LISW - 29

767 19 6
                                        

KATH's POV:

Natatawa na lang ako kapag naalala ko yung kanina. Paano ba naman nag galit-galitan ako kay Dan-dan. Gusto ko kasi malaman kung ano ang gagawin niya kapag nagagalit ako sa kanya. Wala lang. Malakas din siguro ang trip ko ngayon e. Bakit ba? 

"Anong tinatawa-tawa mo d'yan Kath?" Napalingon naman ako kay Ella. Kakaalis lang kasi ni Lester dito sa kwarto at buti naman ay walang nangyaring masama kay Ella. 

"Wala naman. Nantrip lang kay Daniel," sabi ko naman sa kanya. "Galit kuno lang." 

Napatawa naman ito. "Asus! If i know, mamaya ay 'di mo na matitiis siya," pang-aasar naman ni Ella sa akin.

"Baka nga pero tignan natin," sabi ko naman. Nanood lang kami ni Ella ng tv pero wala akong naintindihan dahil ni isang katok o tawag ay walang ginagawa si Daniel. Nang makailang minuto ay napatayo ako ng makarinig ako ng tunog mula sa pintuan ng hotel room namin. Nadismaya naman ako nang makita ko sila Dae, Jabbie at Julia. 

"Anong pagbubusangot yan, Insan?" tanong sa akin ni Dae. Umiling naman ako saka humiga. Hindi ko na siya pinansin. "Weird a," sabi pa nito. 

Nakakainis naman kasi e! 'Di talaga nagpaparamdam? Sige push niya yan. Natitiis niya pala ako a. Ganyanan na dito! Nakakainis!

Naligo at nagbihis na muna sila saka lumabas na para kumain ng dinner. Tinawag na rin kasi kami ni Daddy. Nagulat na lang kami ng makita namin na sila Tita Karla, Daddy, Magui, Lelay at Nash lang ang nandito sa may lobby para i-meet kami. 

"Nasaan po sila?" tanong ni Dae. 

"May gagawin pa daw sila. Mauna na daw tayong kumain," sagot naman ni Tita Karla sa amin. 

"Weird ngayon a," sabi pa ni Dae habang nakasunod lang kami sa kanila. Mga ilang saglit ay nakarating na kami sa isang restaurant. Pumasok na kami do'n at nag-order na agad sila Daddy ng pagkain. 

"Nasaan ba 'yon?" tanong ni Julia pero nakatingin lang siya sa phone niya. Halatang tinitext si JC. 

Dumating na ang mga pagkain, natapos na kumain at nakabalik na ng hotel kami ay wala pa rin yung mga 'yon. Nagpaalam na sila Tita na mauna na sila sa kwarto para makatulog na ang mga bata.

"Bwusit talaga. Nasaan na ba 'yong Mister Lampa na 'yon? Kapag nakita ko 'yon. Patay s'ya sa akin!" galit na galit na sabi ni Dae pagkaalis nila. Nakakainis naman kasi talaga e. Kahit ako naiinis na rin kay Dan-dan. Sige lang. H'wag siyang magpakita ngayon. Humanda talaga siya sa akin. 

Umupo muna kaming lima sa may lobby area ng hotel na tinutuluyan namin. Siguro mag-alas otso na at hanggang ngayon ay wala pa rin sila. 

"Alam ninyo girls, sa tingin ko. Kailangan na natin sila hanapin," suggest ni Jabbie. "Baka kasi kung napano na 'yon." 

"Tara. Baka nagswiswimming lang naman?" sabi naman ni Ella. 

"Tara na nga. Humanda talaga yang si JC na yan!" galit na sabi ni Julia. Ako? Walang reaksyon. Medyo nag-alala na kasi ako noong sinabi ni Jabbie na napano na sila. Baka nga may ganoon. H'wag naman sana. 

Lumabas na kami sa hotel saka naglakad-lakad. Inuna namin yung mga katabing hotels at restaurants pero hindi namin sila nakita. Lumapit naman kami sa may dagat saka sumigaw ng sumigaw. 

"JC!" / "Dan-dan!" / "Bwusit ka talaga Mister Lampa!" / "Seth!" / "Lester!" Kaso wala talagang sumasagot sa kanila kahit isa. 

Napaupo naman kami dahil sa pagod sa paghahanap sa kanila. Mag-aalas nuebe na rin ng mapatingin ako sa relos ko. 

Love in Soundless WorldWhere stories live. Discover now