? Welcome sa SJEI. Pagpasensyahan mo na lang itong mga bago mong kaklase ha. Ganyan lang talaga sila. By the way, ako pala si-"

"Sige, nice to meet you din. Dito nalang ako uupo malapit sa pintuan. Salamat." pagputol ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit naging ganoon kaagad ako, siguro natetense pa, kaya medyo nasungitan ko. But I just smiled at him when I realized na napatigil siya sa biglaan kong pakikitungo sa kanya.

I sitted near the door at doon nanahimik. Nakatanaw ako sa labas. Wala halos pumapasok as isip ko kundi ang dati kong school. A sudden silence covers me. Naaalala ko pa lahat and they're still fresh in the back of my mind. Nakakalungkot lang isipin na wala na ako doon.

...........................

Teka, bakit ang dati kong school ang inaalala ko? Nakakaramdam tuloy ako ng school-sickness. Next week pa ang start ng klase doon, 15th of June 2011... and every 15th of the month ang mismong -----, Nah! I should have stop thinking about 'that'. Dapat nandito na nakatuon ang atensyon ko at hindi na sa nakaraan.

Maya-maya ay may pumasok na ring babae. A short-haired girl. Sa likod siya umupo 3 seats lang ang pagitan namin. Hindi naman din siguro ako nagkakamali na baka new student din siya tulad ko. Another girl entered the classroom, may kalakihan ito. She sat beside me. Another new student, I guess? Afterwards, nagring na ang bell, hudyat na bababa na,pero ano bang meron? May nag-anyaya sa amin ng katabi ko na sumama na sa kanila sa pagbaba, at sumunod nalang kami. Sa kubo muna kaming lahat naupo.

Naninibago parin ang lahat,tahimik parin kasi. Simpleng tinginan kami sa isa't isa, medyo nakakailang lang din kasi hindi ko pa kilala ang mga kasama ko. Pero may isa na sa amin ang nagsimulang putulin ang katahimikang bumabalot sa amin sa loob ng kubo.

"Ano bang meron at ang tatahimik ninyong lahat? May mga bago tayong kasama dito o." Panimula ng isa sa aming mga babae. " Ano pala pangalan mo?" tanong niya sa akin.

"Karisse." mahina kong sagot.

"Ha?" tanong naman ng isa na mukhang hindi ata narinig ang sagot ko.

"Kasasabi lang na Karisse e. Kung hindi ka ba naman bingi ." Pangangantiyaw naman sa kanya sa isa pa naming kasama. " Saan ka galing na school Karisse?"

A Musical Love: For the Love of SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon