Problem

7.8K 173 3
                                    

Hindi makapaniwala si Regine na ganto ang mangyayari sa salon and parlor niya sa East mall, dahil nga nagiliw siya sa mga inaanak niya na sila Wennie at Lanz na anak ng mga bestfriend niyang si Eveory at Judie, ay pinagkatiwala niya ang branch niya sa East mall sa kanyang manager na si Lyka. Hindi niya inaasahan na sa isang buwan niyang pagkakawala ay pagnanakawan pala siya nito at siyang magiging dahilan para malugi ang salon and parlor niya.

Kaya nga ng dumating ang notice mula sa bagong CEO ay hindi siya makapaniwala,  dahil naalala niya na naayos na niya ang kumuntikan na pagteterminate sa kanya, three years ago. Pero daig niya pa ang nabagsakan ng buong mundo ng malaman mismo sa mga tauhan na naubutan niya sa parlor na ilang araw na palang hindi pumapasok si Lyka,tangay ang lahat ng pera na kinita ng salon niya sa loob ng isang buwan. Ni hindi pa nga nito pinapasahod ang mga beautician niya at ang mas malala ngayon niya lang nalaman na tumatangingting na 2.3 million ang utang niya sa East mall dahil sa loob ng dalawang taon ng kanyang manager na si Lyka sa kanya ni minsan pala ay hindi nito binayaran ang renta ng kanilang parlor.

Kaya naman lugong-lugo siya habang nasa sariling office niya sa East mall sa loob ng salon niya. Napasandal na lang siya sa kanyang upuan ng mabasa ang lahat ng reports about sa finaces ng kanyang salon. Dalawa ang salon niya, isa sa East mall at ang isa ay around sa Makati ,dahil nga madalas siya sa lugar ng mga kaibigan ay mas nagfocus siya sa branch niya sa Makati, not knowing na palubog na pala ang branch niya sa East mall.

Nakarinig siya ng sunod-sunod na katok kaya napaayos siya ng upo .

"Pasok. "Matamlay niyang sigaw .

"Ma'am, excuse me po. Pinapatawag daw po kayo ng CEO sa office niya. " Mabilis siyang napatayo, kasabay ng pagdaloy ng kaba sa kanya.

Gad! Ngayon na ba iteterminate ang salon? Sana naman wag, pagnagkataon kawawa ang mga nagtratrabaho saakin.

"Salamat Mel, give me some minute. " Pagkasabi niya noon ay inayos niya muna ang sarili saka lumabas ng office niya. Nadaanan niya ang halos labing dalawa niyang beautician sa salon pati na si Mel, na receptionist niya. Ngayon palang na naiisip niyang mawawalan ng trabaho ang mga ito ay napakabigat na sa puso niya.

Arrh! I need to do something, hindi pedeng magsara ang salon. Hindi ko sila kayang pabayaan.

Limang taon na ang salon niya sa East mall at limang taon na rin si Mel pati na ang iba niyang beauticians na nagtratrabaho sa kanya. Tatlong taon naman ang salon niya sa Makati at alam niyang hindi kakayanin ng branch niya roon kapag ang lahat ng mawawalan ng trabaho sa 'RE's Beauty' niya dadalin niya doon.

Agad siyang sumakay ng elevator saka pinindot ang 7th floor, doon kasi ang office ng bagong CEO. Mag-dadalawang linggo simula ng mapalitan ang dating CEO na si Mr. Florarez, matanda na kasi ito kaya nabalitaan niya na ipinasa na nito sa apo ang posisyon .

Pagkarating roon ay isang malaking silver door ang sumalubong sa kanya, pero bago siya makapasok ay nadaanan niya muna ang isang pahabang mesa kung saan tatlong babae ang nandoon.

"Good afternoon,pinapatawag daw ako ng CEO. "Pinilit niya pang ngitian ang tatlo para hindi mahalata ng mga ito ang kaba niya.

"Name please?" Tanong ng isang babae na nasa kanan. Alam niyang bago ang mga ito dahil sa limang taon niya sa East mall ay hindi naman ito ang mga nakakaharap niya.

"Regine-- Regine Yhina Estivon. "Mabilis naman tumingin sa monitor ng computer niya ang babae saka ngumiting bumaling sa kanya.

"This way ma'am. "Sumunod naman siya sa paglalakad nito at saktong huminto sila sa malaking silver glass door na nakita niya mula sa elevator.

Kumatok ang babae bago sumilip.

"Sir, Ms. Estivon is here. "Pagkasabi noon ay nilakihan nito ang bukas ng pinto,nagpasalamat siya sa babae pero bago siya pumasok ay huminga muna siya ng malalim.

"Good Afternoon sir. " Gusto niyang palakpakan ang sarili dahil hindi nagkabuhol-buhol ang salita niya, pero napakunot -noo siya ng makitang nakatalikod ang office chair nito.

Hindi ba niya narinig ang sinabi ng secretary niya kanina?

"Sir? " Tawag niya ulit at ng umikot ito ay halos malaglag ang panga niya ng makilala ang mukha lalaking kaharap.

Tyron!

"Good afternoon Ms.Estivon. " Seryoso ito pero hindi niya pansin iyon dahil ang mas concern niya ng mga oras na yon ang ang puso niyang nagwawala-- nagwawala sa galit.

"You! " Alam niyang mali pero naging matalim ang tingin niya sa lalaki pero mukhang hindi nito alintana iyon bagkus ay tumayo ito saka seryosong itinuro ang couch na nasa harapan ng table nito.

"Have a seat Ms. Estivon. " Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay may galit ang pagkababanggit nito sa pangalan niya .

Hmm! Bakit naman siya magagalit?  Siya nga itong may atraso sakin!

Kahit na labag sa damdamin niya ay naupo siya sa kaharap na kanang couch samantala ito ay nasa gitnang bahagi.

"Would you like some to drink? " Seryoso itong nakatingi sa kanya ,hindi niya alam kung bakit parang hindi lang pisikal ang nagbago sa kaharap mukhang pati ang pag-uugali nito ay nag-iba.

"Water will do. " Sandaling may pinindot ito sa gilid ng small table nito na katabi ng couch .

"Bea, take me a coffee and a water. " Narinig niya naman na nag'yes sir' ang nasa kabilang linya. Ilang sandali lang ay pumasok na ang babaeng kaninang nag-assist sa kanya at ngayon ay dala na ang inutos ng boss nito.

"So, ms. Estivon, hindi na ko magpapaligoy-ligoy. You need to leave the East mall as soon as next week, if you can't pay the debts of your salon." Halos mahigit niya ang paghinga, kalalabas pa lamang ng secretary nito ay ganon agad ang ibinungad nito sa kanya.

Gad! What should I do?

My Dream Husband (The Final Book: The Deal)Where stories live. Discover now