CHAPTER ELEVEN

1.8K 43 2
                                    

PAGOD KONG binagsak ang katawan ko sa kama. Late na naman akong nakauwi ngayon, dumaan pa kasi ako sa presinto para sa kaso ni mang bert. I sigh. That man bring too much stress to me. Akalain mo ba namang pagkatapos magmakaawa sa'kin ay nagtangka na namang tumakas, mabuti nalang at alerto ang mga pulis.

Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito pagkatapos nang ilang katok. Mula doon ay dumungaw si sandy, "Let's eat dinner?" Tanong nito.

Tumango ako. "Sige. Susunod nalang ako." Sabi ko nalang.

"Bilisan mo, ha?" Aniya bago nito sinara ang pinto at umalis.

Nasapo ko na lamang ang ulo ko nang umupo ako sa kama. Ang sakit nang ulo ko. Ilang araw na rin kasi akong walang matinong tulog. Andami kasing trabaho rito.

Pumasok na muna ako nang C.R at naligo. Pagkatapos ay nagbihis nalang ako nang pajama at t-shirt bago ako bumaba. Nandon na sila sandy at Adrian na mukhang inaantay ako.

Walang imik akong umupo sa tabi ni sandy. Yumuko ako para hindi ko masalubong ang mga mata ni adrian na kanina pa nakasunod sa'kin. Hindi yata nito alam ang salitang 'awkward' ilang araw ko na rin kasi siyang iniiwasan buhat noong huling pag-uusap namin. Gusto kong iparamdam sa kaniya na hindi na kami pwedeng bumalik sa dati. Hindi ko na kayang bumalik sa kaniya. Tama na iyong isang beses na niya akong nasaktan, ayoko nang magpabola pa sa kaniya.

"May problema daw ang mga magsasaka?" Biglang tanong ni adrian.

Diko maiwasan ang hindi mapatingin dito. Paano niya iyon nalaman? Nagtatanong ang mga matang tiningnan ko si sandy pero ang bruha nagkibit balikat lang. Huminga ako nang malalim atsaka nagtanong. "Saan mo naman nalaman ang balitang iyan?" Malamig kong tanong.

"Mang pedro told me." Simple niyang sagot.

Kumunot ang noo ko. "At bakit niya naman iyon sinabi sa'yo?"

Tiningnan niya lang ako at nagkibit balikat. Padarag kong binitawan ang kutsarat tinidor ko dahilan para makalikha ito nang ingay. Gulat na binalingan ako ni sandy, i know that she knows that i'm fuming mad right now. "Patty, what's--" I cut her off. "--You are not just my lolo's architect, right? Tell me adrian! Gaano ka na katagal na nagta-trabaho sa lolo ko?!" Nanginginig ang mga labing sigaw ko.

"Patty!" Nanlalaki ang mga matang pigil sa'kin ni sandy. Napansin ko ring napatakbo papunta sa amin si manang. Siguro'y narinig niya mula sa kusina ang sigaw ko.

"Answer me adrian!" I hissed.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Seryoso niyang aniya.

Pagak akong natawa. "O come on! Wag mo na akong pagmukhaing tanga!"

Malamig niya akong tinitigan. "Stop it. Wala akong alam sa sinasabi mo."

"Stop fooling me!" Singhal ko sa kaniya. "Lahat nang magsasaka kilala ka. Ikaw nga daw ang kanang kamay ng lolo ko diba?! And don't you dare deny it adrian! What are you planning to do, huh? Dumidikit ka sa lolo ko sa anong dahilan adrian? Is it the money? His money? O baka gusto mong ipamana niya sa'yo ang dapat ay akin!"

"Señorita!" Nanlalaki ang mga mata at di makapaniwalang sigaw ni manang sa'kin.

Tiningnan ko ito. "Alam mo rin ba ito manang? Kakampi ka rin ba nang taong 'to? Ha? Kasi mula nang dumating iyan dito pansin ko na ang pagiging malapit mo sa kaniya!" May pagaakusa sa tinig kong sabi rito.

"Stop it patricia!" Malakas na sigaw ni adrian dahilan para muling bumaling sa kaniya ang atensyon ko. Kung nakakatayo lang siguro ito ay baka nasampal na niya ako sa tindi nang galit na nakikita ko sa mga mata niya. "Stop being childish! At huwag mong idamay si manang diyan sa galit mo sa'kin!"

"Childish? Iyan pa rin ba ang tingin mo sa'kin?!" Nanginginig ang buong katawan ko sa sobrang galit. "I was just simply asking you adrian! What are you planning to do?!"

