Chapter Eleven : The Man-Hater is Back!

2.7K 136 10
                                    

CHAPTER ELEVEN

[CHRISTOPHER]

            It has been three months… three months since huling nakausap ko ng maayos si Christine. Honestly, wala na akong pakialam… I’m back to my old self… actually ganun naman talaga ako, nag-aadjust lang talaga ako nung first week ko sa St. Therese. I’m back to being the bad boy slash playboy ng campus… at si Christine? She’s back… by that I mean man-hater na ulit siya.

            Obviously, panalo ako sa bet namin pero… wala akong naramdaman na accomplishment. Kasama pa rin ako sa banda but… di kami nagpapansinan ni Christine… at hindi na rin kinakausap ni Christine si Logan at Dale unless na kailangan talaga. Balik na siya sa dati niyang ugali, ang pagka-anti social na masungit… at most of all GALIT na GALIT sa lalaki.

            Dumating na ulit sa point na nambubugbog at namamahiya na siya ng lalaki na nakikita niyang nananakit ng babae, ang ipinagtaka ko lang eh kung bakit marami pa rin siyang tagahanga. Mapa-lalaki man o babae! Masokista ba yung mga lalaki dito? Jusko po, nakakahiya sila.

            Ang maganda lang eh masasabi ko na katapat ko na ang level ni Christine… haha… sikat na rin ako sa campus no! But I have to admit… nami-miss ko si Christine but there’s simply no point… Christine HATES me. Tuwing magkakasalubong kami eh halos patayin na niya ako sa titig palang niya pero ginagantihan ko lang siya ng ngiti o kaya kinikindatan ko lang siya. Ganun talaga, mas maayos na lang siguro na ganito kami.

            “Pre, di ko na alam ang gagawin ko… bakit ba biglang nagkaganun si Chris? Di ba niya man lang inisip ang mararamdaman ko? Natin?” matamlay na tanong ni Logan. Magkakasabay kaming kumakain nila Logan at Dale sa school canteen. Ganito na yung banda kadalasan, nahahati kami dahil kasama naman ni Christine si Alexis at Jean. Araw araw na rin na tinatanong ni Logan kung bakit nagkaganun si Christine at syempre wala akong balak na aminin sa kanila ang kagaguhan na ginawa ko.

            “Ala tayong magagawa eh, bigla na lang siyang nagkaganyan. Hindi man nga lang siya nagbigay ng paliwanag sa atin.” Sabi naman ni Dale.

            “Actually guys, may aaminin ako.” Pero hindi ito ang iniisip niyo. “Ganyan siya talaga nung high school. Man-hater talaga si Tin dahil sa dad niya, ayaw lang niyang paalam ito sa inyo… ang hindi ko lang alam eh kung bakit naiba bigla yung ugali niya.” Sabi ko.

            Mukhang naguluhan si Logan sa sinabi ko. “Wait… bakit di mo agad sinabi? Kailangan ko siyang kausapin, mahal ko pa rin siya… di niyo ba alam kung gaanong nasaktan ako ng tinawagan niya ako at sinabi niyang itigil ko na yung panliligaw ko sa kanya?” halos maiyak na si Logan.

            Honestly, nagui-guilty ako ng sobra sobra sa ginawa ko, kaibigan ko pa rin si Logan at alam ko naman na patay na patay ito kay Christine. Ngayon na nakikita ko na nasasaktan siya eh awang-awa na ako sa kanya… mukhang sleep deprived siya at medyo nangayayat rin siya.

            “Logan alam kong masakit yun para sayo pero… ni ayaw na nga tayong kausapin ni Chris ngayon eh” nagbuntong-hininga si Dale.

            Ayoko na… nakokonsensya na ako… pero ayokong sirain ang pagkakaibigan namin nila Logan at Dale eh.

The Secret of The Man HaterOnde histórias criam vida. Descubra agora