Chapter Nine

162 11 0
                                    

Staying at home while having a not-in-a-good-condition knees, isn't the best thing on this planet. Pakiramdam ko ay sobrang panget ko sa araw na ito.

I'm literally not in my best form. Suot suot ko ay beach short at ang t-shirt na pinaglumaan na ni Papa, yung patapon na damit. My hair is messy for not combing it two days straight. Magang maga ang mga mata dahil kakapanood ko lang ng The Notebook.

Tinatamad na naghahanap ako ng movie sa Netflix ng tumunog ang doorbell namin. Mabuti at andito ang house cleaner ngayon at siya ang tumingin kung sino ito.

"Ecs, may naghahanap sayo. Ka-klase mo daw." Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Papasukin mo nalang ate."

Pinagpatuloy ko ang pahahanap ng movie ng na-alala ko kung anong klaseng itsura ang meron ako ngayon. Inabot ko ang crutches ko para makapunta sa kwarto ko but it was too late. Gusto kong magmura pero pinigilan ko ang sarili ko.

"H-hi?" awkward na bati ko. He only looked at me from head to toe at nailing.

"Lalo kang pumanget." Ngumuso ako at inilapag nalang muli ang crutches ko.

"Anong ginagawa mo dito Saturn?"

Padabog niyang binaba ang isang notebook sa coffee table. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako na para bang ang shunga shunga ko.

"Kainin Eca." Umirap siya kaya hinampas ko siya.

"Notes." Tinaasan ko siyang muli ng kilay.

"Leche ang slow naman nito. Notes yan ng mga namiss mo sa klase."

Unti unting umangat ang gilid ng mga labi ko. Di ko mapigilang hindi kiligin.

"Nux! Ang sweet naman." He frowned.

"Kinulit kasi ako ni Hera na magsulat ng notes para sayo."

Hang in there smile. Wag mokong iwan sa ere.

"Ganun ba? Sige pasabi salamat."

"Tss. Tas sa akin walang salamat?" pinatong niya ang paa niya sa coffee table na agad ko namang tinampal.

"Eh napilitan ka lang magsulat eh."

Hinawakan niya ang dibdib niya at umawang pa ang labi niya. Nasaktan kuno siya sa sinabi ko.

"Eca, napilitan man o hindi nageffort parin ako!" bulyaw niya sa akin.

"Oh edi thank you." Ngumuso ako para pigilan ang pagngiti. Lalo na nung bumakas na ang frustration sa mukha niya.

"Eca!"

"Ano! Wag moko sigawan, magkatabi lang tayo eh." he giggled at sinakal ako ng pabiro gamit nag braso niya.

"Ang sungit mo nitong mga nakaraang araw, Eca. Meron ka ba? Gusto mo bilhan ulit kita napkin?" tumawa siya na parang baliw at pakiramdam ko naman ay umakyat lahat ng dugo ko mula ulo patungo sa mukha.

"Pumunta ka lang ba dito para mang-inis?" tanong ko.

"Oo." Badtrip na sagot niya. Binatukan ko siya kaagad at sa ganong position kami nakita ni Mama.

"Eca what are you doing? Bakit mo binabatukan si Saturn? Hindi mo dapat ginagawa yan."

"Tita. Nagdala lang naman ako ng notes na namiss ni Eca sa school, pero binabatukan niya ako." I gasp in disbelief!

Nanlaki ang mga mata ni Mama at tinanong ako kung totoo ito, of course I said no! I defended myself but Saturn keeps on twisting the story. Napangaralan tuloy ako.

The Gullible ChicDonde viven las historias. Descúbrelo ahora