Chapter Four

226 10 0
                                    

Mag-isa akong nakaupo sa table na nasa dulo ng canteen habang kumakain sushi. I was savoring every bite na tahimik at walang kausap. Ng bigla na lang may humablot ng mga bakanteng upuan sa mesa ko at umupo rito.

"Samahan ka namin. Ang lungkot mo tignan eh." Napailing nalang ako sa sinabi ni Easton at natawa.

"Hindi naman ako malungkot eh. Pero sige, kung gusto niyo ako samahan then sure."

Apat lang silang sumama sa akin dahil daw si Saturn may practice ang basketball team, at si Drexell naman ay kasama ang girlfriend niya. I didn't know na may girlfriend pala ang isang yun. Sabagay di pa naman talaga kami naguusap dahil nakakatakot siya. Para siyang taong binalutan ng yelo dahil sa lamig ng facial expression niya pati narin ang mga mata niya.

"Baka kasi maiyak ka sa kalungkutan dito Eca." Umismid lang ako sa sinabi nila at tumawa.

Kahit dismissal na ay open parin ang canteen, maybe because marami parin nagsistay kahit super late na. At isa kami roon. After this, ay pupunta pa ako sa gym para tignan ang mga kailangan ni Saturn pagkatapos naman ay derecho na kaming dalawa sa library para magdiscuss kasama ang mga groupmates namin para sa project ng isang subject.

"Una na ako boys ha? Pupuntahan ko pa si Saturn." Tumayo na ako pero hinawakan ako ni Easton sa sleeves.

"Ikaw ha. Anong meron sa inyo ni Saturn? Bakit ka laging nandyan sa tuwing may practice siya o game?" winakli ko yung kamay ni Easton at hinampas ko siya ng pabiro.

"Alam mo namang nagbabayad lang ako ng utang na loob eh!" tumawa pa sila pero patuloy lang akong nagmarcha pumunta sa gym. Sa labas pa lang ay umaalingaw-ngaw na yung sigaw ng mga babae sa pangalan ni Saturn.

Dumirecho lang ulit ako sa unahang bleacher kung saan nakalagay ang black niyang bag. Sa ilang linggo kong pagsama sa mga practice ni Saturn ay alam ko na ang itsura ng mga gamit niya. Nagsscroll lang ako sa phone ko dahil naumay na akong manood ng game nila.

Di ko na namalayan na natapos na pala. Naramdaman ko lang ang pagtabi ni Saturn sa akin habang iniinom yung tubig na dinala ko para sa kanya.

"Galing ko no." pagmamayabang niya sa akin. Nagkibit balikan lang ako sa kanya at ngumiti.

"Di ako nanuod eh. Hehehe." Nawala ang ngiti ni Saturn at napalitan ito ng inis. Kaya natawa ako ng wala sa oras.

"Wag ka mag-alala, manonood naman ako sa game mo eh. Doon mo nalang patunayan na magaling ka." Pang-asar ko sa kanya. Kinurot niya ang mga pisngi ko at inistretch ito. Tinampal ko kaagad ang mga kamay niya at nasabihan pa ako ng 'arte'. Eh kung binatin ko din kaya pisngi niya.

"Tara na sa lib. Nagaantay na yung groupmates natin." Tumayo na ako pero hinila niya paupo.

"Magbibihis lang ako. Atat na atat ano ba yan." I scrunched my face nung tumalikod siya. For the nth time ay nag antay nanaman ako sa kanya.

Pagdating namin sa library ay andoon na ang mga kagrupo namin at tila pinaguusapan na nila ang mga dapat na gagawin.

"Late nanaman kayo." Nakangiting sabi ng group leader naming si Rosalie. Kaya ngumiti din ako sa kanya.

"May practice ako eh." Pageexplain naman ni Saturn.

"Anyways tapos na kami mag discuss. At dahil lagi naman kayong magkasama kayo na sa conclusion at sa mga reference." She forcefully shoved the papers on me kaya muntik na akong matumba. Mabuti na lang at nahawakan ako ni Saturn.

Hindi man lang nagsorry si Rosalie at patuloy lang na naglakad palabas ng library. Kasunod niya ang mga iba naming kagrupo na tila naguluhan sa nangyari.

The Gullible ChicWhere stories live. Discover now