Chapter 4: Notebook....First Conversation

122 2 0
  • Dedicated kay raymond reyes
                                    

"Class,I was quite dismay with the results of your first quiz." panimula sa amin ni Ma'am nang makapasok siya sa aming classroom na dala-dala ang aming mga quiz notebook. It's been 3 days after naming magtake ng quiz and I wonder kung anong score ko.

"Mahirap ba ang quiz? Unang quiz pa nga lang at memorization palang ng specific names ang nasa quiz diba? Wala pa nga ni isang computations. What happened? Iilan lang ang nakapasa at halos mababa, lalo na sa boys." dismayadong sabi ni Ma'am.

"But one of you got only two mistakes and I was pleased. Ibig sabihin,hindi parin ganoon kahirap ang binigay kong quiz sa inyo."

Isa sa amin? Sino kaya ang maswerteng tinutukoy ni Ma'am?

"She got 18 out of 20." aniya.

She? So, isa sa aming mga babae.

"Malalaman niyo lang kung sino ang tinutukoy ko kapag binigay ko na sa inyo ang inyong nquiz notebook." Nagtawag si Ma'am ng dalawang estudyante na magbabalik sa amin ng aming quiz notebook.

I got mine. Kinakabahan ako sa score ko. Ano kaya ang score ko? Sana hindi mababa. Binuklat ko nga ang notebook at pikitmata ako habang binubuklat ito. Nagulat ako sa nakita kong score. Kitang kita ko kaagad dahil sa malaki ang remark nito at pula pa nag tintang ginamit sa pagsulat ng score.

"She got 18 out of 20."  naalala kong sabi ni Ma'am.

A-ako ang tinutukoy ni Ma'am. 18 out of 20 din kasi ang score ko.

"Pwede ko na bang malaman kung sino ang nakakuha ng 18 out of 20?" tanong ni Ma'am sa buong klase. Tinginan ang buong klase sa isa't isa. Iyong iba ay sumusulyap sa notebook ng iba para malaman kung sino sa kanila ang tinutukoy ni Ma'am.

"Ui,Karisse. Sabihin mo na ikaw yun." bungad sa akin ni Ace na hindi ko man lang namalayan na sumulyap sa notebook ko.

"Nahihiya ako."

"Sige na, sabihin mo na bago pa kumulo ang ulo ni Ma'am sa kakatanong." pagpupumilit ni Ace sa akin.

Oo,nahihiya nga ako dahil hindi ako sanay sa ganoong style.

"Ma'am.... A-ako po ang na-nakakuha ng s-score na i-iyon." pautal kong sinabi. Nasa harap lang din naman ako kaya di ko na kailangang tumayo pa. Nagtaas nalang ako ng kamay. Nahihiya talaga ako kahit na wala naman ako dapat na ikahiya dahil hindi naman ako bagsak.

Bumaling nga ng tingin sa akin si Ma'am, "Ikaw ang new student dito diba? Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"Karisse po,Ma'am. Karisse Ramirez."

"Karisse, I was quite impressed for your good start. Medyo malayo nga ang agwat ng score mo mga kaklase mo."

Hindi ko alam kung ako ba ay pinupuri ni Ma'am, o kung pinaparinggan niya ang mga kaklase ko? And that was the thing I hate. Ayokong kinukumpara ang grades ko sa iba. Que mataas man ang nakuha ko o hindi. Para sa akin kasi ay iba-iba ang kapasidad ng kakayahan ng isang tao in a given subject. Not everyone can be as good as me, but it's still not the right thing to compare, I may not be also as good as them in other subjects or areas at alam kong patas lang iyon. Saka, first quiz pa lang naman kaya siguro okay lang yun.

Ngumiti  nalang ako sa naging komento niya kahit sa loob ko ay napilitan lang akong ngumiti. Imbis na mairita ako, ay nakinig nalang ako sa lecture ni Ma'am and thankfully mabilis ang takbo ng oras kaya hindi ko na  namalayan na recess na pala.

"Ui, napaimpress mo kaagad si Ma'am. Ikaw kaagad nakakuha ng highest." puri sa akin ni Denise na katabi ko ding nagaayos ng locker ko.

"Salamat Denise." pangiti kong sabi.

A Musical Love: For the Love of SparksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon