JOS: 55

56 2 0
                                    



Third person's pov..

"humanda ang lahat magkakaroon tayo ng salo salo, dahil nasa atin na ang anak ng mag asawang villasquez" sabi ng kanilang supremo na si cris

"woooohooooo!" sigaw ng lahat.

Napagdisisyunan na din ng kambal na sa oras ng pagsasalo salo saka nila ilalabas si yhoana dahil ang lahat ay nasa hall dahil sa celebration yun ang naisip nilang pagkakataon para patakasin si yhoana.

Nasa hall na ang lahat at nagkakainan, magkasam sa iisang lamesa sila cris ang supremo, si colleen, si beck at brian. At nasa unahan ang kanilang pwesto kung saan kita ng lahat.

"supremo cr lang ho ako" paalam ni beck. Tinanguan naman ito ni cris.

Iyon na ang hudyat ng kambal para iligtas si yhoana, ang paalam ni beck ay mag c-cr ito pero sa kwarto kung asan si yhoana ito tutuloy. Habang si brian ay bantay kung may pupunta bas a pwesto kung saan nandon si yhoana.

"ang tagal naman ng kapatid mo bri asan naba yon?" tanong ng supremo sa kanya.

"ah baka ho nagyosi na naman supremo" sagot ni brian

Pinagpatuloy na lamang ng supremo ang pagkain nya, si brian naman ay pakonti konti ang subo dahil nagmamasid ito sa paligid.

"SUPREMO NAWAWALA ANG BIHAG!" sigaw ng sino man.

"ANO?!! SINONG LAPASTANGAN ANG NAGPATAKAS SA BIHAG?! HANAPIN NYO SYA!" sigaw ng supremo, napatayo naman si brian para mag hanap nadin dahil baka mahuli ng kung sino man si beck at yhoana.

"brian san ka pupunta?" pigil ni cris kay brian.

"hahanapin ang bihag supremo" sagot ng binata.

"ang kapatid mo asan?" tanong nit okay brian

"hahanap—"

"bakit supremo? Anong problema?" tanong ng bagong dating na si beck.

"nakawala ang bihag! Hanapin nyo sya at dalhin sakin!" dali dali naman sumunod sa utos ng supremo ang dalawa.

"mapapatay ko ang kung sino mang nagpatakas sa bihag! Sundan ang kambal" sabi ni cris sa natitirang tauhan sa tabi nya. May kutob sya na ang kambal ang may gawa nuon.

Sa kabilang banda..

Pinuntahan ng kambal kung saan ito iniwan ni beck at naabutan naman nila na may mga tauhan ni supremo ang nanduon.

"sino hinahanap nyo jan?" tanong ni beck.

"ang bihag boss" sagot ng isa.

"wala jan ang bihag natingnan na namin jan" sabi ni brian. Tumango naman ang mga tauhan at saka umalis,

"yhoana labas kana jan, itatakas kana naming dito, delikado nalaman na nila na nakawala ka" sabi ni beck.

"natatakot ako beck brian, baka kung ano mangyare satin dito, ang dami nila samantalang tatlo lang kayo."

"wag kang mag alala parating na ang tulong natin yhoana,mag tiwala ka. Wag kang hihiwalay samin"

Paalis na sana ang tatlo ng may mag salita sa likod nila.

"TAKSIL!! Sabi ko na kayo ang may dahilan kung bakit nakawala ang bihag na yan, mamamatay kayong tatlo! Kunin sila at dalhin sa hall ngayon din" sigaw ni supremo sa kanila.

S1 -Just One SnapWhere stories live. Discover now