DANIEL's POV:
Picture ng isang babae na may nakatabi siyang manika na puno ng pulang pintura. Parang nagmimistulang dugo ang pintura na nilagay sa manika. Nakatali ang babae sa isang upuan saka siya nakayuko. Hindi ko siya mamukaan dahil sa nakaharang ang buhok niyang magulo sa mukha niya. Pero yung hugis ng katawan niya ay parang si Jabbie. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot kaya pumasok na agad ako sa kwarto naming mga lalaki kaso lalo akong napadilat ng makita ko ang katulad ng manika na nasa letrato na nakalagay sa sahig papasok ng kwarto. Sino ang may gawa nito?
Pumunta ako agad sa kwarto saka ko nakita ang mga nagsisihilikan ang mga kaibigan ko. Halatang mahimbing ang tulog. Pinulot ko ang manika saka ko tinignan. "Sino ang nagdala sa'yo dito?" Lumabas naman ako ng kwarto saka ko tinapon sa may basurahan malapit sa elevator. Nakakadistract siya sa isipan ko. Imposible din na si Jabbie ang nasa letrato. Baka nantri-trip lang ang mga tropa ko ngayon kasi masaya ako ngayon. Gago talaga. Humiga naman ako saka nakatulog.
Kinabukasan ay nag-ayos na kami ng mga gamit namin para makauwi na. Naghire ako ng van para sa aming lahat. Yon din ang gamit nila papunta dito. Yung kotse na gamit ko kasi kahapon ay pinadrive ko na kay Tito Teodoro. Nang makaayos na kami ay agad na kami sumakay sa van saka nagdrive na papuntang Manila. Nasa subic kasi kami e. Mahaba ang biyahe kaya kailangan na namin makaalis ng umaga. Wala pa kaming extra clothes at may klase na kami bukas.
Maingay lang na nagkukulitan kaming lahat. Kwentuhan do'n. Silay dito, ay este, binabantayan ko kasi si Kath e. Mamimiss ko kasi agad siya kapag 'di ko nakita ang maganda niyang mukha. Ang cheesy. Natawa naman ako ng mahina saka may humarang na notebook sa mukha ko. Staring is rude, Mister Daniel Padilla. Natawa naman ako sa may-ari ng notebook na 'yon. "I'm sorry. I can't really help it. You are really beautiful, Misis Padilla." Nanlaki naman ang mata nito saka ako hinampas ng hinampas. "Aray Kath! Joke lang kasi!" sabi ko habang tawa ng tawa.
Natigilan naman ako ng bigla kaming napadausdos kami ni Kath sa kaharap namin na upuan. "Ano ba yang pagdridrive mo Pre?" tanong ni JC kay Katsumi na siyang nagdridrive ng van.
"May humarang e. Lock ninyo ang pinto," sabi ni Katsumi pero bago pa kami makakilos ay nakarinig kami ng putok ng baril mula sa labas. Tinignan ko naman 'yong nasa harap namin. Nagulat ako na malaking van din ang nakaharang sa amin na may nakasilip na lalaking nakabonnet sa bintana ng van saka niya tinutok ang baril sa amin. Isa-isa naman bumaba ang mga kasamahan niya. Tingin ko nasa anim sila? Grabe. Lahat sila may mga hawak na baril! Ang lalaki ng katawan at parang papatay talaga.
"Wag kayong lalabas okay?" sigaw ni Seth na nasa passenger seat na katabi lang ni Katsumi.
Nakita ko silang unti-unting lumalapit dito. Nanginginig na sa takot si Kath. Niyakap ko siya saka binulungan na, "Everything's okay." Naririnig ko naman na nagdarasal na sila Ella at Dae habang umiiyak. Nakayakap naman si Lester kay Ella na parang prinoprotekhan ito. Si Dae naman ay nasa bisig lang ni Khalil na halata mong natatakot na rin.
Napasigaw si Julia ng biglang pukpukin ng mga lalaking nasa labas ang salaman ng van gamit ang martilyo. Nabasag na ito saka nila inalis ang pagkakalock ng pinto. Hinila nila ang pintuan saka nila kami tinutukan ng baril. "Nagmamakaawa kami mga kuya. Please h'wag ninyo kaming patayin," sabi ni Dae na malapit lang sa pintuan kaya nasa harap lang niya yung mga lalaki.
Tinignan naman kami ng mga ito na parang sinasuri ang mga mukha namin. Mga ilang saglit ay pumasok na ito ang isa sa kanila saka hinawakan si Dae sa braso nito. "Halika dito!" sabi ng lalaki at kusa niyang pinalabas ang kaibigan namin. Naramdaman ko naman na natigilan si Kath saka ko hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya. "Dae!" sabay sabay naming sinigaw pero si Khalil ay hinila din papalabas pero lumaban siya hanggang sa mapadausdos sila sa daan. Sinuntok naman ng isa si Khalil kaya napatigil ito ay hinawakan ang tiyan niya sa sakit. "Khalil!" sigaw ni Dae na halata mo na nag-aalala. Hawak-hawak sila ng apat na lalaki at pilit na pinapasok sa van nila.

YOU ARE READING
Love in Soundless World
Teen Fiction"Sa isang mundong napakatahimik magiging maingay pa pala dahil nalaman mo ang salitang PAG-IBIG."