Chapter Twelve : Heroes

2.7K 142 11
                                    

CHAPTER TWELVE

[CHRISTINE]

            Bato na kung bato… Kung bato ang puso ko paano pa kaya yung sa kanya? Naiintindihan ko naman siya eh… pero ayoko nang magtiwala pa sa mga lalaki kailanman, nang minsang magtiwala kasi ako… nasira lang ito kaya what’s the point?

            Umattend na lang ako ng klase pagkatapos, gabi na nang matapos ang klase namin. Dumerecho ako sa address na ibinigay ng babae kanina at buti na lang at may duplicate pala siya ng susi rito kaya nakapasok ako agad. Wala pa palang tao, anong klaseng lalaki naman ito? Siya etong magyayaya tas siya pa etong magpapahuli… mahiya naman siya ng kaunti. Di bale.. bugbog naman ang aabutin niya sa akin eh.

            “Babes, sensya na at na-late ako… na-receive ko naman yung text mo eh” bumukas yung pinto at nakita kong pumasok si Lemuel. Laking gulat lang niya ng nakita niya ako na nakaupo sa sofa niya.

            “Hello” ngiti ko.

            “Teka ikaw yung Chris ah?! Paano ka naman nakapasok dito?” napasigaw siya.

            “Ka-flatter naman at kilala mo ako… narinig ko lang naman ang usapan niyo ng girlfriend mo kanina at naisipan kong tulungan siya… threatening rin yung ginawa mo eh” sabi ko habang tumayo ako sa sofa.

            “Nyeta naman ni Pam” sabi niya, pero bigla siyang nangiti. “Di bale… mas maganda ka naman sa kanya eh”

            “Tsss… anong ibig mong sabihin? Kaya mo ba ako?” katuwa naman etong lalaking ito kung makaasta akala mong mas malakas sa akin.

            “Kung mag-isa ako malamang sa hindi eh… pero… sensya miss… marami kami” lumingon siya bigla “Oy… tara na” may tinawag siya.

            Fudge… biglang nagpasukan ang apat pang lalaki, mga ka-member siguro ng frat niya… takte… naloko na. “Papalag ka pa ba?” hamon sa akin ni Lemuel. Hindi ko na lang pinahalata ang nerbyos na naramdaman ko, minsan nakakabwisit rin ang pagka-pakielamera ko noh?

            Kinuha ko yung lampshade na nasa ibabaw ng drawer saka ko ito hinagis sa kanila. Napamura sa gulat yung mga lalaki saka biglang sumugod sa akin. Buti na lang at may dala akong t-square. Sapat na yung weapon ko…

            “Takbo lang… akala mo makakatakas ka” tumatawang sabi ng isa sa kanila… kainis to ang yabang, ayun tuloy hinampas ko nga… pati yung isa pa. Bigla na lang akong nakaramdam ng sakit at napaluhod ako sa sahig. Nakalimutan ko si Lemuel… langya… Hinampas ako ng dustpan ang sakit kaya.

            Hinila ni Lemuel yung buhok ko. “Yan tuloy, mapapahamak ka pa” sabi niya. “Oh ano, okay to di ba? Mas maganda pa to sa girlfriend kong cheap… Sino ba mauuna?” tanong niya.

            Fck. Kailangan kong makaalis dito.. delikado na.. nakita kong papalapit na yung isang lalaki, siniko ko si Lemuel saka ko sinipa sa crotch area yung isang lalaki, medyo mahapdi pa rin yung likod ko pero tiis lang kaysa naman ang ma-rape ako ng mga to. Kinuha ko ulit yung t-square saka ko hinampas yung iba. Nung nabali na yung t-square ko, nag-rely na lang ako sa physical strength ko.

The Secret of The Man HaterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon