CHAPTER FIVE

2.3K 59 1
                                    

NAUNANG bumaba ang dalawang Engineer bago kami sumunod ni Kuya Gilbert. Hindi namin kasama ang kambal dahil magpapahinga muna daw ang mga 'to. Si sandy naman ay pinaiwan ko muna para samahan ang dalawa, baka kasi gumawa na naman sila ng kalokohan habang wala kami.

"My contruction workers will be here tomorrow. Hindi kasi handa ang mga ito dahil ang buong akala nila ay next week pa ito sisimulan. Nagulat nalang ang head ng project na 'to sa biglaang tawag ni Architect Cordejo na gusto mo na daw simulan agad ang construction." Aniya habang nagtatanggal ng seatbelt.

Napaiwas naman ako ng tingin at nagtanggal na rin ng Seatbelt. Bakit nga ba nakalimutan kong may mape-perwisyo akong mga tao sa biglaan kong desisyon na 'to? "Sorry kuya. Gusto ko lang kasing matapos ito agad bago dumating si lolo." Sabi ko nalang.

Tiningnan niya ako. "No need to say sorry patty baby." Nakangiting aniya.

Nahihiyang gumanti na lamang ako ng ngiti. Nang lumabas na siya ng kotse ay sumunod na rin ako. Medyo mainit na at masakit sa balat ang araw kaya nag-payong na ako.

"Mukhang kararating lang rin ng mga materyales na gagamitin para sa mansiyon ng lolo mo." Rinig kong bulong ni kuya sa tabi ko.

Tiningnan ko siya at pinayungan na rin. "Mukhang mabilis mag-provide ng mga gamit ang supplier niyo kuya. Ah," puna ko atsaka tiningnan ang mga truck na may kaniya kaniyang laman ng materyales.

"Hindi naman. Nong pumirma kasi ang lolo mo sa contract ay pinahanda ko na talaga ang mga 'yan." Aniya.

Inilibot ko ang buong paningin ko sa paligid. Ibinababa na sa isang gilid ang mga bakal at semento. Namataan ko naman sila Victor at leon sa parte na hindi naaarawan, kasama nila si Architect Cordejo. Mukhang pinag-aaralan na nilang tatlo ang disenyo ng mansiyon ni lolo na dinisenyo at hawak ng tanyag na Arkitekto.

Napatingin sila sa 'min. Ngumiti ako at kumaway sa kanila. Lahat na yata talaga ng lakas ng loob ko ay nilunok ko na para umaktong normal sa harap niya. Ako ang may gustong maging professional kaming dalawa kaya dapat lang na kumilos ako ng normal.

Ayoko ring gawing rason ang nakaraan namin para pumalpak ang mansiyon ni lolo. Ngayon lang talaga ako naiinis kung bakit sa lahat ng pwedeng iwang trabaho sa 'kin ay ito pa! Konti nalang talaga iisipin ko nang  pinlano itong lahat ni lolo. Alam niyang naging nobyo ko ang arkitektong kinuha niya pero kinuha niya pa rin ito. Tsk! Ngayon parang nahihinuha ko na ang dahilan niya kung bakit gusto niyang magpatayo ng bagong mansiyon.

"Patty," Nagulat ako sa biglang paghila ni leon sa'kin palapit sa kaniya. Nabitawan ko tuloy 'yong payong na hawak ko. "Did you see his design?! It's perfect!" Masayang balita niya.

Pinilit kong ngumiti sa kabila ng aking pagka-bigla. "Really." Paos kong sabi atsaka sumulyap kay Adrian na matamang nakatingin sa'ming dalawa.

"Hands off, Engineer Corpuz." Bumaling kami kay Kuya Gilbert na halata sa mukha ang pagkapikon. Kinabahan ako lalo nang makita kong hawak na niya ang payong ko.

Napakagat labi ako. Nilingon ko ang ngumingising si leon bago ako lumayo sa kaniya at lumapit kay kuya Gilbert. Tumikhim ako. "Kuya, calm down." Bulong ko sa kaniya.

Huminga naman siya ng malalim atsaka ako hinawakan sa kamay at hinila palayo. "Let's go home." Aniya.

"Pero kararating lang natin." Angal ko.

"I don't care." Sagot niya. Aangal pa sana ako ng samaan niya ako ng tingin. Syempre natakot naman ako. Minsan lang kaya ito magsungit. Kapag active lang ang pagiging protective brother-cousin niya.

"Hey dude! Don't be so pussy. I am just being friendly to her." Rinig kong sigaw ni leon bago ako makapasok ng kotse.

Napailing nalang ako at hinayaan si kuya na iuwi ako. "Ayokong hinihila ka nalang ng lalaking 'yon ng basta basta. That bastard!" Tumiim bagang siya.

Patricia Laxamana 💯Where stories live. Discover now