The peak of so much happiness.
The climax of every love story.
The beautiful version of you and me ♡Sabado na nang hapon ng magising ako. Pagod na pagod ako galing sa taping. Una kong ichineck ang cellphone ko. Wala man lang text ni Edward. Nakakpanibago kasi minuminuto naman niya akong kinakamusta. Bakit kaya walang text yun o missed call man lang? Grabe bai!
Nang biglang may kumatok sa kwarto ko. Si kuya Jimboy pala. "Uy kuya? ngano?", napatanong ako. Namumutla at pawis na pawis siya.
"Maymay magbihis ka pupunta tayo ng hospital bilis!", nagpapanic siya. Syempre nagpanic na rin ako.
"Ha wait sa kuya anong meron? wait lang!", napasigaw ako. Nagbihis ako ng naka t-shirt, shorts at maling mali na tsinelas. Pinaharurot ko kay Kuya ang sasakyan namin. Halos liparin na rin lahat nang buhok ko dahil sa bilis niya.
"Kuya unsay naa diay? kinakabahan baya ako ay!", sabi ko sa kanyang nakakapit sa seatbelt ko. "Malayo pa ba?!", hindi niya ako sinagot. "Hoy kuya!!! malayo pa ba?", tanong ko ulet.
"Shh! tahimik ka nga di ako makapag concentrate sa pagdradrive! ang kulet kulet!", tumahimik na ako. Pinanood ko lang siya habang nagmamaniho. Ilang minuto pa ay dumating na kami sa isang pamilyar na lugar. Pinababa niya ako at nagpunas na siya nang kanyang pawis.
"Kuya? akala ko sa ospital? bat sa dagat?", napaisip ako. Actually marami akong naisip na pwedeng mangyari tulad ng: Baka di naman talaga sa ospital ang napangyarihan ng disgrasya? paktai! o baka naman nabaliw na si kuya Jimboy at kinikidnap ako? oh noh! o di kaya ay aalis na kami ng pinas at sa south china sea na maninirahan? na! paktai na gyud!
"Hoy Maymay! wag kang mag imagine dyan! halika na dito!", tawag ni kuya na nasa isang ferry. Paktai na grabe akong kaba. Kung ano man ang mangyari ngayon, dalawa lang ang pagsisisihan ko: una, wala pa akong toothbrush at pangalawa, wala run akong ligo huhu :( ang asim asim ko na.
Inakyat ko na ang ferry habang dumadagundol ang puso ko. Pagka akyat ko nakita ko agad sila mama at kuya. Nakangiti. Habang sa isang sulok naman ah mga kaibigan ko sa pbb,pati si Luis ay andun. Sa gitna ay ang buong pamilya ni Ed. I was confused. Char. Nalito ako kung bakit andito sila lahat. Pagkatingin ko sa sahig ay may maraming petals ng rosas. Oh eem gee.. paktai na! burol ba to? Hahah.
Tayming namang nasa gitna na nila akong lahat ay may biglang kumanta sa likod ko. "Nang makita kita.. napangiti mo na ako..", saktong paglingon ko ay nakita ko naman ang may isang lalaking may bitbit ng isang malaking bouquet. Ni reveal niya ang sarili niya ag napaluha ako.
"Pistot ui..", napaiyak na ako ng makita kong si Ed pala. Nakaputi lahat at may dala dalang mic at bulaklak.
"Hi my princess..", simpleng bulong niya.
"Hi...", napabuntong hinga ako. Naghalong kilig at kaba. Yun yung nararamdaman ko ngayon.
"I just wanted you to know Maymay.. that I've already asked all of them and they all approved..", pinahiran niya ang kanang mata niya na namamasa ng luha. Paktai! kulbaa!
"Ano..bang.. meron?!", tanong ko na para ng naprapraning at nginangatngat ang mga koko ko.
"Maymay.."
"Oh?"
"Mahal kita, alam mo ba?"
"Ha?"
"Haha you're not listening to me.."
"Ay..ha?"
"Haha you are so cute. ahm.. Maymay?"
"Oh?"
Paktai na! Lumuhod na! wa na gyud! paktai na gyud!
"I know how crazy this journey has been for us.."
"Paktai! English..."
"Shhh.. Maymay talaga soo likot..hold my hand..here. "
"Hala Ed ano ba to?"
"Maymay.. I love you.."
"Oo. I know.."
"Hahah.. And I want to ask you this May.."
"What man?"
"Will..you.."
"Hala hala hala..."
"Will you marry me May?", sabay labas niya sa isang silver na singsing may hugis heart na bato. Nag flatline ako. Tumambling ang lahat. Nag flat line ulet ako. Naghiyawan ang lahat. Nakaluhod pa rin si Ed.
"Oo alam ko Ed. Alam kong mahal mo ako. Mahal rin kita. Kaya syempre Yes Ed.. yes!!!!"
Hinalikan niya ako pagkatayo niya. Niyakap. Hinalikan muli. Nag group hug at nag groufie.
"Maymay.. so likot.. my hand misses your hand.. I mean wifey!", tinitigan niya ako ng malupet. Ngumiti pa siya pagkalapit ko at nagsalita siyang muli.
"Baliw na baliw talaga ako sayo, aking Maymay"
#SoonToBeMrandMrs
#Engaged♡♡Marydale

YOU ARE READING
Dear Maymay, Mahal Kita Alam Mo Ba?(COMPLETED ♡)
Fanfiction"Baliw na baliw ako sa iyo.. oh Maymay aking prinsesa..!!" Hi sa lahat nang mga MayWardians! Ang panulat pong ito ay mumunting handog ko para sa lahat na kinikilig kina Maymay at Edward. Ang sarap sigurong isipin na after ng PBB ay may kahahantungan...