"I don't have any f*cking plan against your family nor your money patricia!" Seryoso nitong sabi.

Napailing ako. "I don't believe you."

"Patty, stop it." Bulong ni sandy habang nakakapit sa braso ko. "Hindo daw siya pwedeng ma-stress sabi nang doc--"

"--Shut up sandy." Malamig kong sabi dahilan para matahimik ito.

"Bakit kailangan mo pang magtrabaho sa lolo ko gayong nakapasa kana sa profession na gusto mo? What is your reason Adrian?"

Nag-iwas lang ito nang tingin. "This is not the right time to tell you." Aniya atsaka sinabihan si jake na ihatid na siya sa kaniyang kwarto.

Hahabulin ko pa sana ito nang pigilan ako nila manang at sandy. Tiningnan ko sila nang masama. "Ano bang problema niyo? Kanina pa kayo nangingialam, ah." Singhal ko sa kanila.

"Tama na patty. Maawa ka naman sa kaniya." Mahinang sabi ni sandy.

"Maawa? Sa'kin ba naawa siya sandy?" Hindi ko alam kung tungkol pa ba ito sa nakaraan namin o tungkol na sa isyu niya sa lolo ko.

"Señorita, bawal siyang ma-stress." Seryosong sabi ni manang.

Tumiim bagang ako. "I don't care." Madiing sabi ko. "Let me talk to him." Pagpupumilit ko.

Nang akmang hahabulin ko na sila adrian nang bigla akong hilain ni sandy sa braso. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Muntik na kasi akong maduwal kung hindi lang ako sinalo nang dalawang kasambahay sa likod.

Sisinghalan ko na sana si sandy nang magsalita ito na nagpahinto sa'kin. "He's depressed!" Naiiyak nitong sabi. "He's depressed patty. Hindi mo nakita kung paano nagunaw ang mundo niya nang sabihin nang doctor na baka hindi na siya makalakad."

Natigilan ako at umawang ang aking labi. Parang lahat nang galit ko ay bigla nalang natunaw at napalitan nang guilt. I didn't know. Hindi ko alam na....."Bakit hindi ko alam?! Atsaka akala ko ba simpleng pilay lang? Matino ang usapan namin nang doctor!" Naguguluhan kong tanong.

"Dahil wala ka parati patty. Maaga kang umaalis diba at late na kung umuwi. Hindi ka na rin nakikibalita tungkol sa kaniya." Mababang aniya. "Sinugod namin siya sa ospital nong isang araw dahil sumakit bigla ang mga paa niya, hindi lang kanang paa. Tinatawagan kita non pero hindi kita ma-contact. Noong umuwi ka naman ay halos hindi kana makausap sa sobrang pagod mo kaya hindi na namin nasabi--" I cut her again. "Anong sabi nang doctor?" Mahinahon kong sabi.

Napabuntong hininga muna siya bago sumagot. "Noong gumawa ulit nang bagong test ang doctor ay nakita nilang lumala iyong maliit na fracture sa kanang paa. Iyong sa kaliwa niya namang paa ay matagal na palang may maliit na fracture iyon lumala lang noong naaksidente kayo. 50/50 nalang daw ang chance na makalakad pa siya. Baka hindi na daw makuha sa therapy. He was depress patty. Ngayon nga lang siya lumabas ulit nang kwarto niya nang malamang nandito ka."

Nanlumo ako sa mga narinig. Kaya pala parating sumasakit ang kaliwang paa niya noon. Kaya pala hindi siya sumasali sa mga varsity sa school niya at kaya pala hindi siya makatakbo nang matagal dahil may fracture na pala noon ang kaliwang paa niya. But, why didn't he tell me? Wala ba siyang tiwala sa'kin.

Nanghihina na lamang akong napaupo habang sapo sapo ang naninikip kong dibdib. Bakit parang pinipiga ang puso ko? He was f*cking depress! Ni hindi ko man lang alam. Tama nga siya. Childish nga ako. Walang alam at parang batang walang alam sa pakiramdam nang iba.

Bumuhos ang masaganang luha mula sa mata ko. Nasasaktan ako. Oo inaamin ko na. May puwang pa rin siya sa puso ko.

"He needs you patty. Please, help him." Pagsusumamo ni sandy.

Napasinghap ako at yumuko. Kahit hindi niya sabihin ay gagawin ko. Hindi ko hahayaang malumpo si Adrian.

"I will...." mahina kong usal.

Hi guys! Long time no update ako no? Ngayon lng kasi ako binisita nila patty at adrian eh haha

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon